Samantha ’Gracia’ Lopez finalizes divorce papers with British husband; denies she is a battered wife
by Glenn Regondola posted on

After 12 years, Samantha Lopez did not just leave her marriage, she had to escape from her British husband.


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Showdown Girl na si Samantha Lopez, na sumikat sa pangalang "Gracia."

Sa panayam na ito, inamin ng dating actress-dancer na hiwalay na siya sa kanyang asawang si Warren Edwards dalawang taon na ang nakararaan.

Taong 2007 nang ikasal siya kay Warren, isang British shoe designer, manufacturer, at retailer na mayroong shoe retail store sa Manhattan, New York.

Samantalang si Samantha naman ay isang real state broker sa parehong lugar sa Amerika.

"Falling out of love" daw ang dahilan kung bakit umalis si Gracia sa kanilang tahanan at tuluyan nang nakipaghiwalay kay Warren.

Nakausap ng PEP si Samantha sa opisina ng ALV Talent Circuit noong Lunes, February 23. Ang ALV Circuit ay ang management agency ni Arnold Vegafria na siyang may hawak sa TV at movie career ni Samantha.


HER STORY. May iba pa raw mga rason sa hiwalayang ito na may kinalaman sa kalayaan, sa kawalan ng sarili nilang anak, at sa maraming bagay na hindi nila napagkasunduan.

Kuwento ni Samantha, "It was a three-year... how shall I…?

"We went sa counselling, actually. Hindi na lang talaga nagkasundo."

Isang rason nga rito ang hindi nila pagkakaroon ng anak sa halos labindalawang taon nilang pagsasama.

Pag-amin ni Samantha, "Partly siguro, kasi gusto kong magkaanak sa kanya. And siya, hindi.

"So, yun, yung parang naging start ng konting diskusyon.

"And then, nagkaroon na rin ng mga konting problema na, eventually, I fell out of love."

Walang kinalaman ang third party sa kanyang desisyon na makipaghiwalay?

"No, in fairness, he had been very loyal, as far as I know.

"Tumagal din kami for twelve years. Siguro yung last three years na lang na..."


ESCAPE. Hindi itinanggi ni Samantha na siya ang nakipaghiwalay.

Saad niya, "Yeah, ako yung umalis, ako yung umalis sa bahay, kumbaga, napuno na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinigil naman daw siya ni Warren na umals sa kanilang tahanan.

"Yeah, parang pelikula. Takasan portion, habulan portion.

"Kailangan taymingan mo, maeksena lalo na... it was like a one-month process yung pag-alis.

"Kasi siyempre, may mga guard sa bahay, pagkuha ko ng gamit."

Patuloy pa niya, "Yung pag-alis, normal lang naman siya. Like, siya nasa store, ako naman papasok sa work.

"Pero yung pagpasok ko [sa work], may dala na ako [gamit], 'tapos 'di na ako bumalik.

"'Tapos, nung weekend, bumalik ako para kunin ang mga gamit ko, 'andun siya, so it was hard.

"I had to agree na mag-counselling kami to save [the marriage].

"We tried naman, hindi naman yung basta na lang ako nagising, then bye.

"Three years nga yung..."


BEDROOM ISSUES? May kinalaman ba ang aspetong seksuwal kung bakit tinabangan siya sa kanilang relasyon?

Ayon kay Samantha, halos labing-apat na taon ang tanda sa kanya ng kanyang mister.

Natatawang sabi ng 45-year-old actress-dancer, "Kaya nga, ayokong magsalita.

"Kasi baka isipin nila [ng mga tao] na ang anu-ano ko. Partly, may ganun."

Sa kanilang dalawa, mas nahirapan daw tanggapin ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay.

Saad ni Samantha, "Hindi naging madali sa kanya, ayaw niya, shock siya.

"Pero matagal ko na siyang sinasabihan na 'may problema tayo.'

"I have to do it or else, ano na, e... parang hindi na ako yung ako na masayahin, you know."


FAILED EFFORT. May effort din ba sa parte na na i-work out ang kanilang marriage, for better or for worse?

Mabilis na tugon ni Samantha, "Yeah, I did!

"I mean, that's why we were together for twelve years.

"Pero kung sa iyo lang nang sa iyo galing, walang cooperation, it takes two to tango, e.

"Kung meron kang dine-demand na ito ang kailangang gawin para maibalik ko yung...

"May hinihingi ako na hindi niya naibibigay and vice versa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May hinihingi din siya na hindi ko naibibigay.

"Basta, nawalan na kami ng effort to really work it out."


TRUST ISSUE. Ang isang bagay na gusto niyang ipaalam ay hindi siya isang battered wife.

Pagdidiin niya, "No! Wala namang violence.

"Hindi siya naging fully supportive dun sa... kasi 'pag matagal na kayong magkasama, dapat mas open kayo sa isa't isa, e.

"Hindi naman na magkasama kayo as companion, kundi you also make an effort na it's a full time job also.

"Hindi lamang basta mag-asawa lang kayo."

Dugtong pa niya, "Hindi ako nagiging ako, e.

"Yung napagod ako sa lahat nang bawal, napagod na ako na maraming bawal.

"Like, I can't see my friends that often, may curfew ako.

"Before it's okay, kasi bago pa lang, pero 'pag matagal na kayong magkasama, dapat yung trust, dapat 'andun na.

"Parang hindi mo dapat bini-beg yung trust, e, kumbaga, naggi-gain dapat yun.

"But for some reasons, sa tagal namin, parang wala.

"Like, hindi ako allowed... ayaw ko talaga siyang siraan, e, it's hard."

DIVORCE. Ngayon ay nasa proseso na ang kanilang divorce papers. Ano ang naging grounds niya rito?

Ani Samantha, "He's very jealous, he's very manipulative, very control freak.

"But that's the thing, I would not say that to my ex-husband 'cause I was with him for twelve years.

"Parang sinisiraan mo, e. Kahit paano, na-in love din ako dun."

Sa ngayon ba, open na siya bagong romantic relationship?

Mabilis niyang tugon, "No, hindi muna ngayon. Career muna, 'di ba?

"I'm really focused sa work ko, sa business ko, at sa daughter ko, dito muna ako and, maybe...

"Nasa process pa kasi ang divorce papers at pirmahan na lang ang kailangan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN