Luis Alandy clarifies issue about replacing Derek Ramsay in a movie

Luis Alandy says he’s slated to start shooting the movie Mandirigma right before he begins taping for a new teleserye with GMA Network sometime this March.


Handa na muling sumabak sa trabaho si Luis Alandy matapos ng ilang linggo niyang pagbabakasyon sa U.S.

Doon niya ipinagdiwang ang kanyang ika-35 kaarawan kasama ng kanyang mga magulang at ibang kaanak, noong February 7.

“Wish ko talaga na mas gumanda pa ang career ko for the next few years,” bungad na pahayag ng Kapuso actor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa kanyang post-birthday celebration kasama ng mga batang residente ng Manila Boystown Complex sa Marikina City, umaga ng Sabado, February 28.

Tila natupad agad ang wish ni Luis dahil pagbalik niya ng Manila mula sa U.S. ay natanggap niya ang offer na pagbidahan ang pelikulang Mandirigma, na ididirehe ng journalist-director na si Arlyn Dela Cruz.

“When I got back, tinanong nila sa akin if I wanted to do another movie, supposedly in line with the SAF 44. Not exactly [about SAF pero medyo related].

“Sabi ko, 'Yeah, I'd like to do another movie,'” kuwento ni Luis tungkol sa pagtanggap niya ng naturang proyekto.

NO CONFLICT WITH DEREK. Sa puntong ito ay hiningan ng reaksyon si Luis tungkol sa balitang si Derek Ramsay ang unang napili na maging lead actor ng pelikulang Mandirigma, sa ilalim ng produksiyon ng Star Quest Alliance Production.

“Well, in terms of [casting], hindi ko na alam yun.

“Nung nag-meeting kami with the producer and the director, dun na nila sinabi na the role was supposed to be Derek's.

“I think his schedule didn't permit it,” sagot ni Luis.

Nabanggit din ng Kapuso actor na may target playdate ang produksiyon ng Mandirigma kaya hindi rin nito mahihintay ang availability ni Derek.

“Ako, okey lang ako to do it, as long as hindi magko-conflict dun sa soap opera [with GMA Network],” sagot ni Luis.

“Yung soap naman by mid-March pa mag-start so we have a week to do it,” paliwanag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang naiulat ng PEP ang tungkol sa pahayag ni Derek na wala siyang ideya na pinalitan siya sa naturang proyekto.

Nalaman lang umano ng Kapatid star ang tungkol dito sa ginanap na appreciation dinner ng MMDA noong gabi ng Huwebes, February 26.

Sa kabila nito, naniniwala si Luis na walang isyu sa pagitan nila ni Derek dahil nagkataon lang na ang Kapuso actor ang sumunod na napiling magbida sa nabanggit na pelikula.

“Wala naman kasi hindi naman ako ang lumapit sa kanila [production outfit] to do the role,” pagtatapos ni Luis.

Bukod sa gagawing pelikula ay nakatakdang gampanan ni Luis ang role bilang “love interest” ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa isang teleserye ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN