Alex Gonzaga ready to showcase singing talent via major concert: "Alam niyo naman po ako, alagad ako ng sining..."

Will Alex Gonzaga be able to fill up Araneta on April 25? “It’s meant to be, so umaasa na lang po tayo kay Lord. E, medyo feeling naman po ako, so feeling ko po [mapupuno],” says Alex.


Blessing na maituturing para kay Alex Gonzaga ang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng major concert sa isang malaking venue, gaya ng Smart-Araneta Coliseum.

Kaya naman kahit noong una ay may pag-aalinlangan, napa-oo na rin siya at ang kanyang mga magulang sa alok ng concert producer na si Joed Serrano na mag-stage siya ng solo concert.

Sabi ni Alex sa press conference ng kanyang The Unexpected Concert kagabi, February 26, "Pinag-pray ko po 'yan. Parang inisip namin na blessing talaga ito.

“We accept naman po challenges and, at the same time, nagpapasalamat po talaga ako kasi nagtiwala po talaga sila.

“'Di ba, sino pa ang magtitiwalaan kung 'di tayong mga Pilipino?

"So, sana magtiwalaan na lang tayo sa isa't isa.”

Bukod sa pag-arte at paghu-host, gusto rin daw ni Alex na maranasan ang mag-concert.

Biro niya, “Gusto ko naman po umawit at mag-perform.

“Alam niyo naman po ako, alagad ako ng sining. Kung ano po ang hinihingi ng sining, ibinibigay ko.

“Ito po ang hiningi nila sa aking pagkakataon kaya ibibigay ko.”


SERIOUS SINGER. Ilang beses na ring napanood si Alex na kumakanta sa weekly musical-variety show na ASAP.

Yun nga lang, madalas ay nilalaro lamang ni Alex ang pagpe-perform.

May pagkakataon na ring pinuri ng kanyang ate na si Toni Gonzaga ang boses ni Alex, kaya lang daw ay hindi niya siniseryoso ang pagpe-perform.

Ipinaliwanag naman ni Alex kung bakit niya ito ginagawa.

May halong birong sabi niya, “Kasi kahit naman kumakanta ako sa bahay, kapag nagpa-practice kami, ayaw ko kasi ng too much pressure, sa totoo lang.

“Kaya nga ako nag-Araneta para walang pressure.

“Ayaw ko yung pressure na, okay, maganda kang kumanta, dapat lagi kang perfect.

“So, kami ng ate ko, kapag nagkakantahan kami, mas nagiging kumportable ako sa parang niloloko ko o kung ano yung personality ko.”

Kaya naman, ayon kay Alex, sakto rin ang pagkakabigay sa kanya ng segment na “Kara-okey” sa ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon naman po sa 'Kara-okey,' nasakto naman po na 'yon ang kailangan sa 'Kara-okey.' Ganun po 'yon.

“Since 'yon po ang hinihingi sa 'Kara-okey', 'yon po ang ibibigay namin.

“Siya yung fun part ng ASAP, hindi naman pang-world class performance.”

Sa kabila nito, alam ni Alex na may ilang hindi naniniwala sa kanyang kakayahan sa pagkanta.

Pero tila hindi na ito pinapansin ng The Voice co-host.

Katuwiran niya, “Lahat naman po ng gagawin natin, mayroong magki-criticize sa 'yo.

“Parang ano na lang, let the bashers be bashful para mahiya na lang sila.

“Parang hindi ko na lang din iniisip 'yon.

“Kasi, parang may isang nag-criticize sa 'yo o may isang nag-bash sa 'yo, i-check mo naman kung ilan yung mga sumusuporta sa 'yo, nagmamahal sa 'yo.

“Parang ang OA mo na kapag naapektuhan ka ng isang ganun.”


READY FOR THE BIG DOME. Sa tingin ba ni Alex ay mapupuno niya ang Araneta sa April 25?

Pag-amin niya, “Kinakabahan po talaga ako. Pero hindi ko po talaga alam.

“Nagho-hope po kami, nagpe-pray kami.

“Siyempre, yung mga taong kasama ko, parang positive, so parang we just hope for the best.

“Maging positive na lang 'to whatever it is na ibigay sa atin ni Lord.”

Hirit pa niya sa huli, “It's meant to be so umaasa na lang po tayo kay Lord.

"E, medyo feeling naman po ako, so feeling ko po [mapupuno]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN