Vin Abrenica puzzled by departure of big stars in TV5

Vin Abrenica on status of TV5: "Some of mga idols ko, like si Ate Guy [Nora Aunor], Edu Manzano, Sharon Cuneta, I don’t know why umaalis sila. A little bit disappointed maybe. I don’t know what’s happening, naalis na rin ang ibang shows."


Hindi raw alam ng Kapatid star na si Vin Abrenica kung ano ang dahilan kung bakit marami sa mga malalaking artista ng TV5 ay nawawala o lumilipat.

Pero ikinalulungkot daw niya ang pangyayaring ito.

Sabi ni Vin sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I don’t know what’s happening.

“But some of mga idols ko, like si Ate Guy [Nora Aunor], Edu Manzano, Sharon Cuneta, I don’t know why umaalis sila.

“A little bit disappointed maybe.

“I don’t know what’s happening, naalis na rin ang ibang shows.”

CONTRACT STAR. Bilang male winner ng artista search ng TV5 na Artista Academy, limang taon daw ang kontrata ni Vin sa network.

“This year is my third year, sa July.

“Meron akong assessment ng third year.

“Yung meeting-meeting, they will assess, and yung network, puwedeng sabihin na aalis ka na or you’ll stay.”

Kung sabihan siyang puwede na siyang umalis, ano ang gagawin niya?

Sagot ni Vin, “Kung sasabihan nila ako, papabayaan ko ang manager ko, si Sir Noel [Ferrer] na mag-decide.

“From day one, sa AA pa lang, ibinigay ko na sa kanya ang trust ko. Kung saan niya ako ilagay.

“Mag-freelance ako or kung saan man niya ako ilagay, I’ll go.”

STAGEPLAY. Tiyempo namang hindi siya masyadong busy sa telebisyon, kaya araw-araw nakaka-attend si Vin ng rehearsals para sa stage play na Juego de Peligro, na mapapanood sa Cultural Center of the Philippines hanggang March 8.

Pero may bilin si Vin na huwag muna siyang panoorin, sa finale na lang daw.

“Sinabihan ko talaga, wala akong papupuntahin, sa March 8 na para gamay ko na.”

Hindi naman daw ganun kahaba ang papel niya sa play bilang estudyante na magiging “boy toy” ng isang professor.

Unang pagkakataon din niyang makapag-teatro.

Saad ni Vin, “Ang sarap! Doon ko nari-realize na iba ang respeto kapag sa theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron pa ngang one time na nasa set ako, late akong nakapasok, tumakbo ako at dumaan ako sa side ng stage. Nagalit sila sa akin.

“Iba pala ang respeto nila sa stage. Sacred pala yun. Pinabalik ako. Rehearsal lang yun.

“At may mga wrong turns sila na dapat ang turn mo, sa audience. Hiyang-hiya talaga ako.

“Last rehearsal na lang, may nagro-wrong turns pa. Ouch! Hindi ko alam yun.”

Bumilib daw siya sa lahat ng aspeto ng teatro.

Sabi pa niya, “’Tapos every company call, nagsasabi sila ng opinyon nila. Kung ano ang puwede mong gawin sa eksenang ito.

“Lahat sila mabait. Nagbibigay sila ng pointers sa aming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN