Jam Sebastian hurdles critical condition

Yexel Sebastian, Jam Sebastian’s older brother, posted the good news about Jam’s miraculous recovery on Facebook: “After ng 24 hours na tulog at hindi nagrerespond parang isang milagro na dumilat siya at nagkaroon ng lakas na isulat ang I Love You All : )”


Matapos maging kritikal ang kanyang kalagayan at halos 24 oras na tulog noong Huwebes, February 26, nagising na noong Biyernes, February 27, si Jam Sebastian, ang boyfriend ni Michelle Liggayu. Ang dalawa ay mas kilala bilang kapares ng popular YouTube sensation na Jamich.

Sa patuloy na pakikipaglaban ni Jam sa stage 4 lung cancer nitong mga nakaraang araw ay tila palubha nang palubha ang kondisyon nito, at marami nga ang nabahala, lalo na't mahigit na 24 oras na itong walang malay.

BROTHER'S POST. Post nga ng kanyang nakakatandang kapatid na si Yexel Sebastian sa kanyang Facebook account, “After 24 hours na tulog at hindi nagrerespond, parang isang milagro na dumilat siya at nagkaroon ng lakas na isulat ang I Love You All : )”

Nagawa pa raw ni Jam na magsulat ng “I Love You All” sa isang papel, bilang pasasalamat sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Post pa ni Yexel, “Laban daw, at 'wag tayo mawawalan ng pag-asa. Grabe yung pangyayari, lahat kasi ng mga kababata niya dumating. Para siyang nag sample.”

“Astig ka talaga Tol!!! Salamat lord sa munting lakas na iyong ibinalik."



MICH'S UPDATE. Post naman ni Mich sa Facebook account na Jamich: “Gising si Jam ngayon : ) Nakakausap namin siya and mas alive siya ngayon.

"Cool nakakapagsulat siya ulit. And nakaka type sa phone. And mas nakakapag interact siya sa amin ngayon compared sa kahapon. Thank you sa mga prayers niyo Loves!"

Dagdag pa nito, “Thank You Lord, pilit siyang lumalaban, keep praying (y).”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN