Benjie Paras keeps mum about ex-wife Jackie Forster’s allegations

Benjie Paras on Jackie Forster’s latest allegations: “Masaya na ako sa kanya nung nagpakasal siya at nagkaroon ng dalawang anak. Sana masaya na lang tayo sa isa’t isa.”


Ayaw nang patulan ni Benjie Paras ang mga bagong patutsada sa kanya ng dating asawa na si Jackie Forster na ipinost nito sa Instagram.

Read: Jackie Forster recalls her “very miserable life” with ex-husband Benjie Paras

Read: Jackie Forster on breakdown of marriage to Benjie Paras: "We both did awful things but I never started any of it."

Read: Jackie Forster: "All I want is to be the mother I know I can be..."

“Hayaan na natin ‘yan. Mag-move on na tayo,” sabi ni Benjie nang subukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kuhanan siya ng pahayag.

Patuloy pa ng basketball star turned comedian, “Masaya na ako sa kanya nung nagpakasal siya at nagkaroon ng dalawang anak.

“Sana masaya na lang tayo sa isa’t isa.”

Kinausap si Benjie ng manager niyang si Lolit Solis at tinanong kung bakit hindi pa rin tumitigil sa kapu-post si Jackie ng mga saloobin nito.

Sagot ni Benjie, “Ewan ko po.”

Kantiyaw naman ni Manay Lolit, “Ano bang meron sa ‘yo na hinding-hindi na niya makakalimutan?”

Hindi na sumagot si Benjie.

Ang inaalala lang daw ni Manay Lolit ay ang anak nina Benjie at Jackie na sina Andre at Kobe Paras.

Saad nga ni Manay Lolit, “Gumaganda ang career ni Andre sa showbiz, at napaka-promising din ng career ni Kobe sa basketball sa Amerika, ‘tapos may mga ganito na naman ang nanay niya.”

Iyon din daw ang inaalala ni Benjie dahil tuwing may lumalabas na ganun sa social media account ng kanilang ina, natutukso raw ang kanyang mga anak. Kaya sana raw ay mag-move on na lang.

May ilang isyung binanggit si Jackie na hinihingan namin ng reaksiyon si Benjie, ngunit tumanggi na siyang sumagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN