Bernard Palanca finally gets approval of Mayor Erap Estrada

Bernard Palanca on relationship with Jerika Ejercito: “Honestly, I think wala kaming sikreto sa isa’t isa. More than romantic, tanggalin natin yun… naging best friends kami. I think, yun ang naging pinaka-core ng relationship namin.”


Pagkatapos ng matagal-tagal ding panahon ay natanggap na rin sa wakas ng dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang aktor na si Bernard Palanca para sa anak na si Jerika Ejercito.

Si Jerika ay isa sa tatlong anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

May isa nang anak sina Bernard at Jerika bagamat hindi pa sila kasal.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Bernard sa taping ng 20th anniversary ng ASAP noong Linggo, February 22, sa MOA Arena, ay ikinuwento niya ang pagkakaayos nila ni Erap.

Lahad ng aktor, “Nung Christmas, pinapunta niya lang ako sa bahay niya, ‘tapos yun na.

“Sabi ko, 'Good evening, Sir, Merry Christmas.' Hindi ako makasalita, e.

“After Christmas, nagkausap kami uli man-to-man, pero sandaling-sandali lang.

“Ibinilin niya sa akin, eksaktong sabi niya, ‘Please take good care of my daughter.’

“Sagot ko, ‘Siyempre po, promise.’”

Dagdag ni Bernard, “Well, ‘tulad nung sinasabi ko sa umpisa pa lang, wala naman kasi akong itinatago, wala akong masamang intensiyon na kahit na ano.

“So, I think, ituloy ko lang yung pagiging honest ko sa anak niya, yung paligayahin ko lang ang anak niya.

“I mean, siguro, ‘di ba, yun lang naman ang gusto niya na masaya ang anak niya?

“As long as I keep that promise, wala tayong problema.”

Aminado naman si Bernard na kinabahan siya sa paghaharap nila ni Mayor Erap.

“Kaba? Oo naman, siyempre, promise!

“Hindi pa kami chummy-chummy, hindi ko naman ini-expect yun.

“Pero sa ngayon, happy lang kami that okay na ang lahat.

“Yun lang naman ang gusto niya, na masaya ang anak niya.”

WEDDING PLANS. Determinado si Bernard na mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Jerika, pero ang lahat ay nakabase pa rin daw sa basbas ni Mayor Erap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Bernard, “’Pag nakuha ko ang blessing ni Mayor, yes.

“Kahit gaano katagal hihintayin ko yun kasi importante yun na makuha namin ang blessing niya.

“Sa ngayon, isa-isa muna.”

Ano naman ang ginagawa nila ni Jerika para lalong tumibay ang kanilang pagsasama?

Ayon kay Bernard, “Honestly, I think wala kaming sikreto sa isa’t isa.

“More than romantic, tanggalin natin yun… naging best friends kami.

“I think, yun ang naging pinaka-core ng relationship namin.”

BERNARD’S SONS. Kinumusta rin namin kay Bernard ang mag-iisang taon na nilang anak ni Jerika na si Isiah Joseph.

Ayon sa aktor, “Tabatsoy, nine months, so three months, ano na siya... one year na.

“Hitsura niya, more or less, ako. Pero mannerisms niya, lahat, sa mommy niya.”

May anak din si Bernard sa dati niyang asawa na si Meryll Soriano—si Elijah, na magwawalong-taong gulang na sa Abril.

Sabi ni Bernard tungkol sa kanyang panganay, “Napakaguwapo, napakatalino, honor student…

“Sobrang God’s gift, e, heaven… heaven siya.

“Both my boys are big blessings, sobra-sobrang laking blessing sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN