Claudine Barretto’s ex-aide acquitted in qualified theft case; grateful to Gretchen Barretto

An excerpt from the acquittal of Dessa Patilan’s qualified theft case based on the resolution signed by Judge Romeo Tagra: "Even if it is conceded for the sake of argument that the search on the cabinet and the stuffed toys of the accused were done not by the police officers but strictly speaking, but private individuals—Claudine [Barretto] and her driver Reynante Umali—on their own, the court still holds that the offered evidence which were discovered


"Not guilty" ang hatol kay Dessa Patilan sa kasong qualified theft na isinampa ng aktres na si Claudine Barretto laban sa kanyang dating personal assistant.

Matatandaang May 17, 2013 nang pormal na kasuhan si Dessa sa Marikina Regional Trial Court dahil sa pagnanakaw diumano ng pera, alahas, at iba pang kagamitan ni Claudine na nagkakahalaga ng P8,051,800.

Matapos makulong ng halos isang taon sa Marikina detention cell ay pansamantalang nakalaya si Dessa, pagkatapos siyang piyansahan ni Gretchen Barretto, kapatid ni Claudine, noong March 2014.

Read: Gretchen Barretto bails sister Claudine's former personal assistant out of jail

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolusyon ni Judge Romeo Tagra na inisyu noong January 26, 2015.

Dito ay idinetalye ang sunud-sunod na pangyayari na humantong sa pagkaka-acquit sa kaso ni Dessa.


“ILLEGAL WARRANTLESS SEARCH.” September 1, 2014 nang magsumite ang legal counsel ni Dessa na si Atty. Alma Mallonga ng “Demurrer to Evidence” o mosyon na naglalayong ibasura ang naturang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Inalmahan ng dating kasambahay ni Claudine ang paglabag sa kanyang “right to privacy” o ilegal na paghalughog sa mga kagamitan niya noong akusahan siya ng complainant ng pagnanakaw nang walang karampatang warrant of arrest mula sa awtoridad.

Base ito sa mismong sinumpaang salaysay ni Claudine na natagpuan sa loob ng cabinet ni Dessa ang isang malaking teddy bear na naglalaman ng “DV1 Camera, two pieces of medallion bracelet, assorted makeup kit, and mobile phone” na diumano’y ninakaw ng dating personal assistant ng aktres.

Nabanggit din sa resolusyon na hindi naisumite bilang ebidensiya ng complainant ang Rolex watch na diumano’y tinangkang nakawin ni Dessa.

Sabi pa sa isang bahagi ng resolusyon ni Judge Tagra: “Since the search was already done in the presence of the responding police officers after the accused had already become a suspect for the specific crime of theft—for the Rolex watch, then technically speaking, the second search on the cabinet and the stuffed toys inside is already deemed done by the police officers themselves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As such, the proscription, under Section 2 in relation to Section 3 (2), Article III of the 1987 Constition, that a search warrant is necessary before a search is made, otherwise, all items seized and found as a result thereof are inadmissible and bereft of evidentiary value in any proceeding, already becomes applicable."

Ayon pa kay Judge Tagra, hindi nangangahulugang may permiso ni Dessa ang ginawang paghalughog sa kanyang mga kagamitan, dahil lang hindi tuwirang tinutulan ng dating kasambahay ang nangyaring insidente.

Ito ay sa kadahilanang napatunayan na limitado ang nalalaman ni Dessa—na hindi nakapagtapos ng high school at nanggaling sa isang liblib na bayan sa Northern Samar—pagdating sa kanyang karapatang pantao.

Dagdag pa rito ang kaalaman na nangyari ang insidente sa harap ni Claudine, iba pang kasambahay, village security guards, at armadong police officers.

“Hence, if at all, the acts performed by the accused cannot be taken as an intelligent and a knowingly-made consent but a mere passive conformity given under intimidating or coercive circumstances and is thus considered no consent at all within the purview of the accused's guaranteed right to privacy,” paliwanag ni Judge Tagra.

Nakasaad din sa naturang resolusyon na ang mga kagamitang diumano’y ninakaw ni Dessa ay napasakamay ni Claudine at iprinisinta pang ebidensiya sa korte.

Partikular na rito ang nabanggit na DV1 camera, dalawang medallion bracelet, makeup kit, at mobile phone.


DESSA GRATEFUL TO GRETCHEN. Sa panayam ng PEP sa legal counsel ni Dessa na si Atty. Mallonga, iginiit ng abugado na walang basehan ang akusasyon ni Claudine laban sa dati nitong kasambahay.

Patunay umano nito ay ang pagtestigo ng mismong asawa ni Claudine na si Raymart Santiago, na nasa kamay ng aktor ang diumano’y nawawalang Rolex watch at hindi totoong kinuha ni Dessa.

Samantala, nakakuha rin ang PEP ng opisyal na pahayag ni Dessa tungkol sa pagkaka-dismiss ng kanyang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki umano ang pasasalamat ng dating kasambahay ni Claudine kay Gretchen Barretto, na siyang nagrekomenda kay Atty. Mallonga na pagtuunan ng pansin ang kanyang kaso.

“Sobrang saya ko po sa tiwala na ibinigay sa akin ni Ma’am Gretchen at ng aking mga abogado.

“Sila ang nagbigay sa akin ng pag-asa na, maliit man akong tao, ay maaari kong makamit ang hustisya.

“Hindi po nila ako pinabayaan.

“Ang pangako ko ay hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.

“Lagi po akong mananalig sa Diyos. Maraming-maraming salamat,” saad ni Dessa.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang apela ng kampo ni Dessa kaugnay sa ibinasurang qualified theft complaint na inihain naman nila laban kay Claudine.

Ito ay sa kadahilanang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naibabalik kay Dessa ang pag-aari nitong electronic tablet at perang nagkakahalaga ng P10,700 na kinuha diumano sa kanya ni Claudine noong ding May 10, 2013.

Ngunit nauna na itong pinabulaanan ni Claudine at sinabing ang dati niyang sekretarya ang kumuha ng mga nabanggit na gamit ni Dessa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN