Is there a third party in Bea Binene-Jake Vargas breakup?

“Kahit naman siguro sinong tao, hindi naman magkakaisyu kung walang dahilan. Hindi naman magkakaisyu kung walang dapat iisyu,” says Bea Binene about breakup with Jake Vargas.


Seryoso ang Kapuso teen actress na si Bea Binene sa pagpapapayat ngayon.

Bukod sa regular na pagpunta sa gym, pagyo-yoga, at diet, umiinom din ang 17-year-old actress ng diet supplement na Verifit slimming capsule, na kanyang iniendorso.

Bahagi kaya ito ng paghahanda ni Bea para sa pagtanggap ng mature roles?

“Siguro,” ang maiksing sagot ng Kapuso young actress sa press launch ng bago niyang iniendorsong slimming capsule ngayong Huwebes ng tanghali, February 26.

Bagamat handa nang tumanggap ng ganitong klase ng roles, nilinaw naman ni Bea na may limitasyon pa rin siya.

Aniya, “Para sa akin, yung maturity ng role, hindi naman kailangan may kissing scene na.

“Siguro, nasa atake 'yan ng bawat roles na ibinibigay sa 'yo.

“Nasa pag-atake 'yan ng situations na ibinibigay sa 'yo.

“It's the way you handle things. It's not like kapag nag-kissing scene ka na, mature ka na?”

Ibig sabihin ba nito ay hindi pa rin siya okey sa kissing scene?

“Sa pisngi po, sa kamay!” natatawang sabi ni Bea.

Patuloy niya, “Siyempre, I know my limits.

“At siyempre, hindi naman po ako pababayaan ng GMA sa kung ano ang makakasama sa career ko.”

Paano naman ang pagpu-pose sa men's magazines?

Agad na sagot ni Bea, “Wala po sa pangarap. Ayaw kong magsalita nang tapos, pero wala.”


VAGUE ANSWERS. Samantala, nilinaw ni Bea na walang kinalaman ang kanyang pagpapapayat sa balitang paghihiwalay nila ni Jake Vargas.

“Wala po. This is my personal intention talaga,” sabi niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuwirang sinasagot ni Bea ang tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Jake.

Sagot pa rin niya: “We're okay. Okay naman kami.”

Dahil napag-usapan ang maturity, ibig sabihin ba ay magiging mature na rin siya pagdating sa pakikipagrelasyon?

Tugon ni Bea, “Parang siguro, hindi naman ako immature pagdating sa relationship.

“Pero basta ako, I know my limits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, it's the way we handle things.

"Parang wala naman ako sa ganung sitwasyon."

Ano naman ang masasabi niya sa pahayag ni Jake na ayaw na nito ng away-bati sa isang relasyon?

“Siguro masasabi ko po, hindi naman magkakaaway-bati kung walang dahilan.

“Kahit naman siguro sinong tao, hindi naman magkakaisyu kung walang dahilan.

“Hindi naman magkakaisyu kung walang dapat iisyu,” reaksiyon ni Bea.

Masama ba ang loob niya sa mga nangyari?

Aniya, “Basta kung anuman po ang nangyari, sa amin na lang po 'yon.

“Siguro kasi, para sa akin, the best way to explain it is we're okay kapag we're doing our job.

“Kapag may trabaho, kagaya ng sa movie [Liwanag Sa Dilim], okay naman kami.”

Muling tinanong si Bea kung hiwalay na nga ba sila ni Jake.

Maingat pa rin niyang sagot, “Okay, ganito na lang... sinalubong ko ang Bagong Taon nang kasama ko ang pamilya ko.

“Sinalubong ko ang Valentine's Day kasama ang fans.”

Nang tanungin kung may third party, sambit ni Bea, “Yeah.”

Ngunit agad niyang bawi, “Wala akong sinabi!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN