Marvelous Alejo happy being paired with Chicser’s Ranz Kyle Ongsee: “Super okey siyang katrabaho.”

TV5 teen star Marvelous Alejo on loveteam partner Ranz Kyle Ongsee of popular YouTube teen group, Chicser: “Super-like lalo sa set, kapag nandiyan siya, he’s making me happy all the time. Actually, yung buong group (Chicser), sobrang magpatawa."


Sobrang proud ang TV5 contract star na si Marvelous Alejo na katrabaho niya ang teen actor na si Ranz Kyle Ongsee na isa sa miyembro ng sikat na boy band at YouTube sensation na "Chicser."

Ito ay kinabibilangan ng magkapatid na Owy at Oliver Posadas, Ullyses Basa, Biboy Cabingon, at Clarence Villafuerte.

Silang dalawa ang bagong tambalan sa Wattpad Presents: Ex Ko Ang Idol N'yo na mapapanood sa Kapatid network mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas nuwebe ng gabi.

Bungad ng 18-year-old teen star, “Super okey siyang katrabaho po.

“Super-like lalo sa set, kapag nandiyan siya, he's making me happy all the time.

“Actually, yung buong group (Chicser), sobrang magpatawa.

“Nung magkasakit ako, yung second day namin sa taping, lahat sila worried tapos, 'Okey ka na? Okey ka na ba?'

“Nagdyu-joke sila, ako naman kailangan kong sabihin na, 'Okey ako.'

“Sabi nila, 'Hindi, malungkot ka, e.'

“Hindi talaga sila tumigil hangga't hindi nila nalalaman kung ano talaga ang situation ko that time.”

Patuloy pa ni Marvelous, “At saka, yung bonding namin ay hindi lang for TV, nagsi-set kami ng lakad na mag-Star City.

“One time, tinuruan nila ako mag-billiards, 'tapos, instead na yung bola ay nandito sa harap ko, tumalon ang bola, yun.

“Sobrang mabait ang Chicser.”

SOMEONE'S MAKING ME HAPPY.” Dahil sa hindi magandang karanasan niya sa kanyang ama na inamin niyang binubugbog silang magkakapatid, may mga nagtatanong kung hindi raw ba siya naging man-hater.

Sabi naman niya, “Ay, naging man-hater din po ako.

“I don't want sa love, I don't want sa...

“Pero lovelife ko ngayon? Someone's making me happy.

“Kumbaga, he's not my boyfriend pa.”

Biniro tuloy siya kung si Ranz ba ito?

Nangingiting reaksiyon ni Marvelous, “Secret!

“Nagpost kasi sa Instagram siya (Ranz) na... kasi ako, nagpost ako na, 'I'm feeling loved.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kasing may crush sa akin, may gusto sa akin, at yun nga, kinu-court ako.

“'Tapos, bigla siyang nagpost na, 'I'm in love.'

“Pero, it's not for me.

“So, I asked him kung bakit siya nagpost nang ganun, sabi ko, 'Bahala ka, lagot ka.'

“'Tapos, 'Supposedly sa iyo yun pero, joke lang,' nilagay niya.

“Pero, ang turing ko sa kanya, 'wala, super-friends,' parang ganun."

May chance ba na ma-develop ang closeness nilang dalawa sa isang mas seryosong relasyon?

Pasubali ng Artista Academy alumna, “Hindi ko po alam.

“Si Ranz is super-mabait so, hindi malabo."

NO BOYFRIEND YET. Kasunod ang muli niyang deklarasyon na, “No, I don't have a boyfriend.

“May someone.

“Yung someone na yun ay sobrang ma-effort.

“Sobrang effort na nagugulat na lang ako sa text messages, sa mga tweet and even sa...

“Clue lang, nasa Wattpad din siya, not from Artista Academy but sa ibang network."

Dagdag pa niya, “Unang-una, gusto ko yung maka-Diyos.

“At gusto ko, yung malapit sa family.

“Itong guy na ito, sobrang lapit sa family niya.”

Si Phytos Ramirez kaya ito na siyang iniuugnay sa kanya ngayon?

Pagtanggi niya, “Ay grabe, wala akong sinabing pangalan.

“Bakit, sa ibang network din naman si Ranz, ah?

“Wala po akong sinabing pangalan, wala po akong sinabi kung si Ranz o si Phytos.”

Sa puntong ito, naitanong namin sa kanya kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang career, lalo na't unti-unti na siyang napapansin ng TV5.

Pakli niya, “Gusto ko talagang... ang dream role ko ay maging isang sirena at fairy, yung fantasy.

“Siguro, kaya ang dami nang gusto nun, dahil halos lahat naman ng mga bata ay nabuhay sa Little Mermaid, sa characters ng Disney, yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN