Phytos Ramirez wants to become a pilot; prepares for Cosmo Bachelor Bash

Kahit nakakontrata sa GMA, visible sa TV5 ang baguhang aktor na si Phytos Ramirez. Pinayagan naman daw siya ng kanyang home network na gumawa ng proyekto sa kalabang istasyon habang wala pa silang proyekto para sa kanya.


Gustong tapusin ng young actor na si Phytos Ramirez ang kanyang kursong Aviation Technology.

Gusto raw kasi talaga niyang maging piloto balang-araw.

Saad ng 19-year-old actor, “Ngayon po, nag-aaral po ako sa Delta Air. Nagpi-piloto po ako.

“Yung sa akin po, four-year course po yun.”

Nasa pangalawang semester na si Pythos sa kanyang unang taon ng pag-aaral ng kursong ito.

Ang pasok daw niya ay tuwing Martes at Huwebes, at maluwag naman daw ang school nila kapag may mga hindi siya maipagpalibang trabaho.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phytos sa pocket presscon ng Wattpad Presents: Bitter Ella, na ginanap ngayong Huwebes ng hapon, February 26, sa TV5 Media Center Reliance, Mandaluyong City.

ALL-AROUND PHYTOS. Hindi alam ng karamihan na five years old pa lang si Phytos ay lumalabas na siya sa commercials.

Unang-una nga niyang nilabasan ay sa commercial ng isang sikat na Pinoy food chain para sa promo ng isang produkto nila.

Simula noon, sunud-sunod na raw ang kanyang commercials, na umabot na ngayon sa 36.

Dahil sa kanyang paggawa ng commercials, nakabili na raw si Phytos ng dalawang sasakyan.

Sumali rin daw siya noon sa Star Circle Quest ng ABS-CBN, pero hindi siya umabot sa Top 20.

Nakasama rin siya sa Kapamilya teleserye na Hiram, na pinagbibidahan ni Kris Aquino at John Estrada. Gumanap siya rito bilang young John.

Nasabak din siya sa comedy sa pelikula ni Rufa Mae Quinto na Masikip Sa Dibdib.

Matapos nito, lumipat siya sa GMA kung saan ang pinakamalaking break daw niya ay ang mapasama sa panghapong seryeng Paraiso Ko’y Ikaw.

Ngayong taon, isa sa mga gustong matupad ni Phytos ay ang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash.

Pero kapag natuloy raw ito, magsisilbi na rin itong “first and last” niya na magpakita ng katawan sa live audience.

Patuloy raw ang kanyang workout routine upang pumayat pa ng kaunti at gumanda ang hubog ng katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa niya masabi kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita sa araw ng rampahan.

BITTER ELLA. Kahit nakakontra sa GMA Network, pinapayagan naman daw siya ng kanyang mother studio na makatawid sa TV5.

Pangalawang proyekto na niya ang Bitter Ella sa Kapatid station.

Gaganap si Phytos sa papel ni Ashley, isang campus heartthrob na mai-in love sa isang babaeng punumpuno ng hinanakit sa buhay, na gagampanan naman ni Katrina Velarde, mas kilala sa tawag na 'Suklay Diva.'

Phytos Ramirez and Katrina Velarde. (Photo by Arniel C. Serato)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN