Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Wala pang naibigay na detalye ang kampo ng mga Revilla hinggil sa tama ng baril sa dibdib ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Samantala, umapila na lamang ang press officer ng pamilya para sa mga dasal para sa kanya.


Isinugod sa ospital si Cavite Vice Governor Jolo Revilla matapos na magtamo ng tama ng baril sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Ayon kay Cavite Governor Juanito Victor Remulla sa panayam nito sa Inquirer.net, “He sustained a gun shot that went through his upper right chest. I don’t know how it happened... He's alive."

Nasa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang daw ngayon ang anak ng nakakulong na senador at aktor na si Ramon "Bong" Revilla Jr., ayon naman sa manager ng mag-ama na si Lolit Solis.

Hindi nagbigay pa ng kahit na ano pang detalye si Lolit tungkol sa nangyari kay Jolo, liban sa sinabi nitong kaninang umaga lang daw ngayong Sabado nangyari ang insidente.

Ayon naman sa media officer ni Senator Revilla na si Clifford Elorde, magre-release daw ang statement ang Pamilya Revilla, pero sa ngayon umapila na lamang siya na, "The Revillas are asking for prayers for Jolo."

Ngunit kinumpirma ng isang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang tama ng baril ni Jolo ay dahil sa "suicide attempt."

Tumutok sa PEP para sa karagdagang detalye at update sa mga susunod na oras tungkol sa balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN