Karylle reveals an ex-boyfriend cheated on her, but refuses to name him

Karylle relates she hied off to Baguio for some soul-searching after learning that her boyfriend at the time had been unfaithful to her.


Inamin ni Karylle na bago pa niya nakarelasyon ang mister niyang si Yael Yuzon ay nagkaroon siya ng boyfriend na "two-timer."

Naungkat ang tungkol dito sa February 27 airing ng noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime nang hingan si Vice Ganda ng payo ng isang babae sa audience na ang problema ay ang cheating boyfriend nito.

Pagkatapos ay tinawag ni Vice si Karylle upang hingin ang opinyon nito tungkol sa problema ng female audience na nagngangalang Danielle.

Sa puntong ito ay ibinuking ni Vice ang naging mapait na karanasan ni Karylle sa larangan ng pag-ibig.

Tanong ni Vice kay Karylle: “Nangyari na ba sa ’yo ‘yan na meron kang boyfriend tinutaym ka?

“Para totoo ang hugot!”

Ulit pa ng komedyante, “Nangyari na ba ‘yan na na-two time ka na hindi mo alam may dyowa pala?”

Hindi agad nakasagot si Karylle na halatang gustong ibahin ang usapan, ngunit pilit siyang pinaamin ni Vice.

Sa huli ay napaamin din si Karylle at sinabing “nangyari” na sa kanya ang ganoong sitwasyon.

Pilit ding umiwas si Karylle nang tanungin ni Vice kung kailan nangyari ang panloloko ng ‘di pinangalanang ex-boyfriend ng TV host-actress.

“Hindi ko na maalala!” mailap na sagot ni Karylle.

Buwelta naman ni Vice: “Alam mo, pinipilit mo lang kalimutan, pero ang totoo, alam mo.

“Ganyan kayong mga babae, niloloko niyo ang sarili niyo, kunyari hindi niyo alam, pero alam na alam niyo.

“Malinaw sa isip niyo at sa diwa ninyo kung ano ang nangyari. Sino 'yan?”

Walang magawa si Karylle kundi idaan na lang sa tawa ang pangungulit ni Vice, na halatang alam kung sino ang tinutukoy na ex-boyfriend ng TV host-actress.

Ayon pa kay Vice, nang malaman ni Karylle na “tinu-two time” siya ng kanyang boyfriend ay hindi pa agad nakipaghiwalay ang TV host-actress.

“'Di ba, hindi? Nagbilang ka muna ng ilang linggo,” pambubuking pa ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting pag-amin naman ni Karylle, “Umakyat muna ako ng Baguio. Go North!”


THE DINGDONG-MARIAN CONNECTION? Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang huling ex-boyfriend ni Karylle, bago naging sila ni Yael, ay walang iba kundi ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon, hanggang sa maghiwalay sila noong September 2008.

Kasabay nito ay hindi maiwasang masangkot sa isyu si Marian Rivera, na itinuturong third party diumano sa hiwalayan ng dating magkasintahan.

Ngunit sa isang panayam kay Karylle noong November 2008, mariin niyang pinabulaanan ang tungkol dito.

"He said he never cheated on me and I trusted him,” sabi niya.

Sa parte ni Dingdong, “conflicting priorities” ang inihayag niyang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Karylle noon.

Maging sa January 2015 cover story ng YES! Magazine, pahapyaw na nabanggit ni Dingdong na matagal na siyang walang commitment bago pa siya nagdesisyong makipagrelasyon kay Marian.

“Iyong main reason kung bakit 'di ako naging successful sa dati kong relationships is because I needed time for myself to be alone.

“Kinailangan ko lang maging single para ma-enjoy yung buhay na walang commitment.

“Para puwede akong gumawa ng mga bagay na wala akong nasasaktang ibang tao.”

Pareho nang masaya sa kani-kanilang buhay may-asawa sina Karylle at Dingdong.

Si Karylle ay ikinasal sa Spongecola vocalist na si Yael Yuzon noong March 21, 2014.

Si Dingdong naman ay ikinasal sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong December 30, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN