James Younghusband on brother Phil: “He’s such a big sucker for romance.”

James Younghusband says he can easily "read" his brother Phil: “Phil maybe passionate about his sport, but he’s a lot more passionate with his personal life. That’s why I know when he’s happy or when’s he’s hurting from a relationship. He loses focus on his work.”


Dahil nga sa sobrang close na magkapatid sina James and Phil Younghusband, alam na nila ang kani-kanyang ugali lalo na pagdating sa larangan ng pag-ibig.

Ayon kay James, alam daw niya kapag sobrang in love ang kanyang kapatid na si Phil dahil unang-unang napapansin niya ay nawawala ang focus nito sa trabaho.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Filipino-British athlete-turned-TV host sa press launch ng show nilang magkapatid na YH Tube na produced ng Sports 5 ng TV5 last February 17 sa Victorino’s Restaurant sa may Scout Rallos, Quezon City, sinabi nito na mabilis na matangay ng kanyang emosyon si Phil at sobra ang binibigay nitong atensyon sa babaeng kinababaliwan nito.

PASSIONATE WITH LOVE. Kaya nga raw kapag nauwi raw sa breakup ang relasyon nito, sobra rin daw itong apektado at nasasaktan.

“Phil wears his heart on his sleeve. You can really feel that he’s into this girl and he does everything to please her and the people around her.

“Maybe that’s the difference between me and Phil. We might have very similar traits but when it comes to our personal lives, especially when it’s about relationship, Phil is most likely to get more involved.

“Phil maybe passionate about his sport, but he’s a lot more passionate with his personal life.

“He’s very professional when it comes to our training. But after that, he’s in a hurry to go somewhere. He doesn’t hang around long because he has this other commitment which I understand.

“That’s why I know when he’s happy or when’s he’s hurting from a relationship. He loses focus on his work,” paliwanag ni James.

FOCUS. Pero ang maganda naman daw sa kanyang kapatid ay kapag naka-move on na ito, one hundred percent naman daw ang tutok nito sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What’s good about it is when Phil has finally gotten over everything, he then focuses more on his work and on his sport.

“You get to see him a lot, he hangs out after training—he’s not somewhere out there with somebody.

“Phil is very hardworking but he’s also such a big sucker for romance!” malakas na tawa pa ni James.

NEW TV SHOW. Ngayon nga raw ay sobrang nakatutok si Phil sa trabaho dahil na rin sa bago nilang show sa TV5 na YH Tube.

Wala raw itong dine-date ngayon.

Huli raw na naka-date ni Phil ay ang aktres na si Bangs Garcia. Pero tatlong buwan lang daw ang itinagal ng kanilang pagde-date.

“That’s why I get to see him a lot because he’s not dating right now.

“He’s focused and very into our work right now.

“I would love Phil to be happy in both his work and lovelife. He just has to learn to balance everything and not get involved in just one.

“Balance is always the key and I know he will learn to do that,” ngiti pa niya.

SHOWING THEIR FUNNY SIDE. Nagsimula na nga noong nakaraang February 21 ang show nila na YH Tube kunsaan ipinapakita ang mga nakakatawang videos ng mga naglalaro ng iba’t ibang sports.

Kabilang na dito ang mga bloopers ng magkatapid na Younghusband.

“It’s a different side of me and Phil.

“Many people think we’re always serious with everything. But we’re also very funny.

“We both have this quirky personality that only a few people close to us knows.

“With YH Tube, they will be able to watch us in our most hilarious and unguarded moments,” paniguro ni James.

MORE FOCUSED IN LEARNING TAGALOG. Isa nga sa magiging katatawan ng show na YH Tube ay ang pagsasalita nila ng wikang Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman ang Younghusband brothers na hanggang ngayon ay medyo hirap pa rin silang magsalita ng diretsong Tagalog.

Kaya sa kanilang show ay meron silang mga tongue twisters in Tagalog para matuto sila at matuwid ang kanilang dila sa pagbigkas ng mga Tagalog words.

“It’s an effort, really. But both Phil and I are just enjoying ourselves and learning at the same time.

“We know how to speak a few basic Tagalog words. But there are words that are hard to say and we have to really exert lots of sweat to even pronounce it right.

“It's what they all call our nose bleed moment of the show, so the televiewers will find it so, so funny,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN