Daniel Matsunaga on Erich Gonzales’s relationship with non-showbiz BF: “May respeto ako sa sarili ko, may respeto ako sa kanila.”

There’s no romance between Daniel Matsunaga and Two Wives co-star Erich Gonzales. Daniel declares his respect for Erich and her non-showbiz boyfriend: “If a girl has a boyfriend or whatever, I just give them distance. Whatever it is, I’m a good friend and I’m always gonna be there for her.”


Sa nakaraang thanksgiving presscon ng Two Wives noong nakaraang Martes, February 24, sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN, siniguro ni Daniel Matsunaga na alam niya ang limitasyon niya bilang lalaki sa nabibigyang-kulay na pagtatambal nila ni Erich Gonzales sa kanilang seryeng, Two Wives.

May lumabas kasing mga balita na nakikita silang sobrang close ng aktres bukod pa sa nasulat na nagbantay daw si Erich kay Daniel nang minsang mag-guest ang Brazilian model/actor sa programang Aquino and Abunda Live (A & A).

RESPECT. Ayon kay Daniel, may respeto siya sa relasyon ni Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend at siya na mismo ang naglalagay ng distansiya sa pagitan nila ng aktres.

Ayon kay Daniel, “May respeto ako sa sarili ko, may respeto ako sa kanila.

“My parents gave me the best lessons... Respect, that’s the first thing that came to mind about that.

“If a girl has a boyfriend or whatever, I just give them distance. Whatever it is, I’m a good friend and I’m always gonna be there for her.”

FALSE RUMORS. Nilinaw din ni Daniel na walang katotohanan ang lumabas na balita na nakita raw na nagbabantay sa kanya si Erich sa guesting niya sa A & A.

“Wala, wala, I don’t know where it came from pero talagang wala.

“Nagtrabaho kami ni Erich dun sa Kris TV sa Palawan dati pero walang ganun. Well, for now wala. I don’t know anything about that kaya nagulat ako,” pag-amin niya.

Alam naman ng lahat na masaya at kuntento si Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Kaya noong tinanong namin kung liligawan ba niya ang aktres kung saka-sakali na wala itong boyfriend sa ngayon, hindi naman daw nagsasara sa anumang posibilidad si Daniel.

“In God’s time, we’ll never know.

“Ako I’m happy now na ang daming blessings na pumasok sa buhay ko. Right now I’m very focused sa trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda siya, mabait, she’s a blessing to me also kasi she’s always helping me with Direk and everybody sa cast ng Two Wives,” pagpuri ni Daniel sa kanyang co-star.

THANKFUL TO FANS. Marami ang nakapansin ng chemistry nila Daniel at Erich sa Two Wives, at nagpapasalamat naman ang aktor na marami ang may gusto sa tambalan nila ni Erich.

Ayon pa kay Daniel, “Oo malaki yung fan group namin, yung Danrich group.

“We appreciate... actually, ako I really appreciate lahat ng pagmamahal, lahat ng binigay nila sa amin, lahat ng support and everything they did for us.

“I really appreciate all the fans, all their support, all their messages.

“I always read it sa Instagram ko, sa Twitter. All the magandang comments, bad comments wala, most of it puro positive and it’s such a blessing.”

THANKFUL TO NETWORK. Sa consistently high ratings ng Two Wives mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito, at sa madalas na trending ng mga eksena gabi-gabi, masaya si Daniel na naging parte siya ng nasabing soap opera ng Kapamilya network.

“Masaya ako, kahit sa dulo lang ako pumasok, yung character ko, opportunity 'yan, e.

“Nag-umpisa lang ako sa show, first soap opera ko, masaya 'cause I got to work with different actors and I got to learn so much from them lalo na kay Direk FM [Reyes].

“He’s such a big help to me, sa mga binigay niyang instructions sa akin sa set. I’m very happy I’m part of the cast, I’m very honored that I’m part of it 'cause I am learning so much from it and I’m very happy,” pahayag pa ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN