Marc Solis reveals current movie project is dedicated to SAF Fallen 44

Marc Solis on the timeliness of his current movie project, Mandirigma: “Three days after nangyari yung SAF, nag-shooting kami. Nagkataon lang talaga na nangyari yun. E, sabi naman namin, napaka-timely rin ng nangyari so why not, i-dedicate namin itong movie para sa kanila.”


Sa ika-20 anibersaryo ng ASAP, isa si Marc Solis sa mga dating mainstays nito na dumalo sa selebrasyon na ginanap sa MOA Arena.

Si Marc ay naging bahagi ng ASAP noong nasa Ang TV pa siya hanggang sa mabuo ang grupo nila nina John Lloyd Cruz at Baron Geisler na Koolits.

Ayon naman kay Marc nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bagong production at management company na Starquest Alliance Production, Inc. sa Dad’s Restaurant, West Avenue, Quezon City noong February 24, Kidlats pa lang daw sila ay nasa ASAP na sila.

“Parang ASAP Kidlats pa lang kami nun, kami nila Paolo Contis, Patrick Garcia, Ang TV pa yun, 'tapos tuluy-tuloy na.

“Hanggang sa mag-teenager na kami, Star Circle na kami, sa Star Circle Batch 5, yun na yung Koolits with Baron and John Lloyd.”

Yun nga lang daw, nang mag-guest siya para sa 20th anniversary, hindi rin sila nagkita-kitang tatlo.

“Ang nangyari kasi, nandoon siya sa live, nasa taping ako. So paalis na kami, parating siya. Nagkasalisi kami.

“Pero sina Baron, nakasama ko. Nakaka-miss kasi, ASAP was part of our weekend before. Every Sunday nandoon kami, buhay namin yun dati and masaya lang makabalik.

“Nakita namin ang staff, sila pa rin. It was a very pleasant experience to be back.”

KEEPING IN TOUCH. Silang tatlo ba nina John Lloyd at Baron, may komunikasyon pa rin kahit na nag-iba-iba na ang direksiyon ng buhay at career nila?

“Kami ni Baron, constant communication pa rin,” lahad niya.

“Si JL [John Lloyd], kailan ba kami huling nagkausap? Medyo matagal na. Pero the last time na nag-usap kami, okey naman, warmth naman. Wala naman akong na-feel na parang nag-iba.

“Yun lang, nag-lessen, pero every time na magkita kami, same pa rin.

“May mga ganun talagang friends na kahit matagal kayong hindi nagkita, alam mong walang nagbago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron namang friends na palagi kayong nagkikita, pero kahit sa harap mo, nakikita mong nagbabago.”

Puwede niyang sabihin na yung pagkakaibigan nilang tatlo, nandoon pa rin?

“Yes, because the bond that we had, I think hindi puwedeng tumbasan ng ibang samahan ngayon.”

HAPPY FOR FRIENDS' SUCCESS. Kung tutuusin, silang tatlo nina Baron at John Lloyd ay nakilala kahit noon pa sa husay nila sa pag-arte.

Yun nga lang, sa kanilang tatlo, tila siya yung medyo naging mabagal ang pag-usad ng career.

Ayon naman kay Marc, “Well, ako naman, ever since, si John Lloyd, I knew... sinabi ko rin yun the last time na, 'From the start, I knew na you’re gonna make it.' Alam niya yun.

“Kapag nakikita ko siyang maraming project, masaya ko para sa kanya.

“Si Baron naman, every time na may problems ‘yan, tumatawag sa akin ‘yan for advice. Kapag nakikita ko ang accomplishments niya, masaya rin ako para sa kanya.

“Para sa akin naman, ako naman, nasa point ako ng buhay ko ngayon that I’m just happy to be working. Hindi ko kailangang makipagkarera kahit kanino, basta meron akong trabaho.

“Wala ako run sa dapat mas sikat ako rito, kailangan malampasan ko si Ganito. I’m just happy to be doing the job that I like and alam kong to still be doing and alam ko that this is what I really know.

“Darating din siguro ko by the time like magkaroon ng award, darating din siguro ‘yan. It’s maybe slower than the others, pero I believe siguro, continue working hard lang.”

JADED WITH SHOWBIZ? Sa isang banda, hindi ba siya nakaramdam ng pagod at mapag-isipang tumigil na sa showbiz at mag-iba ng karera?

Pag-amin ni Marc, “Dumarating sa ‘yo yung, 'Ano ba, ang tagal ko nang naghintay, wala pa rin?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun, e. Yun ang buhay. You have to fight back and you have to work harder. Ganoon lang.

“I’m taking things day by day.

“Happy ako sa mga projects na dumarating. Kahit hindi ganung kasunud-sunod, at least, meron. Be thankful for what you have. Ganun lang ako, I’m taking things day by day.”

MOVIE PROJECT. Sa isang banda, ang She’s The One (2013) pa ng Star Cinema ang huling pelikulang ginawa ni Marc. Kaya nagpapasalamat daw siya na nakasama siya ngayon sa pelikulang Mandirigma na dinirek ni Arlene dela Cruz at unang venture sa film production ng Starquest Alliance Production ni Mark Angelo Castillo.

Tumayming nga raw sa kontrobersiyal na SAF Fallen 44 ang pelikula.

“This is a story of the Philippine Marines. More on story sa isa sa mga engkuwentro nila. It’s actually based on a true story. Hindi siya fully true story pero some parts, naka-base talaga,” detalye niyang kuwento.

DEDICATED TO SAF FALLEN 44. Nauna raw talaga ang pelikula bago naganap ang SAF Fallen 44. October pa raw sana nila isu-shoot at naka-schedule na raw silang mag-shooting nang maganap ang Mamasapano encounter kaya parang nagkasabay raw talaga.

Patuloy pa ni Marc, “Three days after nangyari yung SAF, nag-shooting kami. Nagkataon lang talaga na nangyari yun.

“E, sabi naman namin, napaka-timely rin ng nangyari so why not, i-dedicate namin itong movie para sa kanila.

“It’s not a story of SAF, pero sundalo, marines, dine-dedicate na rin namin sa kanila.”

MARINE TRAINING. Isang sundalo nga raw ang karakter niya. Chinese-Filipino na galing naman sa well-off na pamilya.

“Kaso yung puso ko, belongs to the marines. Kahit ayaw ng family ko na mag-Marines ako, gusto kong maglingkod sa bayan. So doon nag-start yung story at doon ko na-meet ang ibang kagrupo ko,” sabi pa niya.

Bukod kay Marc, kasama rin sa pelikula si Luis Alandy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din daw sila ng immersion.

Ayon pa rin kay Marc, “Yun ang naging training namin, nag-imersion kami sa marine base mismo.

“Every now and then, nagpupunta kami sa kanila. We train with them. Every morning exercise nila, ginagawa namin yun pati training nila sa firing. Lahat actually ng ginagawa nila, pinag-aralan namin.

“Pati nga ang boodle fight kapag kumakain sila, ganoon din ang ginawa namin.

“Para nga kaming honorary marines at sabi nga nila, nagkaroon na kami ng bonding, we’re welcome to train with them anytime.

“Sabihin lang namin sa kanila kung kailan namin gustong pumunta sa base, welcome kami sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN