Ranz Kyle Ongsee not leaving Chicser for showbiz career

Ranz Kyle Ongsee, Chicser member, says he’s not quitting his group because of his newfound showbiz career: “Yeah, hindi dahilan ang pag-aartista para kami maghiwalay. Hindi po namin sasayangin ang limang taon naming pagsasama sa Chicser.”


Dream come true para sa Chicser member na si Ranz Kyle Ongsee ang maging artista.

Bata pa raw siya ay gusto na talaga niyang umarte. Pero mas nauna nga siyang nabigyan ng break sa pagkanta at pagpe-perform bilang miyembro ng boy band at YouTube sensation na Chicser.

Kaya naman nagpapasalamat si Ranz sa TV5 dahil hindi lang siya ang nabigyan ng acting break sa Wattpad Presents: Ex Ko Ang Idol N'yo, kundi pati ang mga kagrupo niya sa Chicser na sina Owy, Oliver, Ullyses, Biboy, at Clarence.

Ayon kay Ranz, “Sobrang nakaka-excite and nakakakaba rin kasi first time nga po.

“Pangarap ko po na magkaroon ng lead role; 'tapos ngayon nandito na. Bata pa lang po ako, gusto ko nang mag-artista.

“Talagang sobrang happy din po ako kasi hindi lang ako mag-isa, kasama ko pa rin yung grupo ko dito sa show na ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ranz sa pocket presscon ng Wattpad Presents: Ex Ko Ang Idol N'yo na ginanap noong Pebrero 20 sa TV5 Media Center sa Reliance Street, Mandaluyong City. Nakatakda namang ipalabas ang naturang Wattpad mini-series sa Pebrero 23-27.

Hindi naman daw masyadong nahirapan ang 17-year old na si Ranz sa kanyang role sa TV5 mini-series dahil halos pareho rin daw ng nangyayari sa kanya sa totoong buhay.

Bilang si Calix sa story, isa rin siyang singer na iniidolo ng maraming kababaihan. Nakatulong din daw ang acting workshop na ibinigay sa Chicser ng management team nila sa Viva Artist Agency.

LOVETEAM WITH MARVELOUS. In-enjoy din daw ni Ranz ang unang pagkakataon ng pagtatambal nila ng TV artist na si Marvelous Alejo.

Ayon kay Ranz, “Okay naman po siyang katrabaho. Medyo makulit lang pero okay naman po.”

Mabilis daw silang naging kumportable sa isa’t isa ni Marvelous. Paano niya ide-describe ang closeness nila ng kanyang leading lady?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung closeness namin… lagi kaming nag-aasaran ng kung anu-anong bagay,” ngiti niya.

Nilinaw naman ni Ranz ang isyung nag-post daw siya sa Instagram ng, “I’m in love!” Kaya ang akala ng mga nakabasa ay para iyon kay Marvelous.

Paliwanag niya, “Ay, wala po iyon. Para po iyon sa mga fans at supporters ko. Friends lang po kami ni Marvelous.”

Pero kung sakali, magugustuhan niya kaya si Marvelous?

“Siguro po,” maikling tugon ng aktor.

Anong qualities ba ni Marvelous ang gusto niya?

“Maganda yung face niya. Yung ugali niya okay din. Mabait, madaldal… kung anu-anong sinasabi, nang-aasar palagi,” pagpuri niya.

Biniro naman ng PEP si Ranz na baka ang pang-aasar talaga ang lambingan nila ni Marvelous.

“Ewan ko po,” sabay tawa ni Ranz.

Ang mahalaga raw ngayon ay magkaibigan sila ni Marvelous at malaking tulong para sa kanilang loveteam na magkasundo at kumportable sila sa isa’t isa. Ayaw naman daw nilang ipilit na magkaroon sila ng relasyon ngayong magka-loveteam sila.

NOT LEAVING CHICSER. Magtuloy-tuloy man daw ang pagiging artista ni Ranz at sakaling dumami ang acting projects niya, hindi naman daw niya iiwan ang grupo niyang Chicser. Meron daw silang usapan na walang iwanan.

“Yeah, hindi dahilan ang pag-aartista para kami maghiwalay. Hindi po namin sasayangin ang limang taon naming pagsasama sa Chicser,” diin niya.

Wala rin daw selosang nangyayari sa grupo nila kahit na siya ang unang nabigyan ng big break sa acting bilang bida sa Wattpad mini-series.

“Wala pong selosan. Masaya po sila para sa akin at masaya rin po ako na kasama ko sila dito sa show. Para na po kaming magkakapatid,” pagmamalaki pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN