Piolo Pascual hits back at basher on social media

Piolo Pascual to his basher: “I hope your daughter (if she is) grows up to be a respectful person.”


Hindi pinalampas ni Piolo Pascual ang mapanirang komento ng isang basher niya sa Instagram ngayong araw, February 24.

Nag-ugat ito sa Instagram post ni Pokwang, kung saan ibinahagi ng komedyana ang larawan niya kasama si Piolo at anak ng actor-producer na si Iñigo Pascual.

Kalakip nito ay ang pabirong caption ni Pokwang na nagsasabing siya ang tunay na ina ni Iñigo.

Sa comments thread ng naturang larawan ay biglang humirit ang isang basher na may handle name na @joydagz7252009: “The bakla Piolo hahajaj”

Wala pang tatlumpung minuto ang lumipas nang mabasa ni Piolo ang malisyosong patutsada ng ‘di kilalang basher.

Ipinarating agad ni Piolo kay Pokwang ang tinuran ng basher sa pamamagitan ng pag-post ng mensahe para sa komedyana.

Sinagot din ng actor-producer ang kanyang basher at sinabing mayroon na siyang nakuhang impormasyon tungkol sa huli.

Bukod dito ay nag-post din si Piolo sa kanyang sariling Instagram account ng photo collage na naglalaman ng iba’t ibang litrato ni @joydagz7252009 na may kasamang batang babae.

(Sinadya ng PEP na takpan ang mukha ng bata upang maproteksyunan ito.)

Sabi pa ni Piolo sa caption ng naturang larawan: “I hope your daughter (if she is) grows up to be a respectful person..”

Pagkatapos ng humigit-kumulang dalawang oras ay binura rin ni Piolo sa kanyang Instagram account ang ginawa niyang photo collage ng kanyang basher.

Ngunit at press time ay makikita pa rin ang parehong photo collage sa Facebook account ni Piolo.

Samantala, agad namang ipinagtanggol ni Pokwang si Piolo nang makarating sa kanya ang isyu.

Halatang ikinagalit ng komedyana ang malisyosong komento laban kay Piolo, na itinuturing niyang matalik na kaibigan.

Sa katunayan, humingi pa ng tulong si Pokwang sa isang kakilala—na may handle name na @titarose—na tila mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa pagkatao ng 'di kilalang basher.

Pinangalanan naman ni @titarose ang basher ni Piolo na diumano'y si "Joy Farinas Barciles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una ay nag-reply muli si @joydagz7252009 at inulit ang kanyang malisyosong komento laban kay Piolo.

Ngunit sa huli ay binura na ng naturang basher ang kanyang Instagram account nang siya mismo ay makatanggap ng hate messages mula sa fans ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN