Floyd Mayweather ’ran the show’ in negotiations for megafight with Manny Pacquiao

Bob Arum on Pacquiao-Mayweather megafight: "This boxing match will have the interest in the U.S. of a Super Bowl. I think it will set all kinds of pay-per-view records and gate records. It will be the biggest boxing event of all time."


Lumalabas na sinunod ng kampo ni Manny Pacquiao ang halos lahat ng kahilingan ni Floyd Mayweather Jr. para matuloy na ang inaabangang laban ng dalawa sa pinakatanyag na boksingero sa mundo.

Ayon sa ulat ng Associated Press, na lumabas sa SPIN.ph, si Mayweather ang nagpatakbo ng negosasyon para sa laban nila ni Pacquiao.

Ngunit ayon sa trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach ay mababago ito kapag naganap na ang laban ng dalawa.

Si Roach ang isa sa binigyan ng ‘gag order’ papunta sa announcement ng May 2 fight nina Pacquiao at Mayweather, dahil pinagbigyan ng kampo ng Filipino boxer ang mga kahilingan ng American boxer, kabilang na ang karapatang mag-announce ng kanilang laban.

Bilang bahagi ng kanilang kasunduan, si Mayweather din ang magdidikta kung sino ang unang papasok ng ring, anong klase ng gloves ang gagamitin, at iba pang mga isyu, kabilang na ang diumano’y 60-40 na hatian sa prize money.

Ayon kay Roach, dapat i-enjoy na ni Mayweather ang spotlight ngayon.

"Floyd should enjoy being the A-Side while he can because on May 2 Manny is going to put him on his backside."

Sabi naman ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum, na nasa likod ng ilan sa pinakamalalaking laban sa kasaysayan, ang megafight na ito nina Pacquiao at Mayweather ay mas magiging malaki pa sa mga ito.

Pahayag ni Arum sa The Associated Press, "This boxing match will have the interest in the U.S. of a Super Bowl.

"I think it will set all kinds of pay-per-view records and gate records. It will be the biggest boxing event of all time."

Ngayon pa nga lang ay na-sold out na ang tickets para sa laban nina Pacquiao at Mayweather 15 minuto pagkatapos itong mai-announce.

Ganunpaman, ayon sa oddsmakers, liyamado si Mayweather sa laban nila ni Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN