Anjanette Abayari reveals how she was duped by ex-boyfriend David Bunevacz; happy as unwed mom

Former sexy star-turned-happy mom Anjanette Abayari says she chose not to get married: "I don’t mind, hindi ako nagpakasal. I didn’t marry, I didn’t want to get married anymore, basta gusto ko lang magkaanak.”


Nagbalik-Pilipinas na ang aktres na si Anjanette Abayari pagkatapos ng labinlimang taon.

Sa Startalk kaninang hapon, February 21, nakapanayam nina Joey de Leon at Lolit Solis ang dating beauty queen at sexy star.

Saad niya, "I just want to say hello sa lahat ng mga fans ko, kahit sandali, pero babalik ako agad.

"Thank you sa continuous na support nila.

"Hanggang ngayon, I’ve been away for years na, nakaka-warm yung reception para sa akin.

"I’m leaving papuntang Iloilo this week, 'tapos balik-States ng first week of March.

"One month talaga ako dito, 'tapos babalik ako. I’ll be right back kasi may offers nga.

"May isa akong international [movie] na dito gagawin, they’re gonna shoot it here for 2 to 3 weeks."

Naging sikat ang aktress noong '90s sa kanyang pagganap bilang Darna at sa pelikulang Hangga’t May Hininga.

DAVID BUNEVACZ. Inilahad din ni Anjanette ang diumano'y pagbebenta ng kanyang mga ari-arian ng dati niyang kasintahang si David Bunevacz nang makulong siya sa Guam dahil sa drug case noong 1999.

"Ibinenta niya. Without my knowledge, unfortunately.

"Well, yung pinakamalaki sanang gusto niyang ibenta, yung condo ko, kasi pinadalhan niya ako ng power of attorney na akala niya isa-sign ko or something, and of course, I didn’t.

"'Tapos nalaman ko na lang sa huli na ibinenta niya yung kotse ko and yung Rolex ko.

"Nagawa niya [ibenta,] pero na-recover naman ng tito ko yung kotse k; yung Rolex, hindi."

Ikinuwento rin ni Anjanette ang pagkuha ni David ng mga naipong donasyon noong siya ay nasa Guam.

"Wala akong nakuha.

"Thank you pala sa lahat ng tumulong sa akin nun, I didn’t get any of the money, so hindi ko alam na maraming nagtulong sa akin.

"Lahat ng nagbigay ng tulong para sa akin, hindi niya ibinigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati yung abugado nga sa Guam hindi niya binayaran," paglinaw pa niya.

Si David ay nakabase na ngayon sa Amerika kasama ang dating aktres at talent manager na si Jessica Rodriguez at ang kanilang mga anak.

HAPPY MOM. Ngayon ay larawan ng isang maligayang ina sa kanyang dalawang anak si Anjanette.

Aniya, "I don’t mind, hindi ako nagpakasal.

"I didn’t marry, I didn’t want to get married anymore, basta gusto ko lang magkaanak.

"Magkaiba [sila ng tatay,] 'tsaka yung isa, hindi kami masyadong magkasundo."

Natanong din ni Lolit ang tungkol sa relasyon nila noon ni Gabby Concepcion, at kung bakit hindi sila "nagkaanak."

Sabi ni Anjanette, "Naku, because I didn’t want you forever hating me."

Sinagot din ni Anjanette ang mga pag-aakusa na mayroon daw siyang "sex video" kasama ang aktor.

"Marami ngang nabangit na sex video noon sa akin, I think may napanood nga ako, na DVD 'ata yun.

"Pero hindi ako yun, pero it looked like me, kamukha ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN