Robin Padilla chooses to stay out of ’word war’ between Richard Gomez and Bangsamoro peace advocate; pushes for federalism

Robin Padilla says everyone is entitled to his opinion, following the ’word war’ between actor Richard Gomez and Bangsamoro peace advocate Agakhan Sharief.


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Robin Padilla hinggil sa 'word war' sa pagitan ng aktor na si Richard Gomez at ni Bangsamoro National Movement for Peace and Development chair Agakhan Sharief.

Ito ay may kinalaman sa isyung pagsusulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), na naapektuhan matapos maganap ang malagim na pagpaslang sa 44 Special Action Force troopers sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa kanilang social media accounts, nagpahayag ng kani-kanilang sentimyento sina Robin at Richard tungkol sa nasabing relasyon ng pamahalaan at ng mga Muslim sa Mindanao pagkatapos ng Mamasapano incident.

Habang kitang-kita sa kanyang mga post na nais isulong ni Robin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga Muslim, nanawagan naman ng all-out war si Richard laban sa MILF.

Read: Robin Padilla, Richard Gomez reveal views on Mamasapano incident; Binoe calls for peace, Goma calls for war

Samantala, kahapon, February 20, ay lumabas ang balita kung saan hinimok ni Sharief si Richard na huwag maging pasimuno ng panawagan ng labanan sa pagitan ng mga sundalo ng gobyerno at mga Muslim.

Hinamon din ng peace advocate si Richard na siya na lang ang makipaglaban sa mga Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kung gusto nito ng giyera.

Nilinaw naman ni Richard ang kanyang posisyon at sinabing hindi siya anti-Muslim kundi anti-terrorists.

Read: Bangsamoro peace advocate to Richard Gomez: “Itigil mo 'yang paghihimok mo ng all-out war.”


CIVILIANS FIRST. Ayaw namang gumatong pa ni Robin sa palitan ng salita nina Richard at Sharief.

Ani Robin, “Kanya-kanya tayo siyempre ng opinyon. Respetuhin natin, nasa demokratiko tayong bansa.

“Ganundin naman siguro si Richard, nirerespeto din niya yung opinyon ko.”

Dugtong pa ng action superstar, “Pero siyempre, ako, hindi ako titigil.

"Dapat nating ipaglaban kung ano yung pinaniniwalaan natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng press si Robin sa isang organic farm sa Nueva Ecija para sa isang upcoming endorsement niya, ngayong araw, February 21.

Inilahad din ni Robin na bumisita siya sa Mamasapano, Maguindanao kamakailan at nakita niya kung gaano lubos na naapektuhan ang mga sibilyan doon.

“Sila [civilians] dapat yung iniintindi natin.

"Para sa akin, hindi ko dapat intindihin yung MILF, hindi ko dapat intindihin ang BIFF, at hindi ko rin dapat intindihin ang ating kapulisan.

“Ang dapat nating intindihin dito, e, yung mga sibilyan dahil wala silang kinalaman dito.

“Kung meron tayong dapat binibigyan ng pansin, [dapat] yung kaparehas nating sibilyan.”

Nagbigay pa ng senaryo ang aktor upang bigyang-diin ang kanyang punto tungkol sa pagkakadamay ng mga sibilyan sa hidwaan sa pagitan ng mga sundalo at partikular na grupo ng mga Muslim.

“Maba-bad trip din tayo habang nag-iinterbyuhan tayo 'pag may nagbarilan. Magagalit din tayo.

"'Ba't n'yo kami iniistorbo rito?' Kasi kasi tayo peaceful?

“Ang priority natin always, ang sibilyan.”

Tumanggi naman si Robin nang hingan siya ng mensahe para kina Richard at Sharief.

“Ayokong mag-opinyon sa mga ganyan kasi damage pa ang ibibigay mo diyan.

“Opinyon na nila pare-pareho 'yan, hindi natin puwedeng pigilan ang bawat isa sa kanilang opinyon.

“Hangga't hindi sila nag-aaway sa [Instagram] account ko, wala akong pakialam.

"Basta sakay lang ako kahit kanino, opinyon mo 'yan."


NO TO POLITICS. Tahasan ding sinabi ni Robin na wala siyang balak pasukin ang pulitika.

Rason niya, “Hindi ko nakikita kasi ang sagot sa problema ng Pilipinas yung sistemang ito.

“Kung tatanungin niyo ako kung ano ang tamang sistema, federalism tayo.

"Naniniwala ako na [dapat] federalism tayo."

Ang federalism ay ang pagkakaroon ng kasunduan ng mga partido o grupo na magiging independent “with a governing representative head.”

Patuloy ni Robin, “Pero para ako tumakbo, 'tapos sasama lang ako sa kanilang comedy dun sa senado...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto mo ba akong mapanood sa comedy dun, imbes na nakagawa ng maganda, nakagulo pa?

“Naniniwala ako na dapat, ang indigenous tribes dito sa Pilipinas, magkaroon ng sarili nilang lugar, magkaroon ng sarili nilang batas—magmula Cordillera hanggang sa dulo ng Pilipinas sa Sulu.

“Kawawa na 'yan... yung mga Aeta, pumunta ka ng Pampanga, ang nakikitira...

"Sa'n ka nakakita, ang nakikitira, Aeta?” pagtukoy ni Robin sa indigenous people ng Pampanga.

Diin pa niya, “Comedy na talaga ang Pilipinas kahit sa'n mo tingnan, e.

“Sila na ang nawalan ng ancestral land.

“'Pag nagkaroon tayo ng federalism ng federal state, magkakaroon sila ng karapatan sa sarili nilang lupa na pamumunuan nila ang sarili nila, sila ang pulis do'n.

“Hindi na tayo magtuturuan, 'Bakit may terorista sa lugar mo? E, bakit nagkaroon ng terorista dun, e, kayo pulis?'

“Kasi ngayon, ang nangyayari, turuan.

"'Pag nagkaroon tayo ng federal state, kasalanan 'yon ng state [kung may pagkakamali]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN