Erich Gonzales denies romantic link with Two Wives co-star Daniel Matsunaga: “Siguro nabibigyan lang ng kulay.”

Erich Gonzales on rumors alleging off-cam sweetness between her and Two Wives co-star Daniel Matsunaga: “Alam naman ng mga tao na may boyfriend ako at kahit si Daniel alam mismo, nirerespeto niya yun. Walang problema sa amin, walang ilangan, trabaho lang ang lahat.”


Sa kabila ng pagiging open book ng pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend ni Erich Gonzales, nakabuo pa rin ng hukbo ng mga tagahanga ang tambalan nila ng Brazilian model-actor na si Daniel Matsunaga sa kanilang seryeng Two Wives.

Marami ang nakapansin sa chemistry ng dalawa on-screen at kasabay nito ang paglabas ng mga balita kamakailan na bukod daw sa nakikitang sweetness sa dalawa off-cam ay ang balitang nakita raw na nagbabantay ang aktres kay Daniel nang minsang mag-guest daw ito sa programang Aquino and Abunda (A & A).

Sa Thanksgiving presscon ng Two Wives nung nakaraang Martes, February 24, sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN, agad na nilinaw ni Erich ang lumabas na balita.

“Gusto kong i-clear ‘yan.

“'Di ako nagbantay kay Daniel, kasi nung time na yun mayroon kaming recording para sa mall show ng Two Wives.

“Pagkatapos ng recording namin, nagkayayaan mag-dinner, then sumama akong mag-dinner 'tapos sila may A & A.

“Pagkatapos mag-dinner umalis na ako, 'di ako nag-stay, 'di naman ako RM [road manager] para magbantay,” paglilinaw niya.

Aminado naman si Erich na close sa kanya ang Brazilian model-actor pero alam niya na alam nito na committed na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Paliwanag niya, “Sobrang close talaga kami ni Daniel, nag-start ‘yan sa KrisTV, siguro nabibigyan lang ng kulay kasi nape-pair kami ngayon.

“Although close ko rin naman sila Enchong [Dee], Rayver [Cruz], Robi [Domingo], pero madalas kami na magkasama sa trabaho, siguro yun yun.

“Alam naman ng mga tao na may boyfriend ako at kahit si Daniel alam mismo nirerespeto niya yun. Walang problema sa amin, walang ilangan, trabaho lang ang lahat.”

BF NOT JEALOUS. Siniguro rin ng aktres na hindi nagseselos ang kasintahan kay Daniel at pinagpapasalamat niya na naiintindihan at napaka-supportive nito sa lahat ng ginagawa.

Pagpapasalamat ni Erich, “Yun nga ang isa sa masasabi ko na suwerte ako dahil yung boyfriend ko naiintindihan ang trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng ginagawa ko na may kinalaman sa work, he’s very supportive.

“Walang selos and matured na yun, 'di na yun bata para magselos. 'Uy, ano ang ginagawa mo?' Walang ganun.

“Ako sobrang masaya lang para sa akin kasi sobrang blessing sa akin ang boyfriend ko.

“Sobra yung patience niya, yung understanding, pagmamahal although 'di yun nakikita ng mga viewers kasi 'di naman ako ma-post sa social media.

“'Di nila nakikita yung effort ng boyfriend ko sa relationship namin, pero napi-feel ko na siya na talaga ang binigay ng Diyos sa akin.

“Kung yung iba nagdarasal na sana mahanap na nila yung 'The One,' o dumating, ako, nandiyan na, binigay na.”

TYING THE KNOT SOON? Sa usung-uso ang engagement at pagpapakasal ngayon ng showbiz couples at celebrities, siniguro naman ni Erich na kapag dumating ang pagkakataon na ito ay hindi niya ito itatago sa publiko.

Sabi niya, “'Di ko masasabi talaga, basta alam naman niya na marami pa akong kailangang gawin and he’s willing naman to wait for me.

“Basta kapag ready na ako, isi-share ko sa inyo, kasi that’s something na 'di naman dapat tinatago. Basta 'wag namang mag-50.”

AFFECTED BY BASHERS. Mahusay na ginagampanan ni Erich ang role niya bilang Janine sa Two Wives, at dahil sa galing na pinapakita ay nakakatanggap ng pamba-bash ang aktres mula sa mga netizens. Dahil dito nga ay nagdesisyon na ang aktres na gawing private ang kanyang Instagram account.

“Yes, private na siya kasi 'di natin maiiwasan na sobra yung pagkadala ng mga manonood. Akala nila yung napapanood nila yung katotohanan, kaya sobra sila affected sa pagganap ni Janine.

“Paalala lang: Trabaho lang ito, trabaho ko na gampanan na maayos ang role ko.

“At kagaya ng sinabi ko, kahit 'di ako sang-ayon sa story at sa mga lines o sa mga ginagawa ng role ko, siyempre trabaho ko pong sumunod sa direktor ko, sa script, trabaho lang po ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Separate po ang teleserye sa totoong buhay.

"Every night trending si Janine, grabe. 'Di na ako lumalabas na bahay,” pag-amin ni Erich.

JUST PLAYING HER ROLE. Nagpahayag si Erich ng pasasalamat sa mga taong sumubaybay at patuloy na sumusuporta sa Two Wives mula sa simula hanggang sa nalalapit na nitong pagtatapos.

Sa karakter na ginagampanan bilang Janine, nandun ang mas malawak na pag-intindi ngayon ni Erich sa mga tulad ni Janine.

“Sobra ang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga nanonood, sa pagsubaybay nila gabi-gabi sa Two Wives. Kung 'di dahil sa kanila natapos kami nang mabilis pero na-extend kami.

“Siguro 'di ko masabi kasi wala pa ako sa posisyon ngayon pero siguro talaga pagdating sa pag-ibig may mga bagay tayong nagagawa na 'di na natin naiisip kasi nandun na, pero sana gamitin natin ang utak natin, 'wag puro puso.

“Dapat as much as possible kailangan 'pag may mga bagay tayong pinapasok, kailangan alam natin ang consequences kasi 'di lang buhay natin ang masisira kundi mga tao sa paligid mo,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN