Marvelous Alejo admits undergoing depression; grateful to TV5 for first lead role in Wattpad series

Ipinagpapasalamat nang labis ni Marvelous Alejo na napansin na ng TV5 ang kanyang talento at nabigyan na siya ng break upang magbida sa pamamagitan ng Wattpad series. Produkto ang 18-year-old singer-actress ng artista search ng istasyon na Artista Academy.


Pagkatapos ng halos tatlong taon, nabigyan na ng pagkakataong magbida ang Artista Academy alumna na si Marvelous Alejo.

Sa pakikipag-usap niya sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ngayong Biyernes ng hapon, February 20, nabanggit ng 18-year-old actress-singer na kahit hindi siya nagmamadaling mabigyan ng break ay dumaan siya sa depresyon.

Saad ni Marvelous, “Hindi naman talaga ako nagmamadali. Pero nagkaroon ng time na na-depress din ako.

“Nagkaroon ako ng depresyon kasi ako yung breadwinner ng pamilya.

"Kumbaga, mahirap na hanapan ka nila ng money na wala kang mabigay, wala ka nang source of income, wala kang work."

Panganay sa limang magkakapatid ang dalaga. Hiwalay na ang kanyang mga magulang at wala naman daw trabaho ang kanyang ina dahil may karamdaman ito sa puso.

“Maaawa ka sa mga brothers and sisters mo na wala silang mababaon or kahit walang pambaon, yung pagkain araw-araw.”

Naging emosyunal din si Marvelous nang magkuwento tungkol sa kanyang abusadong ama.

Tatlong taon na raw itong walang komunikasyon sa kanila, pero pinatawad na niya ito sa anumang nagawang mali sa kanila.

Sa ngayon daw, ang iniisip lang ni Marvelous ay ang magtrabaho upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.


EX KO ANG IDOL N’YO. Sa February 23, 9 P.M., ipalalabas na ang Wattpad episode na pagbibidahan ni Marvelous, ang Ex Ko Ang Idol N’yo.

Kaya labis-labis daw ang kanyang kaligayahan na sa wakas ay nagbunga na rin ang kanyang paghihintay.

Sabi ni Marvelous, “Actually, sobrang nakakatuwa po na meron akong ganitong super-laki [na project].

"And thank you sa TV5 ngayon kasi binigyan nila ako ng isang lead role.

“Dati kasi kontrabida, 'tapos supporting role.

"Super first talaga ito. Hindi ko naman first na mag-Wattpad, pero first ko na magbida."

Leading man ni Marvelous dito si Ranz Kyle, ang lider ng YouTube sensation boy group na Chicser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Marvelous and Ranz. Photo by Noel Orsal.)

Isa rin sa makaka-partner ng TV5 homegrown star ang dating Kapuso teen star na si Joshua Dionisio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN