Marian Rivera on hubby Dingdong Dantes: “Mas sweet siya sa akin, promise! Talo ako.”

Marian Rivera describes her mornings waking up with hubby Dingdong Dantes: “Siyempre kapag nagising ako, iki-kiss ko siya. ’Good morning, Dad!’ Kapag siya naman, ’Bye Baby,’ ’tapos aalis na siya."


Nagkukuwentuhan daw ang Kapuso Primetime King at Queen at ngayon ay mag-asawa nang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kung anong mga pangarap sa buhay ang gusto pa nilang maisakatuparan.

Sa press launch ng Inner Beauty Bench scents ni Marian sa Trinoma Activity Center kahapon, February 28, naibahagi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga pinag-uusapan nila bilang mag-asawa ngayon ni Dingdong.

“Parang after ng honeymoon, nagpunta kami sa Palawan.

“'Tapos, nag-usap kami na, 'Ano pa ba ang mga pangarap mo na hindi mo nakuha noon?' 'Ay, ganito-ganito...'

“So, nandiyan din siya para suportahan ako.

“At the same time, siya rin, may mga dreams siya na sinusuportahan ko siya.

“Para sa akin, yun ang maganda sa mag-asawa, nagsusuportahan kami sa mga pangarap namin bilang single at bilang mag-asawa,” panimulang kuwento ni Mrs. Dingdong Dantes.


CULINARY COURSE. Ang pag-aaral naman ng culinary arts ni Marian ay isa raw sa mga pangarap niya noon pa, na ngayon lang niya sinisimulang bigyan ng katuparan.

Matagal pa nga raw siyang mag-aaral.

“Matagal yun, as in literal na pumapasok talaga ako,” pagmamalaki niya.

Posible kayang magnegosyo siya ng pagkain o magtayo ng restaurant?

Ayon kay Marian, “Puwede naman, oo. Ayoko siyang alisin sa utak ko.

“Pero ngayon, gusto ko siyang i-enjoy para matuto ako para sa sarili ko.

"Kasi dati ko pang pangarap na makapagluto."

Nasusorpresa naman ba ang mister niyang si Dingdong sa mga bagong putahe na nailuluto niya para rito?

“Oo,” nakangiting sagot ni Marian.

“Maarte ako, e. Halimbawa, may lulutuin ako sa school, niluto ko, iuuwi ko at ipapatikim ko sa kanya.”

Ano na ang pinakapaboritong “luto ni Yan” na gusto ni Dingdong?

“Lahat naman ng lutuin ko, favorite niya!” natatawang sagot niya.


EL NIDO TRIP. Nabanggit nga ni Marian na pagkatapos ng honeymoon nila, noong nakaraang Valentine’s Day naman ay sa El Nido, Palawan sila nagpunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang El Nido trip nila?

Sabi ni Marian, “Nag-enjoy ako. Ang tahimik, e. Ang kasama mo lang, isla.”

Nabitin ba siya?

“Okey lang yun, kahit papaano, nakakapagbakasyon, okey na ako dun,” sabi niya.


ENJOYING MARRIED LIFE. May mga nabago na rin kaya sa kanila ni Dingdong bilang mag-asawa? May mga bago ba siyang nadidiskubre rito?

“Wala naman, happy lang.

“Siyempre, looking forward na ako na kasama mo everyd ay.

"Natutulog ako, paggising ko, ang guwapo ng katabi ko!" natawa niyang sabi.

Kumusta sila tuwing gigising sa umaga?

“Depende kung sino ang maunang gigising, depende sa schedule. Iba yung nagigising at nanggigising.

“Siyempre kapag nagising ako, iki-kiss ko siya, 'Good morning, Dad!'

"Kapag siya naman, 'Bye, Baby,' 'tapos aalis na siya.”

Ipinagluluto ba niya ng breakfast si Dingdong araw-araw?

“Kapag kinakailangan!” natawang sagot ni Marian.

“Kapag malayo ang location ng asawa ko, 'Baby, nagugutom ako, malayo ang location ko.'

"Sasabihin ko, 'Don’t worry, ipagluluto kita.'"

Ano ba ang kadalasang breakfast ni Dingdong?

“Simpleng tao lang yun.

“Kadalasan, kung hindi yun mag-e-egg, magti-tinapay, magyu-yogurt. Magku-coffee.

"Ang coffee nun, sinasawsaw ang tinapay."


SWEETER THAN MARIAN. Ano pa ang mga ugali na nadiskubre niya ngayon kay Dingdong ngayong mag-asawa na sila?

“Mas sweet siya sa akin, promise! Talo ako,” sabi ni Marian.

Paanong mas sweet pa?

“Sobrang sweet niya. Parang every morning, ipaparamdam niya sa ‘yo na ikaw ang pinakamagandang babae.”

Natawa naman si Marian nang tanungin kung seloso bang mister si Dingdong.

Aniya, “Hindi, nakakatawa lang siya.

"Halimbawa, 'Ano ‘yan, bakit kita ang cleavage mo? Naka-cycling ka ba?' Ay, babae ako!

“Pero kinikilig ako kasi hindi naman siya ganun.”


COMPROMISE. Dahil dito, nangangahulugan bang hindi na siya puwedeng mag-pose nang seksi?

“Sinong may sabi?!?” natatawang balik-tanong niya.

“Alam niyo, sinasabi naman ng asawa ko... alam niyo, compromise naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman ng mga bagay na gusto niyang gawin ko, pinag-uusapan namin nang maayos.

“Ngayon, kung hindi talaga, hindi. Kung oo, palagi kaming meet halfway.

“Palaging hindi siya lamang, hindi ako lamang. Palaging pantay ang desisyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN