Kaye Abad feels relationship with current boyfriend Paul Jake Castillo is for keeps: “Ngayon ko na-feel na ready na ’ko.”

Kaye Abad on her solid relationship with boyfriend Paul Jake Castillo: “Sabi nga nila, hindi mo malalaman kung ready ka. Mararamdaman mo lang basta. Siguro naramdaman ko na lang basta.”


Kabaligtaran ang parehong lovelife nina Kaye Abad at Erich Gonzales sa ginagampanan nila sa kanilang nalalapit nang magwakas na primetime series na Two Wives sa totoong buhay.

Pareho naman silang masaya sa kanya-kanyang lovelife.

Kaya palaging natatanong ang dalawa tungkol sa kasal.

Nang makausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kaye sa farewell/thanksgiving presscon ng Two Wives sa 14th Floor ng ELJ Building, ang tungkol sa pagpapakasal pa rin sa boyfriend na si Paul Jake Castillo ang palaging itinatanong sa Kapamilya actress.

Sabi naman ni Kaye, “Wala pang balak, pero ano lang, yung mga simpleng ano lang na, nakita sa picture, maganda ‘to. Sa reception, yung ganun. Pero hindi pa talaga yung seryoso na pagpaplano, wala pa.”

Sino kaya ang mauunang pakasal sa kanila ni Erich?

“Si Erich, 'no! Apat na taon na sila,” natawang sabi ni Kaye.

IS PAUL JAKE “THE ONE?” Aminado naman si Kaye na nakita na niya kay Paul Jake ang lalaking gusto niyang pakasalan.

“Nakita ko na rin,” saad niya.

“Nakita ko na rin yung tao. Ngayon ko na-feel na ready na 'ko.”

Ano ang nakita niya kay Paul Jake?

“Ewan ko,” nakangiti niyang sabi.

“Sabi nga nila, hindi mo malalaman kung ready ka. Mararamdaman mo lang basta. Siguro naramdaman ko na lang basta.”

Si Paul Jake, handa na rin bang pakasal?

“Ay, ewan. Hindi ko siya tinatanong,” natawa niyang sabi.

WEDDING PROPOSAL? Kung magpu-propose man daw ang boyfriend sa kanya, okey na rin siya.

Katwiran ni Kaye, “Matagal ko na rin naman siyang kakilala at ang maganda, nag-start kami bilang magkaibigan.

“Kaya alam ko ang ugali niya talaga. Hindi dahil may gusto siya sa akin kaya yun ang nakikita ko.

“Alam ko na ang ugali niya talaga.”

Magti-thirty three na si Kaye ngayong May.

Kaya biro niya, “Huwag naman na sigurong umabot ng 40. Hindi ko alam e, basta yun. Basta okey ako. Sinabi ko naman na nakikita ko na siya na. So sana, siya na nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hintay lang, kapag ready na lahat.”

HOSPITAL CONFINEMENT. Noong nakaraang dalawang Linggo lamang ay na-confine siya sa hospital at si Paul Jake ang super bantay sa kanya.

“Dapat lang magbantay siya 'no?!” natatawang biro niya.

“Well, siyempre nakakatuwa na nandoon siya at nagbantay kahit na may taping siya.”

Ano nga ba ang naging sakit niya?

“Severe dysmenorrhea. Kailangan ko lang talagang magpa-check-up. Siguro sa pagod, puyat din. So, pinagpahinga ko ng one week.”

May nag-isip na baka raw buntis siya kaya siya na-confine.

Sakali ngang mabuntis muna siya bago makasal, okey lang ba sa kanya?

“Ako, okey lang ako ro'n kasi, may edad na rin ako.

“Pero kasi, yun nga, both my brother and my sister, pareho silang nauna ang baby bago ang kasal.

“I wanted sana to give my parents na kasal muna bago ang baby,” saad niya.

RAVE REVIEWS. Sa isang banda, marami naman ang pumupuri sa ipinapakita niyang pag-arte sa Two Wives. Mababasa ang mga reaksiyon lalo na ng netizens at kahit mga kasamahan niya sa industriya, at hindi napipigilan na magpahayag ng paghanga ang mga ito sa kanya sa social network.

Sabi naman ni Kaye, “Hindi ko po talaga magagawa ‘to kung hindi rin sa tulong ng mga katrabaho ko.

“Mahirap kapag may kaeksena ka na wala kang nakukuhang emosyon. So malaking tulong po talaga.”

Apektado naman ang mga manonood, lalo na ang mga fans nila na pakiramdam ng mga ito, aping-api siya sa buong kuwento ng Two Wives. Halos karamihan ng sinasabi ng mga ito, naiinip na kung kailan naman daw siya makakaresbak o makakabawi sa mga pang-aapi niya raw.

“Kahapon nga, nanuntok na nga ako,” natawa niyang sabi.

“May takot ang character ni Yvonne na kaya naman nagalit si Janine, kasi may nangyari sa kanila ni Victor habang hindi na sila ni Victor.

“Kaya hindi rin naman todong makalaban si Yvonne kasi, may kasalanan nga siya kay Janine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoong buhay, katulad din kaya siya ng karakter niya na ipaglalaban ang taong minamahal kahit ilang beses nang nasaktan?

“Sabi ko nga, ngayon, kung boyfriend, ako yung tipo na, parang si Erich na, kung ayaw mo na, e 'di huwag na.

“Kaso, iba kapag asawa mo na. Hindi ko alam kung kapag asawa mo na ba at may pamilya na, baka ipaglalaban mo kasi talaga,” pahayag niya.

REST. Malapit nang magtapos ang Two Wives, dalawang Linggo na lang itong eere.

May nakalinya na ba sa kanyang gagawin?

“Meron kaso kasi, hindi mag-swak sa schedule dahil may Two Wives pa. So, hindi na siguro matutuloy.

“Pahinga na muna siguro, bakasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN