Vin Abrenica grateful that GF Sophie Albert doesn’t get jealous of his onscreen partners

Vin Abrenica on his smooth-sailing relationship with girlfriend Sophie Albert: “Walang mangyayaring selosan, kasi kami naman ni Sophie buo ang tiwala namin sa isa’t isa. At saka ako, I never give her any reason para magselos.”


Wala raw dahilan para magselos ang girlfriend niyang si Sophie Albert sa pakikipagtambal ni Vin Abrenica kay Yassi Pressman para sa TV5 mini-series na Wattpad Presents: My Fiancé Since Birth, na nakatakdang umere sa Marso 9-13.

“Walang mangyayaring selosan kasi kami naman ni Sophie buo ang tiwala namin sa isa’t isa.

“At saka ako, I never give her any reason para magselos. So kung si Yassi man ang next leading lady ko, o kung sino mang aktres pa ang makakapareha ko, walang selosang mangyayari,” paninigurado ni Vin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa launching ng second batch of stories na itatampok sa Wattpad Presents ngayong 2015. Ginanap ito noong Pebrero 12 sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon Street, Quezon City.

Kahit nga raw magkaroon ng kissing scene si Vin kay Yassi ay hindi ito magiging isyu kay Sophie.

May mga issue ba si Vin at Sophie sa kanilang kissing scenes at kung sino ang makakapareha nila?

“Noong bagu-bago kami [magkarelasyon], siguro. Pero ngayon, parang wala na, e. Kasi parang sanay na sanay na kami talaga bilang mga artista.”

Kung tutuusin nga raw, mas nauna pang gumawa ng kissing scene at intimate scene si Sophie sa unang pelikula nitong #Y, bagay na hindi naman din naging isyu kay Vin.

“Iyon nga, nandoon pa ako sa dubbing, so nakita ko yung mga eksena,” ayon pa sa Kapatid actor.

NO LONGER A LOVETEAM? Simula pa noong Artista Academy, kung saan sila ni Sophie ang mga nanalo, magka-loveteam na silang dalawa. Pagkatapos ng ilang proyekto na magkapareha sila ay sinubukan naman ng TV5 na itambal sila sa iba.

Nauna na ngang itambal si Sophie kay Ahron Villena sa katatapos lang na Wattpad Presents: Cupid’s Fools, na umere noong Pebrero 16-20, habang si Vin nga ay ipapareha kay Yassi sa isa pang Wattpad story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nalulungkot si Vin na tila nawawala na ang loveteam nila ni Sophie dahil sa iba na sila ipinapareha?

“Hindi naman, kasi mga artista kami, e. Kami rin yung couple na kung ano yung work na ibigay sa amin, wala kami yung, 'Sana ganito...'

“Pero siyempre mas masaya kung tatanungin mo ako na magkasama kami. Iba siyempre yung magkasama kami na nagte-taping, para lang kaming nagba-bonding.”

Hindi man sila magka-loveteam ngayon ni Sophie, hindi naman daw apektado ang kanilang relasyon offscreen. Matibay daw ang relationship nila.

YASSI PRESSMAN. Pangatlong Wattpad Presents story na ni Vin ang My Fiancé Since Birth. Nauna niyang gawin ang Fake Fiancé, katambal si Sophie. Sumunod ang A House Full of Hunks, kasama naman si Jasmine Curtis-Smith.

Hindi pa raw nakakapag-taping si Vin kasama si Yassi para sa Wattpad Presents, kaya wala pa siyang masasabi tungkol sa pakikipagtrabaho sa bagong leading lady. Pero magkakilala na raw sila bago pa ang proyektong ito.

“Hindi pa kami nagte-taping, ang taping namin sa February 23 pa.

“Pero matagal na kaming magkakilala ni Yassi; hindi pa ako artista noon nung na-meet ko siya.

“Naalala ko sa Enchanted Kingdom pa, may event doon si Kuya [Aljur Abrenica] and nandoon rin si Yassi.

“Ipinakilala siya sa akin ni Kuya, so nag-rides kami, at nagkaroon ng bonding doon pa lang. So, hindi na kami uncomfortable, okay na kami, hindi na siya stranger kumbaga.”

Kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Yassi, okay lang sa kanya?

“Oo, okay lang. Actually, wala naman akong arte sa ganun,” deklara niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN