Melai Cantiveros amused at hubby Jason Francisco’s over-the-top parenting style

Melai Cantiveros (left) on husband Jason Francisco’s (right) parenting style: “Sa sobrang O.A. niya sa pagka-daddy niya, yung tipong magpe-press conference kaming lahat kapag may nakitang kagat ng lamok. ’Sino ang nagpakagat ng lamok, sino?!?’ Over-over talaga.”


Sampung buwan na raw ang anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na si Amelia Lucille. Sa April ay magdiriwang na raw ito ng unang kaarawan at excited at pinaghahandaan na raw nila ang first birthday party ng anak.

Kuwento nga ni Melai nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang:

“Ten months siya ngayon.

“Sa April, mag-one year na siya. Alam mo yung every month, yung milestone niya na marami kaming malalaman sa kanya.

“Wala akong masabi kasi, speechless ako sa happiness sa aking anak. Ngayon pa lang, nagpi-prepare na kami sa invitation, sa kanyang motif.

“Kasi, parang mahilig siya sa Sofia the First, so parang yun.

“At siyempre, invited ang lahat ng friends ko na mga artista and family ko.”

Kinasal sila ni Jason sa General Santos City at bininyagan ang anak nila sa Manila. Pero ang first birthday daw nito, dito pa rin sa Manila nila gagawin.

“Noong binyag kasi, nagalit ang ama. Doon na lang daw lagi sa Gen. San, parang nakakapagod na raw mag-biyahe.

“Kaya yung birthday niya, doon pa rin sa ginananapan ng binyag—sa Milky Way, Makati.”

MARRIED LIFE. Yung buhay mag-asawa nila ni Jason, kumusta naman?

“Actually, sa buhay mag-asawa talaga, normal talaga ang away.

“Ngayon ko lang na-realize, ang away talaga is not the end of the world. It’s normal, para ma-realize niyo sa isa’t isa na ito pala ang pinagdadaanan niyo ngayon, understanding lang.

“Doon niyo masusubok ang inyong relasyon kung talagang love na love, ganun. Normal lang kaming nag-aaway, pero hindi na katulad dati na over-over na aso't-pusa, ‘di ba?

“Pero ngayon, away ngayon, maya-maya… Ga,” natatawang kuwento niya.

Pahabol pa ni Melai, “At saka, yung anak namin, palagi naming naiisip... Iniisip namin palagi si Mela kesa sa sarili namin.”

HANDS-ON DAD. Humahanga naman daw si Melai kay Jason bilang Tatay dahil napaka-maasikaso raw nito sa anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang kuwento ni Melai, “Wala akong masasabi sa kanya kundi approve na approve ako sa pagka-daddy niya.

“Sa sobrang O.A. niya sa pagka-daddy niya, yung tipong magpe-press conference kaming lahat kapag may nakitang kagat ng lamok.

“'Sino ang nagpakagat ng lamok, sino?!?' Over-over talaga.

“Ang nanay kasi, pag may lagnat [ang baby], alam mo na okey lang ‘yan.

“Pero siya, 'Hindi puwede ‘to, kailangang dalhin sa clinic.'

“Tanong ko, 'Ano ba nangyayari sa ‘yo?'

“Pero very happy ako kasi, love na love niya ang anak niya. Hindi yung parang char-char lang.”

Wala na silang selosan?

“Wala na,” mabilis niyang tanggi.

“Hindi na ako nagseselos. After ng kasal, hindi na ko nagseselos, because may security talaga.

“Hindi ko alam sa iba, pero sa amin, nagwu-work yung marriage kasi, hindi naman niya gagawin yun kung hindi niya 'ko mahal at nararamdaman ko naman yun,” pag-amin niya.

TWO WIVES. Masaya naman si Melai na nakasama siya sa primetime series na Two Wives. At sa halip na magpatawa lang, nagda-drama raw siya minsan dito bilang best friend ng karakter ni Erich Gonzales.

Sabi nga ni Melai, “Grabe na ang pressure ko talaga, but nothing to worry about, dahil si Direk [FM Reyes], uber-uber sa galing.

“Sobra talaga ang galing ni Direk. Kahit na pinakamaliit na role, bibigyan niya ng chance to always shine.

“Palagi niyang sinasabi sa amin yun sa set. So kami, ginagawa namin ang best.

“At hindi ko ini-expect na naa-acknowledge pala nila ang acting ko ro'n. Ibig sabihin, the best ang aming creatives.”

Nae-enjoy niya ang role niya bilang best friend ni Janine?

“Very much,” sabi naman niya.

“Ito talaga yung, binilisan lang ‘to. Ito talaga yung, 'Puwede ka ba rito, Melai?'

“'O sige po.' Akala ko, hindi naman ‘to matagal na role. Grabe pala ang role ko rito. Akala ko sandali lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, sobrang bonding namin ng cast. Lahat ng cast, wala kang itulak-kabigin, ang babait ng cast. Walang attitude lahat.”

CLOSER TO ERICH NOW. Dahil sa Two Wives, naging mas malapit daw sila ni Erich Gonzales bilang magkaibigan.

Ayon kay Melai, “Actually, nagkasama na kami dati sa I Do, pero dahil dito, mas lalo kaming naging close.

“E, Bisaya pa kaming dalawa, kaya mas lalong nagkatugma ang aming utak-Bisaya.”

Ano naman ang mga nadiskubre pa niya kay Erich sa pagsasama nilang ito?

“Na-discover ko kay Erich na uber-uber, ang galing pala niyang umiyak.

“Alam mo, lahat ng sequence sa isang araw, iyakan lahat, hindi siya nagrereklamo. Parang kung ako ‘yan, parang hindi na ko maiiyak n'on.

“Talagang sobra ang passion niya sa work niya,” pagpuri niya kay Erich.

MISSING BANANA SPLIT? Noong mabuntis si Melai ay umalis siya sa kanilang gag show na Banana Split. Pero hindi na siya bumalik dito.

“Siguro, okey na muna ako rito, parang happy na 'ko rito,” saad naman niya.

“Parang sabi naman nila, dito muna ko mag-concentrate, sa Two Wives. Okey naman. Siyempre, sila ang mag-desisyon.”

Nagka-ayos na rin daw sina Jason at John Prats?

Pakli niya, “Oo, okey naman sila, nagha-hi na nga sila sa isa’t isa.”

Ikakasal na si John. Kung sakali at imbitahan sila ni Jason, a-attend ba sila?

“Oo naman, a-attend kami lalo na kung walang taping. Kung invite kami, why not? Siyempre, respect yun, ‘di ba?” paglinaw niya.

ANGELICA. Kinumusta rin namin ang relasyon niya sa tinatawag niyang “twinny” na si Angelica Panganiban at kung masasabi niyang bumalik talaga sa dati ang closeness nila.

Sabi naman ni Melai, “Hindi kami lumalabas ngayon, kasi nga, dahil na rin sa anak ko. Kapag may time ako, iba-bonding ko na sa anak ko.

“Pero alam namin sa isa’t isa na bumalik ang aming bonding kasi, palagi siyang nagte-text sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ako naman, sinasabi ko, Twinny yun nga. Pero yung premiere night niya, yung That Thing Called Tadhana, pumunta naman kami ni Jason.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN