Sunshine Cruz lawyer claims property issue not related to new complaint of VAWC filed against Cesar Montano

Sunshine Cruz’s legal counsel, Bonifacio Alentajan, denies speculations that Sunshine’s latest VAWC complaint against Cesar Montano stemmed from an unresolved property settlement case: “Hindi, iba yun, walang kinalaman ‘yan. ’Di puwedeng blackmailan yun,” says Atty. Alentajan.


Noong unang linggo ng Pebrero 2015, nagsampa ng reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) Act at child abuse si Sunshine Cruz laban sa asawang si Cesar Montano sa Quezon City Prosecutor's office.

May pambabastos umanong ginawa si Cesar sa kanilang tatlong anak.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Atty. Bonifacio Alentajan, legal counsel ni Sunshine, noong Pebrero 19, ibinigay nito ang panig ng aktres tungkol sa reklamong inihain nito laban kay Cesar.

Saad niya, “Well, marami na kasing kaso na nai-file si Sunshine against Cesar Montano. Nadagdagan na lang nung isang linggo.

“Yung dati, naka-file na ng kaso si Sunshine sa paglabag ng Republic Act 9262, yung law punishing acts of Violence Against Woman and their Children.

“Pending pa rin 'yan hanggang ngayon dun sa Prosecutor’s Office ng Quezon City.

"Nag-file na rin si Sunshine ng annulment ng marriage nila, pending rin sa regional Trial Court ng Quezon City.

"We will be undergoing trial of this case soon."

According to a news report published in journal.com.ph, on February 2, 2015, Cesar Manhilot, was charged with violations against minor daughters under Republic Act 9262 (Anti-Violence against Women and their Children) and R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Act).

The charges were filed by his estranged wife, Sunshine Cruz, who claimed that the incident took place when their minor daughters slept over in his residence in Tivoli Royale Subdivision, QC, on Nov. 16, 2014.

Sa panayam ng PEP kay Atty. Alentajan sa bahay mismo ng abugado, aniya, “Again, kasi he did something obscene in the presence of his three daughters.

"Nagreklamo ang mga bata so minabuti ni Sunshine na ipa-husgado na lang ito kasi 'di na niya kayang lutasin itong mga problema nila."


DAUGHTERS' CONFESSION. Ayon pa rin kay Atty. Alentajan, nalaman ni Sunshine ang tungkol sa pangyayari dahil sa pagtatapat na rin dito ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsumbong ang mga bata, nagsigawan 'tapos sumulat pa sa kanya, 'Mommy, this is what happened. Daddy did this, Daddy did that.'

“It’s not acceptable to us as parents, for a father to do that in the presence of the daughters, lalo na daughters.

“We cannot discuss it publicly, I don’t think it will be allowed by the company or MTRCB, but that’s already filed before the Prosecutor’s Office.”

Tinanong din namin ang abugado sa hinaing ng kampo ni Cesar na Nobyembre pa ng nakaraang taon nang huling makita ng aktor ang mga anak na lalo raw nagpapabigat sa damdamin ni Cesar.

“After ng incident na 'yan, ayaw nang pumunta ng mga bata sa kanya,” dagdag ni Atty. Alentajan.


THERAPY NEEDED. Dahil sensitibo ang sitwasyong kinahaharap ngayon ng mga anak nina Sunshine at Cesar, tiniyak naman ni Atty. Alentajan na sumailalim sa psychological therapy ang mga bata para hindi magkaroon ng trauma ang mga ito.

“Of course, they are affected.

“Well, a psychiatrist or a psychologist must be consulted because the children might need professional help.

“They need the assistance of a professional, like a psychiatrist or child psychologist, kasi baka ma-disturb yung development ng mga bata, mahirap na.

"So they are undergoing psychological and psychiatric therapy.

“Devastated si Sunshine. Hindi na niya nakayang tanggapin ito.

"Nakita mo naman sa mga sulat nila, na-record kung ano ang feeling ng mga bata."


PROPERTY SETTLEMENT NOT THE ISSUE. Sa nakaraang panayam naman ng PEP kay Atty. Joel Ferrer, legal counsel ni Cesar Montano, nabanggit nito na ang nakikita nilang rason ng paghahain ng panibagong reklamo ay dahil hindi naibigay ng aktor ang gusto sanang property ni Sunshine ngayong hiwalay na sila at naghahatian ng mga pag-aari.

Paglilinaw ni Atty. Alentajan, “Hindi, iba yun, walang kinalaman ‘yan.

“'Di puwedeng blackmail-an yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko nga na maglaban-laban ang mag-asawa kasi naaapektuhan ang mga bata.

“Matagal nang sinasabi sa akin ni Sunshine ‘yan, matagal ko siyang pinipigil na, 'Wag muna, 'wag muna, ayusin natin kasi mahirap, e.'

“Hindi, hindi, may dahilan muna para ma-dissolve ang marriage and in connection with the dissolution of the marriage, mayroong property settlement ‘yan, because nagpundar sila pareho.

“Kung anuman ang ipinundar nila pareho at na-dissolve ang marriage, kailangang hatiin ‘yan.

“Secondary na lang ‘yan, kasama na yun sa annulment.

“Dito na lang ang settlement na 'yan, e.

"Pero ang accusation ng kanyang psychological incapacity to comply with his marital obligations, nandiyan na ‘yan, dati na ‘yan.

“It starts from the first day of their marriage, ganun na siya talaga, lumabas na lang ‘yan nung huli na.

“Nakita ninyo naman sa mga newspapers, sa mga magazines, sa Instagram, Facebook, kung anu-ano ang ginagawa niya diyan, e, 'di ba? Ma-disturb ang marriage kapag ganyan.

“Natural lang 'yan, kung nakapag-imbak ng mga kaunting kayamanan ang mag-asawa, dapat hati.

“So, yun ang sabi namin, hati.

"E, ayaw naman ni Cesar na ipaalam kung saan niya inilalagay yung mga assets niya.

"Hindi niya ipinagtapat kay Sunshine kung saan-saan ang mga assets niya.

“Wala raw siyang kinikita.

"E, sabi na nga ng court, magbayad siya ng ganito, hindi naman niya tinutupad.

“Mako-contempt pa siya niyan kasi mayroon nang order ang husgado na magbayad siya monthly, 'tapos hindi naman niya tinutupad.”


SUNSHINE'S DECISION. Hindi ba maaaring ayusin na lang ang lahat para hindi na ito umabot pa sa katakut-takot na demandahan?

Ayon kay Atty. Alentajan, na kay Sunshine ang desisyon.

“At this stage of their lives, mukhang mahirap na to undo what has been done.

“Kung ano ang gusto ni Sunshine, yun na lang ang susundin ko, abugado niya lang ako.

“Kung ayaw na niya, ayaw ko na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung gusto niyang ipagpatuloy hanggang saan, siyempre sasamahan ko siya, tutulungan ko siya.

“Hindi sila nagkasundo kasi ayaw ni Cesar, e.

“Dumaan na nga kami sa mediation para magkasundo sa settlement ng properties rights.

"E, ayaw ni Cesar, so we have to go back to court.

“Walang natuloy na compromise, walang natuloy na mediation, kasi ayaw ni Cesar.

"He agreed to nothing, wala.

"Pati nga yung order ng husgado na magbayad siya sa mga bata, wala.”


EMOTIONALLY DISTURBED. Kinumusta namin kay Atty. Alentjan si Sunshine at tinanong kung paano nito hinaharap ang mabigat na sitwasyon sa buhay nilang mag-iina.

Tugon ng abugado, “Okay naman siya, although she is emotionally disturbed na baka may mangyari sa kanya.

“Natural, she’s hurt, but she has to move on.

"Sabi ko nga sa kanya, 'You have to be strong, you have to pray more, and have faith in yourself.

“'Kailangan panindigan mo ang ginagawa mo at may tiwala ka sa sarili mo, because when your marriage is dissolved, ikaw na lang ‘yan, ikaw na rin ang padre de familia.

“'Ikaw ang nanay, ikaw ang tatay, ikaw ang lahat. You have to look after your children until they are grown up. Tatlong babae pa naman ‘yan.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN