Cesar Montano camp on "masturbation" controversy: “It’s just about the issue on property relations and the kids are just being used.”

Atty. Joel Ferrer, Cesar Montano’s lawyer, on the "masturbation" issue allegedly written in detail by Cesar Montano’s two daughters: “Basically ang tingin ni Cesar dito, Shine is taking this [new controversy] as a leverage to force the issue upon Cesar to give in to demands of Shine on that property.”


Lumikha ng kontrobersiya ang panayam ng Startalk noong nakaraang Sabado, February 14, kay Atty. Carlo Alentajan, abugado ni Sunshine Cruz, kung saan ipinahayag nitong may panibagong kaso silang isinampa laban sa estranged husband ng aktres na si Cesar Montano.

Ito ay may kinalaman sa kabastusang ginawa diumano ng actor-director sa harap ng tatlo nilang anak na babae.

Violence Against Women and Children (VAWC) ang kasong isinampa muli laban sa aktor.

Marami ang nagulat at tila 'di makapaniwala sa naging rebelasyon na ito ni Atty. Alentajan, lalo’t kumukuwestiyon ito sa kakayahan at karapatan ni Cesar para maging ama sa kanyang mga anak.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Atty. Joel Ferrer, abugado ni Cesar, noong Huwebes, February 19, sa isang coffee shop sa Katipunan Ave., Quezon City, kinuha namin ang reaksiyon niya sa panibagong alegasyon laban sa kanyang kliyente.


POSSIBLE REASON BEHIND ISSUE. Ayon kay Atty. Ferrer, “We also heard that news, 'tapos may nabasa din kami sa diyaryo, about three sa tabloids.

“And then, yesterday, when I was informed about it, I went over the video.

"True enough, nagsalita nga si Atty. Alentajan about the case that they filed against kay Cesar.

“Tinawagan ko si Cesar about this. According to him, wala pa siyang natatanggap na complaint.

“It seemed that the complaint is with regard to sa isang pangyayari sa loob ng kuwarto nila Cesar sa bahay nila, wherein nandun yung mga bata.

“What they are complaining about is that Cesar daw, according to him, was masturbating while the the daughters were watching TV."

Patuloy ng abugado, “Cesar categorically denied about this, napakaimposibleng magawa ni Cesar ‘yan sa mga anak niya.

“Ang logical reason lang dito kung bakit siguro nag-file sila ng VAWC using this, we have to recall na there are pending cases between husband and wife, Cesar and Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The last case is the annulment filed by Shine and in that case, we just directed the parties to discuss the settlement of their properties, which is allowed.

“Pinag-usapan na namin ‘yan. In fact, there were discussions about that.

"The last time I spoke with Shine and her lawyer about this was on October 30, nandun pa nga yung mga bata.

“Maganda yung naging usapan namin and we were hoping that the compromise agreement would be signed already.

“Except that there is one issue na isang property ang gusto ni Shine na hindi puwedeng maibigay ni Cesar, so nagkaroon kami ng stalement dun.

“Basically, ang tingin ni Cesar dito, Shine is taking this [new controversy] as a leverage to force the issue upon Cesar to give in to demands of Shine on that property.”


PROTECTING THE CHILDREN. Ayon kay Atty. Joel, ang pinaka kawawa at biktima sa pangyayaring ito ay ang tatlong bata.

“Nagagamit ang mga bata dito, e.

“Sila ang nagsabi na kawawa ang mga bata. but the question is, bakit kinakailangan nilang lumabas sa TV after filing the complaint?

“If they want to protect the children, 'di na sana umabot sa media ito.

“In fact, we don’t want to respond na sana, kaya lang mainam rin na malaman ng publiko kung ano rin ang hinanakit ni Cesar sa bagay na ito.

“He had been silent about this quite a time, puro nasa camp ni Shine ang lumalabas sa media, because Cesar would want to come out with a peaceful formula sa rift nilang mag-asawa."

Patuloy niya, “This is basically a rift between husband and wife na hindi dapat ma-involve and mga bata.

"But Cesar thinks that Shine is using their children to gain leverage and we’re talking about property in relations.

“It’s very unfortunate that it happened this way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin lang naman, sabi ni Atty. Alentajan, as lawyers, it’s our duty sana to protect yung mga bata.

“True enough, as officer of the court, sana 'di na siya lumabas sa TV para magsalita tungkol sa kaso na pinayl [filed] nila.

“They filed it, then let it go through its course.

"Hindi yung after filing the case, pupunta sa media at magsasalita tungkol sa reklamo nila.

"It’s totally unfair," hinaing pa niya.


CLARIFYING THE SCENARIO. May partikular bang pangyayari na naaalala si Cesar na puwedeng magkaroon ng ganitong ideya ang mga anak?

Saad ni Atty. Ferrer, “Wala siyang maalalang ganyang sitwasyon, except for one, like, he’s fixing his pants and the daughter said that, something about like puffing.

“Then Cesar asked, 'What’s puffing?' tinatanong ni Cesar yun.

“The question I may want to raise was, among us males, nangyayari talaga na when we want to do something on our private parts na, 'ika nga, kinakambiyo namin, would it constitute puffing or masturbating already?

“In your unguarded moment, kung lalaki ka, hinawakan mo ang ari mo at ikakambiyo mo nga, would it be masturbation already?

“Baka ganun lang, in that context, nakita ng mga bata and they were led by their mother really to say that is masturbation.

“In the minds of the children, 'pag hinawakan ng isang mama ang ari niya, that’s already masturbation, and that’s really unfair.

“That is the worst scenario he can think of na puwede nilang mai-relate sa ganung bagay.”


CASE UPDATE. Kumusta na ang mga kasong isinampa ni Sunshine laban kay Cesar?

Ayon kay Atty. Ferrer, “Lahat ng cases pending, as the custody case, mayroong temporary custody awarded to Shine.

"Hindi pa final yun, kailangan pa nilang mag-present ng evidence.

“We have a hearing on March 2 where the camp of Shine must present evidence to support their petition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After that would be the turn of Cesar, then the court will decide kung kanino talagang custody nung mga bata."

Patuloy ng abugado ni Cesar, “The annulment is pending, yung distribution of properties, yun ang pinag-uusapan namin, which led to this matter now.

“Unresolved pa yung VAWC, that other VAWC case is with regards to the complaint of Shine.

“This is also VAWC, violence against children naman daw because of that issue nga. Ito ang pinagtataka namin.

“At that tender age of the daughters of Cesar and Shine, nagtataka kami how they know what is masturbating.”


DAUGHTERS' LETTER. May sulat daw ang dalawang bata kung saan ikinuwento ng mga ito ang pangyayari.

Naniniwala naman daw si Cesar na hindi ito kayang gawin ng kanyang mga anak at namaniobra lang ng ibang tao.

Pahayag ni Atty. Ferrer, “If it's is true na mayroong sulat ang mga bata, nasasaktan talaga si Cesar.

"Because if ever these were really written by the children, he feels that the daughters were dictated upon by Shine.

“Hindi kayang gawin ng mga bata na magreklamo ng ganung bagay, ng ganung klase to that extent kay Cesar.

“Even Shine admitted to the past that Cesar is a very good father to their children, unquestionable ‘yan.

“She went live on TV and all programs that she appeared before, she readily admitted that Cesar is a very good father to their children.”


LEVERAGE FOR PROPERTY ISSUE? May kinalaman sa ari-arian ang nakikitang rason ni Atty. Joel Ferrer sa naging aksiyon na ito ng kampo ni Sunshine.

“Of course, we’re still reaching out to Shine.

"In fact, we tried to communicate with her last week and told her agreeable na si Cesar sa mga kagustuhan niya, sa demands niya.

"But we still have to hear from their camp

“Ito lang naman talaga ang sa tingin namin, it’s just about the issue on property relation and the kids are just being used.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun na nga, it seemed we’re going back again to the issue of properties.

“Kung ide-deny ni Shine it’s not about properties, what happened now with the ongoing settlement supposedly?"

Ngayon nga raw ay ibinigay na ni Cesar ang gustong mangyari ni Sunshine kung saan pumirma na ito ng compromise agreement.

“At the end of the day, it will boil down to the settlement of properties.

"Kung yun lang ang issue, huwag na nating isama ang mga bata.

“Whether we like it or not, kung ganyang reklamo ang finile nila, maapektuhan ang mga bata," saad ni Atty. Ferrer.


FULL CUSTODY. Kung full custody naman daw ang habol ni Sunshine, ibinibigay na rin ng kliyente niya ang gusto ng aktres basta huwag lang itong aalisan ng kaparatan na madalaw at makasama pa rin ang mga anak paminsan-minsan.

Ayon kay Atty. Ferrer, “Cesar is paying for all the support, education ng mga bata, allowances nila. Siya ang gumagastos lahat.

"Unfortunately, wala siyang projects ngayon, so walang pinagkakakitaan, and yet he’s still giving.

“This time around, it should be Shine who should actively contribute sa support ng mga bata dahil siya ang kumikita ngayon.

“Ang effect pa nga nito, nasisira si Cesar nang husto sa mata ng publiko, siya ang masama, medyo nawawalan na rin siya ng mga projects.”

Naikuwento rin ng abugado na inakusahan din pala ni Sunshine si Cesar bilang “psychologically incapacitated.”

Pahayag naman ni Atty. Ferrer, “Itong paggamit sa mga bata, you know this is a form of psychological incapacity din.

“In fact, I would even dare na siguro mas mainam na silang dalawa na lang ang magpa-test, magkaroon ng psychological examination to determine once and for all kung sino ang psychologically incapacitated sa kanilang dalawa.”

Kumusta na ang kalagayan ngayon ni Cesar?

Ayon kay Atty. Ferrer, “He’s really down, he’s depressed, devastated as you call it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, pagtawag ko sa kanya kahapon, masama daw ang kanyang pakiramdam, he’s having flu, 'tapos dine-deprive pa siya ni Shine na makita ang mga bata.

"Shine did not allow Cesar to see their children since November."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN