(UPDATED) KC Montero clarifies that he is not yet engaged; apologizes for the confusion

IMAGE Instagram

After posting a photo on Instagram on what seemed to be an engagement to his girlfriend, KC Montero clarifies that he is not yet engaged and apologizes for the confusion.


Kasabay ng paghingi ng paumanhin ay ang paglilinaw ni KC Montero na hindi pa siya engaged sa kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Stephanie Dods.

Ito ay matapos isipin ng iba, kabilang na ang ilang mga kaibigan niyang artista, na engaged na ang host-radio jock dahil sa kanyang Instagram post noong Sabado, February 21.

Nag-post kasi si KC ng isang larawan sa kanyang Instagram account kung saan may hawak siyang cardboard na may nakasulat na “Groom,” samantalang may hawak ding cardboard ang kanyang kasintahan at may nakasulat na “Bride.”

Tanging date ngayong araw—"February 21, 2015"—ang caption ng nasabing larawan.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ipinaliwanag ni KC na nasa isang wedding sila ng kanyang girlfriend at naisipan nilang maglaro ng wedding game.

Humingi rin ng dispensa si KC dahil sa kalituhang idinulot ng kanyang post sa mga tao.

Hold your horses guys, there's no wedding for me and Steph yet. We were at a wedding playing a wedding game. Sorry for the confusion.

— KC Montero (@KCMontero) February 21, 2015

Tanghali ng Sabado nang i-post ni KC ang larawan sa Instagram at inakala ng kanyang followers, kabilang ang mga kapwa-showbiz personalities, na engaged na siya.

Nag-post ng mga pagbati sina Billy Crawford, Mo Twister, Bubbles Paraiso, at Iza Calzado.

Isang modelo ang girlfriend ni KC at magkarelasyon na sila ng 10 buwan.

Bago si Stephanie, nakarelasyon din ni KC si Geneva Cruz, na naging asawa niya sa loob ng sampunt taon, samantalang tumagal lamang ng ilang buwan ang relasyon nila ni Rhian Ramos.

Read: KC Montero maintains close relationship with ex-wife Geneva Cruz and stepson Heaven


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN