Jasmine Curtis-Smith says breakup with Sam Concepcion has nothing to do with sister Anne

Jasmine Curtis-Smith hints at reason behind rumored breakup with Sam Concepcion. “Call me names for what happened but don’t involve her [Anne Curtis] because she has nothing to do with what has happened,” says Jasmine in response to fans blaming her sister Anne Curtis for whatever problems she has with Sam Concepcion.


Bago pa lumabas ang balitang diumano’y hiwalay na sina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion, mayroon nang espekulasyon tungkol sa misteryosong sender ng bulaklak na natanggap ng aktres noong nakaraang linggo.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Jasmine kung saan ibinahagi niya ang larawan ng isang bouquet of red roses noong February 18.

Ito ay mayroong caption na nagsasabing: “Run in circles into my brain.”

Ayon sa Instagram followers ni Jasmine, kapansin-pansing hindi umano pinangalanan ng Kapatid actress kung sino ang nagbigay sa kanya ng red roses, hindi ‘tulad sa ibang mga bulaklak na natanggap nito.

Run in circles into my brain

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) onFeb 16, 2015 at 4:30am PST

Sa comments thread ng parehong larawan, nagpasalamat si Jasmine kay Mike Tuviera sa “pa-flowers” na natanggap ng aktres mula sa direktor noong araw na iyon.

Ngunit nag-reply ang direktor at sinabing iba ang bulaklak na ibinigay niya at hindi ang red roses na ipinost ng aktres.

Sa mga sumunod na comments, humirit ang isang basher ni Jasmine na pinaghihinalaang si Daniel Padilla ang nagbigay ng red roses sa aktres.

Matatandaang minsang nang naiugnay sina Daniel at Jasmine dahil sa kontrobersiyal na audio-video scandal ng Kapamilya actor noong nakaraang taon.

Ang naturang basher—na may handle name na @pottiecake—ay naghayag din ng kanyang opinyon na tila may pagkakapareho sa Instagram posts nina Jasmine at Daniel nitong mga nakaraang linggo.

Sumingit ang isa pang Instagram follower ni Jasmine at sinabing huwag husgahan ang aktres nang walang sapat na basehan.

Buwelta naman ni Jasmine sa kanyang basher, wala umanong katotohanan ang alegasyong siya ay “mang-aagaw.”

Sabi pa ng Kapatid actress, “I have nothing to hide.”

Ganunpaman, hindi tuwirang binanggit ni Jasmine kung sino ang sender ng bouquet of red roses na natanggap niya.


BREAKUP WITH SAM. Linggo, February 25, nang lumabas ang balitang diumano’y hiwalay na sina Jasmine at Sam Concepcion, na naging magkarelasyon sa loob ng dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ulat ng The Buzz, ang hindi pagkakasundo diumano ni Sam at ng ate ni Jasmine na si Anne Curtis ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan.

Ito ay may kinalaman sa nangyaring insidente sa isang bar, kung saan sinabihan diumano ni Anne si Sam na “not classy.”

Read: Jasmine Curtis and Sam Concepcion breakup

Dismayado ang fans ng magkasintahang Jasmine at Sam nang malaman ang tungkol sa espekulasyong hiwalay na sila.

Tila napagbuntunan pa ng sisi ng ilang fans ni Jasmine si Anne dahil sa pagiging “sobrang sosyal, matapobre at hypocrite” ng Kapamilya actress-TV host.

Base ito sa comments thread ng Instagram post ni Jasmine noong February 22.

Sabi pa ng isang fan na may handle name na @babetz:

Sa puntong ito ay dinepensahan ni Jasmine ang nakatatandang kapatid mula sa mga mapanirang salita ng naturang fan.

Ayon kay Jasmine, hindi dapat sisihin si Anne sa kung anuman ang nangyari sa relasyon nila ni Sam.

Sabi pa ng Kapatid actress, “Call me names for what happened but don’t involve her because she has nothing to do with what has happened.”

Tila patuloy pa rin ang espekulasyon tungkol sa hiwalayan nina Jasmine at Sam.

Ngunit hindi na muling nagdetalye pa sa Jasmine tungkol sa kung anumang pinagdadaanan niyang pagsubok ngayon.

Sabi na lang niya sa kanyang hiwalay na Twitter post:

Sa ngayon, wala pa ring tuwirang kumpirmasyon si Jasmine tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ni Sam.

OTHER WOMAN? Maging si Sam ay nananatiling tikom ang bibig hinggil dito.

Maliban na lang sa isang Twitter post ni Sam kung saan pinabulaanan niya ang alegasyong ibang babae ang dahilan ng diumano’y hiwalayan nila ni Jasmine.

Mayroon kasing Twitter follower si Sam na nagkomento na isang nagngangalang Lesley Martinez ang diumano'y "dahilan ng breakup nila Sam at Jasmine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN