Camille Prats happy to renew contract with GMA: "Dito ako nag-mature fom a teenage actress to becoming a mother."
by Rommel Gonzales posted on

A former child actress at ABS-CBN until her early teenhood, Camille Prats says being a Kapamilya had been a good experience for her.


Okay. Stable. Steady.

Ito ang pahayag ni Camille Prats nang matanong kung gaano siya kasaya sa kanyang lovelife ngayon.

Ang boyfriend ni Camille ay ang businessman na si John Yambao na naka-base sa Amerika.

Sabi ng Kapuso actress, “Okay naman, masaya. Lumiliit yung boses!

“Okay naman... stable naman siya, steady din.

“He’s not here, he’s in the States, somehow it’s a long-distance relationship.

"Pero manageable naman, we make it a point na we always have time to talk to each other.

"'Tapos dahil na rin siguro sa technology ngayon, it’s easier to see each other.

“We FaceTime on a regular basis. We actually have a schedule when we can talk.

"So, mina-manage din namin yung time difference. Okay naman, masaya."

Close ba ang boyfriend niya sa kanyang anak?

Sagot ni Camille sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo, sa kid ko, sa family ko. So, okay naman.

"We had our vacation there, doon kami nag-Christmas and New Year.

"So that was also an opportunity to get to know my family, to spend time with my son."


HAPPY TO BE KAPUSO. Three years daw ang panibagong kontrata ni Camille sa GMA Network.

Bilang dating Kapamilya, may malaking pagbabago ba sa kanyang career?

Ayon kay Camille, “Kasi I’ve been with GMA for almost ten years na.

"Happy ako dito. Happy ako sa mga katrabaho ko dito.

“Dun naman sa ABS, okay na okay rin yung experience ko dun kasi dun ako lumaki. So, it was like my family.

“Sa GMA naman, I've been given a second chance na magawa kung ano yung gusto kong gawin.

"And they’ve given me really good projects and I’m really very happy with them.

“Dito sa GMA, dito naman ako tumanda.

"Dito ako nag-mature from a teenage actress to becoming a mother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After that, they still continue giving me really good roles.

“Happy naman ako na nabibigyan ako ng ganung opportunity until now.

"Actually, sila rin pala yung nagbigay ng chance na maging host din ako for Mars.

"And that’s something I never thought I would be venturing in.

"So, happy talaga ako sa mga doors na in-open nila for me."


BALANCING ACT. Paano nababalanse ni Camille ang pagiging artista at pagiging isang ina?

Tugom niya, “Talagang I make sure na my weekends are spent with my family.

"Kasi yung Monday to Friday, mostly working days ko yun.

“'Pag ganito naman, [sa] Mars, I finish early, so I still get to spend time with my son sa gabi.

"Pero yung weekends talaga, as much as possible, gusto ko sana sa family lang yun."


HAPPY FOR ANGELICA. Kumusta ang friendship nila ni Angelica Panganiban?

Ayon kay Camille, “Okay naman... best ano siya… sa kasal ni John [Prats].

"Basta yung alternative ng bestman, hindi siya maid of honor, e... sa side siya ni John.

"The last time na magkasama kami was before I left for the States.

"Okay naman, kasi yun namang si Angelica, we rarely see each other.

"But whenever we do, ang dami naming napagkukuwentuhan.

“Kumbaga, sobrang catch-up talaga.

"Ito, mas madalas kaming magkikita because of the wedding. So, it’s gonna be fun."

Masaya rin si Camille sa tagumpay ng pelikula ng kaibigan, ang That Thing Called Tadhana.

“Yeah, I congratulated her. Their movie did so well, and napanood ko rin siya.

"She was so good, the story was brilliant, feeling ko sobrang okay sila ni JM [de Guzman].

“So, happy lang ako, kasi ngayon bihira ka nang makatagpo ng project na ganun kaganda.

"Pati yung kuwento, so I think sobrang bumagay talaga siya na gumanap bilang Mace.

“So, I’m very happy for her kasi sobrang okay pa rin yung career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m just very happy na tuluy-tuloy pa rin siyang nagiging okay dun.

"Kasi I know naman how she values her work also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN