Dream fight finally a go: Manny Pacquiao and Floyd Mayweather to face off on May 2

Wala nang atrasan ang sagupaan nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao pagkatapos ng limang taong paghihintay at negosasyon. Magaganap ang laban ng dalawa sa pinakamahusay na boxers sa mundo ngayon sa May 2 sa Las Vegas.


Pagkatapos ng maraming taon at ilang buwang negosasyon, magaganap na sa wakas ang pinakahihintay na sagupaan sa boxing ring nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Kasado na ang bakbakan ng dalawa sa itinuturing na greatest boxers sa mundo ngayon, sa May 2 (May 3 sa Pilipinas), sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Si Mayweather mismo ang nag-anunsiyo ng paghaharap nila ni Pacquiao sa pamamagitan ng pagpu-post ng larawan ng pirmadong kontrata nila sa kanyang social media accounts nitong Biyernes, February 20 (Sabado, February 21, Manila time).

Ipinost din ni Manny ang larawan ng nauna na niyang pinirmahang kontrata sa kanyang Instagram account (@emmanuelpacquiao) ngayong araw.

Caption niya dito (published as is): "Finally he sign the contract so the fight is on, this is what im talking about that I sign already before, im just explaining to the fans and to prove that im not lying, i have the fear of the Lord. So this is it! The fight is on fans you deserve it thank you. to God be all the Glory."

Ayon sa report ng SPIN.ph, ang pinakaaabangang laban na ito ay inaasahang babasag sa lahat ng financial records at magpapayaman pa lalo kina Mayweather at Pacquiao.

Base sa inisyal na estima, posibleng magkamal ng US$120 million o higit pa si Mayweather, habang ang mapupunta naman kay Pacquiao ay humigit-kumulang US$80 million.

Inabot ng limang taon ang negosasyon upang matuloy ang laban nina Pacquiao at Mayweather.

At sa wakas nga ay matutuloy na rin ang posibleng maging “fight of the decade” nang magdesisyon ang magkabilang kampo na magkasundo at kalimutan na ang kanilang hindi pagkakasundo sa ilang mga isyu—kabilang na ang drug testing at television rights.

Sabi ni Mayweather sa kanilang paghaharap ni Pacquiao, "I promised the fans we would get this done and we did.”

Ayon pa sa report, tulog si Pacquiao nang i-announce ni Mayweather ang kanilang laban, ngunit nag-isyu ang kanyang kampo ng statement na nagsasaad na deserve ng fans ang pinakahihintay na laban na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Filipino boxer, "It is an honor to be part of this historic event. I dedicate this fight to all the fans who willed this fight to happen and, as always, to bring glory to the Philippines and my fellow Filipinos around the world."

Unang pumutok ang balita na matutuloy na sa wakas ang laban nina Pacquiao at Mayweather pagkatapos magkita ng dalawang world-class boxers sa NBA game sa pagitan ng Heats at Bucks, sa Miami, Florida, noong January 27.

Pagkatapos nito ay pinuntahan ni Mayweather si Pacquiao sa hotel suite nito, at dito pinaniniwalaang isinara ng dalawa ang negosasyon.

I set up this meeting with Manny Pacquiao to get this fight done but they will continue to tell the public it's us and that's NOT TRUE. So while we wait y'all go download @Shots ASAP so I can keep you all updated on the Mayweather vs. Pacquiao fight, that we are trying to make happen or follow @fighthype on IG, Twitter & Facebook or visit www.fighthype.com for the best Boxing & MMA updates. I'm in Miami, Florida eating at my favorite restaurant everyday @Lornas_restaurant1 Lorna's Caribbean & American restaurant 2732 NW 183rd St Miami Gardens, FL 33056 (305) 623-9760 www.themoneyteam.com @liljamez @moneyyaya @kingkoraun @zion_mayweather @melissiarene @badmedina @thatjessilee @rickibrazil @theharlemhotboy @jamielynn @lizahernandez23 @ikitchie @21tmt @icedoutbarber @jaybling @bigboymansion @1_shot @leonardellerbe @mayweatherpromotions @davidllevi @lapistolpete @rmg1 @shots @themoneyteam @chefism @beckiekb @littlerockrod @badoujack @jleonlove @kobellows @doitallbob @andrewomotundetabiti @ladarius_miller @chrispearson_yk @saan58_ @ben.shamoon @ronaldgavril @therealdonone @ishe_sugarshay_smith @ashleytheopane @kevinnewman_ii @mickeybeytmt @latondriajones @thinkindia @iamfamousj @youngmoneymar @lilromediddy @thececeshow @tmtcashflow @sammy @johnny @bigpat_lv @greg_larosa_tmt @jizzymack @bigchurch71 @cuzzo_therealbigfrankii @alicialaurenz @justinray05 @lil_tokyo @bigbull_mamboyz @brucethedriver @diggsfoe @swansonpr @themoneyteam_aj @moneysl @brucesontmt @fusionluxurymotors @courtscornerla

A photo posted by Floyd Mayweather (@floydmayweather) onFeb 5, 2015 at 1:18pm PST

Bilang patunay na napakarami ng nag-aabang sa laban na ito, ayon sa USAToday.com, ang tickets para sa May 2 Pacquiao-Mayweather fight have "completely sold out within 15 minutes of the match-up being announced by Mayweather on the social media site Shots on Friday afternoon."

Ang laban nina Pacquiao at Mayweather ay isasahimpapawid bilang joint venture ng magkalabang networks na Showtime at HBO.

To read more, visit SPIN.ph: Megafight finally on as Manny Pacquiao, Floyd Mayweather to face off on May 2


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN