Judy Ann Santos stands by Instagram post despite reconciliation with Kris Aquino

Judy Ann Santos on her Instagram post that resulted to Kris Aquino unfollowing her: “Sa palagay ko, wala namang mali sa sinabi ko. Wala akong minura. Wala akong tinapakan. Sariling pananaw ko lang yun... Opinyon ni Ms. Kris na mag-unfollow, nirerespeto ko yun. Private account niya yun. It’s her decision. Siguro kahit ako yung nasa posisyon niya, para maiwasan kong makapagsabi ng masama sa isang tao, I would have done maybe the same."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Judy Ann Santos sa naging isyu sa pagitan nila ni Kris Aquino.

Nag-ugat ito dahil sa pagpu-post ni Judy Ann sa Instagram ng kanyang saloobin noong kasagsagan ng isyu sa hindi pagdalo ni Pangulong Noynoy Aquino, kapatid ni Kris, sa arrival honors para sa Fallen 44 ng Philippine National Police (PNP)-Special Action Force (SAF).

Dahil sa pangyayaring yun, in-unfollow ni Kris si Judy Ann sa Instagram.

Read: Did Kris Aquino unfollow Judy Ann Santos on Instagram?

Pero ilang araw lang ang nakalipas, nagkapalitan sila ng text messages at muling finollow ng Queen of All Media ang Young Superstar.

Read: Kris Aquino now following Judy Ann Santos on Instagram after brief falling-out

Nilinaw ni Judy Ann ang tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media sa presscon na inihanda para sa kanila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Lunes, February 23.

Sina Judy Ann at Ryan ang mga bida sa bagong infomercial ng MTRCB.

Ayon sa Kapamilya actress-TV host, pagkatapos ng palitan nila ng text messages ni Kris ay hindi pa sila nagkikita o nagkakausap.

“Wala pa, although I greeted her noong birthday niya.

“Pero kami naman ni Kris, like what you read sa Instagram, hindi man kami super-close, there’s always respect and warmth sa pagkakaibigan namin.

“We never had any expectation kung gaano magiging kalalim ang friendship namin.

“We are very professional enough to respect each other’s opinion.

“So, kung anuman ang nangyari noon na masyado rin… na hindi ko rin maintindihan paano nga ba lumaki masyado yun!” natawang sabi pa niya.

Pero kung wala bang nagmu-monitor at lumabas na in-unfollow siya ni Kris sa Instagram, hindi ba niya malalaman ang tungkol dito?

Natawang sabi ni Judy Ann, “Siyempre hindi ko malalaman, unang-una, hindi ko alam kung paano mag-check!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos noong sinabi na lang sa akin, may mga nagte-text sa akin, ‘In-unfollow ka ni Kris, ano ang nararamdaman mo?’”

Tsinek ba muna ni Judy Ann ang followers niya?

“Mars, ang dami nun, e! Dumami nga lalo nang magkaisyu!” tawa na naman niya.

Mahigit 650,000 ang followers ni Judy Ann sa Instagram (@officialjuday).


STANDING BY HER POST. Kung anuman daw ang ipinost ni Judy Ann sa kanyang Instagram, na naging dahilan ng pag-unfollow sa kanya ni Kris, ay pinaninindigan niya ito bilang isang Filipino.

Saad niya, “Oo naman, noong nagbigay ako ng opinyon noong araw na yun, it was a very…

“Ano siya, e, ang raw ng emosyun ko noong araw na yun. Kagigising ko lang, nanonood ako ng news.

“Napaka-vulnerable mo at that time.

“So, bilang mamamayang Filipino, yun bang pakiramdam mo lang ang sinabi ko, yun ang opinyon ko.”

Wala siyang pagsisisi sa kabila ng nangyaring isyu?

“Wala,” mabilis niyang sagot.

“Kasi, parang nagkataon lang din na hindi lang pala ako mag-isa sa nararamdaman ko noong time na yun.

“Nagkataon lang na ako ang nagsalita.”

Sa post niyang yun, lumalabas na disappointed siya sa pag-handle ng Presidente sa naturang sitwasyon.

Paliwanag ni Judy Ann, “Sa tingin ko, hindi lang naman ako.

“I’m not blaming the President. Maybe it was the act that we were talking about.

“It was the act or maybe the people around the President could have said things na… para mas naayos ang situation.

“Ang artista nga, ang daming team ng artista—may glam team, may management team.

“Ang Presidente rin naman natin, may ganoon. Sana na-handle lang nang maayos.

“Wala naman tayong sinasabi na dapat hindi pinuntahan ‘yan. Dapat na-handle lang nang tama noong araw na yun.”

PETITION. Sang-ayon din ba siya sa petisyong bumaba na sa kanyang puwesto si PNoy?

Ayon kay Judy Ann, “I think I wouldn’t go that far naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In my case, sa akin lang naman, yung particular situation noong araw na yun.

“Kung lalabas pa ako sa sitwasyon na yun o usapan na yun, hindi ko na siguro gugustuhing lumabas.

“Kasi, it’s very obvious naman ngayon kung ano ang totoong isyu ng Pilipinas o ng bansa natin.

“Kung makikisawsaw pa ang mga artista, baka masyado pang maging magulo.

“Kung anuman ang mangyayari, let’s just hope na it’s for the betterment of our country.”

Ano ang naging lesson sa kanya ng isyu nila ni Kris?

Sabi ni Judy Ann, “Alam mo, wala namang lesson, kasi wala naman akong ginawang masama.

“Sa palagay ko, wala namang mali sa sinabi ko.

“Wala akong minura. Wala akong tinapakan.

“Sariling pananaw ko lang yun.

“Sabagay, lahat naman tayong Filipino, kahit hindi artista, may kanya-kanya tayong karapatan na magbigay ng sarili nating opinyon.

“Opinyon ni Ms. Kris na mag-unfollow, nirerespeto ko yun.

“Private account niya yun. It’s her decision.

“Siguro kahit ako yung nasa posisyon niya, para maiwasan kong makapagsabi ng masama sa isang tao, I would have done maybe the same.

“It’s just that na-magnify lang nang bonggang-bongga.

“Kasi nga, kasi nga…” medyo natawa niyang sabi.

Marami ang bumilib kay Judy Ann dahil pinanindigan nito ang kanyang ipinost sa Instagram.

Reaksiyon niya, “Alam mo, sa totoo, yung ginawa ko, hindi naman yun sa pagiging matapang.

“Nagsalita lang ako, promise, wala akong gustong awayin. Totoo ‘yan.

“Hindi ko talaga alam na magkakaroon ng malaking isyu out of that simple Instagram post.

“Pero, then again, I appreciate yung mga nag-comment na nag-e-explain in my behalf.

“But I also appreciate yung mga bashers din.

“Nakita ko yung difference ng pag-iisip ng mga tao. Sino ba rito yung mga tao na dapat mong pagpasensiyahan at intindihin.

“Siguro, ang nakita kong lesson sa lahat ng ito is to be patient. To be patient and be understanding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT RELATED. Kasabay ng isyu sa kanila ni Kris ay ang diumano’y biglang pagkakatsugi ng programa ni Judy Ann sa ABS-CBN na Bet On Your Baby.

Tuloy, may mga nag-isip na may kinalaman ang pagkawala ng kanyang programa sa isyu nila ni Kris.

Ngunit paglilinaw ni Judy Ann, “Okay, to make things clear, even before the incident happened, tapos na kaming mag-taping ng Bet On Your Baby.

“Kumbaga, nagkataon lang na noong lumabas yung isyu, last week na ng Bet On Your Baby yun.

“Pero two weeks ago, before that issue, tapos na kaming mag-taping.”

Dagdag pa niya, “Unfair naman kay Kris na isinabit siya sa isyung yun.

“Hindi po. Hindi po totoo na konektado si Kris Aquino sa pagkawala ng Bet On Your Baby.

“It’s the management decision and it was decided two weeks before the incident happened.

“So, it’s very unfair na nakakonek pa rin kay Kris yun.”

Mas gusto naman daw ni Judy Ann na magkausap muna sila ni Kris nang personal bago siya aluking mag-guest o mag-guest co-host muli, kung sakali, sa Kris TV.

“Feeling ko, sa tunay na buhay, bilang magka-text naman kami ni Kris, okey lang naman.

“Pero bilang tao naman kami pareho at may friendship naman din kami, parang mas appropriate na magkita muna kami nang personal. Aksidente man o sa isang okasyon bago tayo magsama.

“Para hindi rin maisip ng mga tao na, ‘Tingnan mo, wala naman palang problema,’ which is, wala naman talaga.

“Pero para huwag nang lumaki ang mga bagay-bagay at huwag nang sawsawan ng ibang bagay-bagay o kung anuman, mas maganda yata na mag-usap muna kung magkikita man.”

Dagdag pa ni Judy Ann, “Personally, I also want to explain my side kay Kris face to face.

“Just so, malaman ko rin kung anong extent ba ang naparamdam ko sa kanya, kasi clueless talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN