Vin Abrenica says brother Aljur realized the value of family while being away from showbiz

Vin Abrenica gave girlfriend Sophie Albert ’open-when letters’ last Valentine’s Day. One of the letters is ’open when you feel insecure.’ Vin explains, “Naglagay ako ng salamin ‘tapos may paper na nakasulat na, ’I want you to know that the one you see is the most beautiful in my eyes.’ Something like that.”


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vin ang kuya niyang si Aljur Abrenica, na matagal nang hindi napapanood sa telebisyon simula nang magkaroon ito ng problema sa GMA Network.

Lahad ng Kapatid star, “Nag-aral kami ng kanta kanina.

“He’s good. Happy siya and, ayun, sobrang proud ako sa kanya.

“Nag-i-spend time na siya with family. Dati naman nag-i-spend time na siya, pero ngayon, mas solid.

“Siya rin nag-prepare ng debut ng kapatid namin.

“Isipin mo yun, si Machete [Aljur’s former TV character], nag-o-order ng cake, bulaklak, mga gowns… siya lahat ‘yan!

“I mean, sila ni Mommy, pero si Machete, ‘di ba?”

Hindi ba nami-miss ng kanyang kapatid ang showbiz?

“Actually, kapag nagkukuwentuhan kami, ang napag-uusapan namin kung ano ang na-miss niya kapag nasa showbiz siya.

“Doon siya masaya, e. Yung parang thankful pa rin siya.

“Yung, ‘Kung hindi nangyari sa akin ‘to, hindi ko mari-realize how important family is.’ Yung parang ganun.

“Palagi nga siyang nagre-reminisce ngayon and I’m happy for that.”

Nasa showbiz din si Vin at bumubuo ng sariling pangalan. Hindi kaya “ma-miss” din niya ang kanyang pamilya?

“Hindi naman!” natawang sagot ng young actor.

Paliwanag pa niya, “May part na kasi ako sa family business.

“One way or another, pupunta ako ng Batangas. Makikita ko lahat ng family ko.

“Ako kasi ang executive chef ng restaurant and resort.

“So, ako ang nagtuturo sa mga chef, at kung may bagong menu, inaayos ko.”

SOPHIE ALBERT. Masaya pa rin daw ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Sophie Albert.

Ayon kay Vin, “Nakapag-anniversary na kami, going two years na kami.”

Kumusta naman ang naging Valentine’s Day nila?

“I believe in old school kasi, I prepared something.

“Nag-prepare ako sa kanya ng a lot of letters. Open-when letters, parang ganun.

“For example, open when you feel sad, when you feel mad…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang naman letter, may symbolism akong inilalagay sa loob.”

Ano na ang nabuksang letter ni Sophie?

“Open whenever you feel insecure.

“Naglagay ako ng salamin ‘tapos may paper na nakasulat na, 'I want you to know that the one you see is the most beautiful in my eyes.' Something like that.”

Ipinagmamalaki ni Vin dahil, bukod sa pag-aartista, naka-graduate na si Sophie sa make-up school at pupunta ng London para sa advanced study pa.

“Magaling talaga siya at may schedule na siya ng bridal ngayong March,” proud na sabi ni Vin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN