Rayver Cruz denies courting Julia Barretto: “Tigilan niyo na si Julia.”

Rayver Cruz reveals that he has gotten really close to Julia Barretto and to her family, but clarifies that there is no truth that he and Julia are romantically involved with each other.


“Walang real score, kasi napag-uusapan nga namin ni Julia. Natatawa lang kami kasi super-close ako talaga sa family niya.”

Ito ang paglilinaw ni Rayver Cruz kaugnay ng mga bali-balitang nagkakamabutihan na umano sila ni Julia Barretto, dahil nakita silang magkasama.

Lumabas sa iba’t ibang entertainment blog sites ang isyu kina Rayver at Julia, at pinag-usapan kung may something special sa pagitan nilang dalawa.

Paliwanag pa ni Rayver, "After ng London Barrio Fiesta [concert in 2014], naging close ako sa kanya at sa mama niya.

“Pagbalik namin, naging close na ako sa family niya.

"Plus si Cholo at si John, yung mga pinsan niya, ka-batch ko dati sa Star Magic, so ang bilis nag-jive.

“And natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng second family kasama sila.

"'Di ko in-expect 'yon, siyempre kasi mga Barrettos, sobrang saya nilang kasama."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa thanksgiving press conference ng primetime teleserye ng ABS-CBN na Two Wives, kung saan kabilang siya.

Bida sa nasabing teleserye sina Kaye Abad, Jason Abalos, Patrick Garcia, Daniel Matsunaga, at Erich Gonzales.


RAYVER FINDS JULIA ATTRACTIVE. Giit pa ni Rayver, “Parang natatawa na lang kami kasi parang kailan lang may nag-tweet sa akin [na] 'dating' daw.

"E, yung picture na 'yon, kinuhanan kami lang [ni Julia], pero kasama ang buong family, kaya nakakatawa.”

Ang tinutukoy ni Rayver ay ang larawang magkasama sila ni Julia habang naglalakad at lumabas sa isang tsismis blog site.

Kung totoo mang nililigawan niya si Julia, sinabi ni Rayver na hindi niya ito itatago.

“Whether si Julia or ibang tao, o ibang babae, kilala niyo naman ako, honest ako.

"'Pag niligawan ko ang isang tao o gusto ko, sasabihin ko naman."

Inamin ni Rayver na nagagandahan siya kay Julia, pero malabo raw na mauwi sa ligawan ang kanilang pagkakaibigan sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I find her very attractive. Honestly, sobrang ganda niya.

"Sinasabi ko naman sa harapan niya.

"Sino ba namang tao ang hindi magkakagusto or magkaka-crush?

“Pero kasi, at this point in time, parang ang dami pa niyang puwedeng gawin. Parang wala naman siyang time.

“Ewan ko kung gusto niyang mag [entertain] ng mga suitors. Imposible naman walang nanliligaw sa kanya.

“Pero sa ngayon, I’m happy na super close ako sa kanya, magkaibigan kami.

"Kahit kanino mo ipagtanong, lumalabas kami nila Erich [Gonzales], palagi yun."


NOT EXCLUSIVELY DATING. Dahil nga raw sa madalas silang lumalabas, minsan ay nahuhusgahan na raw si Julia.

Pahayag ni Rayver, “Nakakahiya na 'pag minsan... nadya-judge tuloy si Julia minsan na parang laging lumalabas.

“Sa totoo niyan, sobrang close ako and lumalabas ako kahit kina Dani [Julia’s older sister], yung mga kapatid niya na wala naman si Julia, so talagang close ako sa family.”

Sa ngayon, hindi pa raw niya naiisip ang posibilidad na ligawan ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

“Hindi naman ako nagmamadali.

"So far, yung focus ko kasi nasa work and family ko ngayon."

Ayos lang naman daw na magkaroon siya ng lovelife, pero masaya naman siya ngayon kahit single siya.

Puwede kayang si Julia ang ligawan niya in the future?

Sagot ni Rayver, “Puwede kasing kahit sino. Mahirap pangunahan ang mga ganyan.

“Pero sa ngayon, parang… tigilan niyo na si Julia. Hindi kami exclusively dating.

“Parang nakakatawa lang kasi sobrang close ako sa kanila. Nakakahiya naman sa part nila. 'Wag na nating ipilit.”

Sa kabila ng pag-uugnay sa kanila, sinabi ni Rayver na walang magbabago sa pakikitungo nila ni Julia sa isa't isa.

“Para sa akin, hindi naman matsi-change and, para sa kanya, hindi rin.

"Kasi 'pag magkakausap kami, natatawa lang kami.

"And knowing her, she’s a very tough girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga issues na ibinabato sa kanya na dinadawit ako sa kanya, parang wala lang sa mga pinagdaanan ni Julia, so parang nakakatawa lang sa part ko.

“'Tsaka wala lang 'yon. 'Di magtsi-change ang samahan namin, close pa rin ako sa kanya,” paniniyak ng Kapamilya actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN