FIRST READ ON PEP: Aiko Melendez wins Best Actress in London filmfest

Aiko Melendez bagged the Best Actress Award in a Foreign Language Film award at the International Filmmakers Festival of World Cinema sa London, held February 28. She was honored for her acting performance in the indie film Asintado (Between The Eyes), directed by Louie Ignacio, which was a finalist in the Directors’ Showcase category during last year’s Cinemalaya film festival.


Kaninang madaling araw (February 28, 2015), around 4-5:00 a.m. (Manila time) ay napanalunan ni Aiko Melendez ang coveted na Best Actress in a Foreign Language Film award sa International Filmmakers Festival of World Cinema sa London.

Nanalo si Aiko para sa kanyang restrained acting performance sa Asintado (Between The Eyes), directed by Louie Ignacio, na naging finalist ng Directors' Showcase category sa Cinemalaya last year, 2014.

Wala si Aiko upang personal na tanggapin ang kanyang kauna-unahang international Best Actress award dahil busy ito sa taping ng kanyang bagong show sa ABS-CBN, kung kaya’t si Direk Louie ang tumanggap nito.

Sa grand ballroom ng West Ham United Hotel sa London ginanap ang awards night, at kasama ni Direk Louie ang producer ng pelikula na si Ferdinand Lapuz.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Louie sa pamamagitan ng Facebook messaging habang kasalukuyang nagaganap ang awarding ceremonies sa London.

“Hi Mell! Yahoooooo! March 4 pa ang uwi namin ni Ferdie.

“Grabe, walong Best Actress nominees, ang gagaling din! Sa gagaling ng mga kalaban [ni Aiko], kinukunan ko ng fone ko [ang nominees].

“Noong biglang in-announce ang winner na, 'Asintado, Aiko Melendez!' e, nabitiwan ko ang fone ko! Hahaha!

“Pati si Ferdie, nataranta!” natatawa niyang kuwento.

May nakapagsabi ba sa kanila na may posibilidad na mananalo ang kinatawan ng Pilipinas na si Aiko for Best Actress?

“Clueless kami, kasi ang daming bansa ang naglaban!” dagdag niya.

THE CONTENDERS. Ang tinutukoy ni Direk Louie na mga tinalo ni Aiko na nominado rin for Best Actress ay sina: Charlotte Munck (Denmark) for Meeres Stille, Marianna Panagidou (United Kingdom) for Butterfly, Sveva Alviti (Italy) for Borderline, Jung Ho for Diary (Taiwan).

Tinalo rin ni Aiko sina Anqi Liu (China) for Belief, Shahana Chatterjee (India) for Picnic, Lala Forte for Distanza, at Vilhena Paulo for (Des)Encontros. Hindi namin nakuha ang mga bansa nung huling dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang taon ding nagpahinga mula sa big screen si Aiko, at sa kanyang pagbabalik-pelikula, sinunggaban niya agad ang magandang script ng Asintado (written by Socorro Villanueva), and being her first indie film na nagbigay sa kanyang ng kauna-unahang international Best Actress award ay isang malaking bagay.

AIKO'S REACTION. Paano ipinarating ni Direk Louie kay Aiko ang magandang balitang nag-win siya?

“Tinext ko agad si Aiko! Umiiyak siya! Ang text ko sa kanya, ‘Aiko, ‘di ba, naniniwala ka na sa sinabi ko sa 'yo na magaling ka sa movie?’

“'Tapos, nag-text back siya na umiiyak na siya sa sobrang tuwa!” excited na kuwento ni Direk Louie.

Nanghihinayang nga raw si Aiko dahil hindi siya nakasama, bagama’t suntok sa buwan nga kung magwawagi o hindi.

“Invited rin si Aiko at ang ibang nominees, kaya lang, sobrang busy si Aiko sa taping.

“Gustung-gusto niyang sumama [sa amin], sobra. Kaya 'eto at sa text at Facebook ko na lang siya ina-update.”

VICTORY FOR ASINTADO TEAM. Bilang director naman ni Aiko, ano ang masasabi niya sa victory ng kanyang lead actress sa London?

“Masayang-masaya ako kasi, yung panalo niya ay panalo rin ng buong Asintado team ko. Ganyan kami ka-close.

“Masarap lang ang pakiramdam kasi, pinakinggan ni Aiko kung ano ang gusto ko na atake niya sa character niya sa film.”

Hindi lamang si Aiko ang na-nominate sa Asintado team sa nasabing London filmfest awards, kundi nominado rin ang pelikula mismo bilang Best Foreign Film, Best Supporting Actor for Jake Vargas, Best Supporting Actor for Miggs Cuaderno, Best Director for Direk Louie, at ilan pang technical awards.

Samantala, locally ay kapwa nominado rin sina Aiko, Jake, and Miggs sa nalalapit na 31st PMPC Star Awards for Movies—for Best Actress, Best Supporting Actor, at Best Child Performer, respectively.

Gaganapin ito sa March 8, Linggo, sa The Theatre ng Solaire Hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nominado rin ang pelikula ni Direk Louie sa 17th Pasado Awards na gaganapin soon.

Mula sa PEP, congratulations, Ms. Aiko Melendez!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN