Melissa Ricks enjoys being a hands-on mom to baby Kiera Kelly

Melissa Ricks describes being a mom to baby Kiera Kelly: “Mas responsible na ako, marunong na akong mag-alaga ng bata kasi dati kahit buhat ng bata ’di ako marunong. Marunong ako natutuhan lalo na nandito ang Mommy, she’s teaching me a lot of things.”


Pagkatapos mag-lie low ni Melissa Ricks sa showbiz mula noong magbuntis at manganak ito, napanood na lang muli ang aktres sa nakaraang 20th anniversary ng ASAP kung saan nagkaroon siya ng production number kasama ang mga dati niyang kasama sa Star Circle Quest o SCQ.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Melissa, agad naming kinumusta ang pagiging isang ina niya at kung anu-ano ba ang nabago sa kanyang buhay.

Ayon kay Melissa, “Super happy, medyo stressed kasi siyempre mahirap mag-alaga ng bata pero exciting naman. It’s part of my journey saka marami akong natutuhan.

“Mas responsible na ako, marunong na akong mag-alaga ng bata kasi dati kahit buhat ng bata 'di ako marunong. Marami akong natutunan lalo na nandito ang Mommy, she’s teaching me a lot of things.”

Sa patuloy na pagkukuwento ni Melissa, iba raw ang bonding nilang mag-ina lalo’t nagbe-breastfeeding sa kanya ang anak.

“One-and-a-half months pa lang siya. I think kamukha ni Charles [Togesaki, the baby's dad]. Sanay na akong mapuyat, sa taping nasanay na akong mapuyat, hirap sa akin yung magpatahan.

“Ako ang lagi niyang kasama 'tapos nagbe-breastfeeding pa ako. 'Di na ako lumalabas, bihira. Kung lalabas ako, one to two hours lang,” dagdag pa niya.

BAPTISM. Tinanong namin kung may listahan na ba siya ng mga kukuning ninong at ninang para sa binyag ng anak na si Kiera Kelly. Nang isa-isahin sa amin ng aktres ang laman ng kanyang listahan ay napansin naming halos lahat ng nabanggit ay naging malapit niyang kaibigan at mga nakatrabaho.

“'Di pa nabibinyagan but soon.

“Oo, marami na, kasama si Sandara, Neri, Joross, Paulo, Joem, Julia, Bianca, Gretchen. Marami, marami. They’re all part of my journey, so gusto ko part din sila ng binyag ng baby ko,” lahad niya.

WEDDING BELLS? May plano na ba silang pakasal ni Charles Togesaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro in God’s time. Wala namang pagmamadali, when it comes, it comes, excited na ako para dun,” sabi pa niya.

Dahil nagbalik-showbiz na ang mga kasama niya sa SCQ na sina Roxanne Guinoo at Neri Naig, inamin ni Melissa na bahagi rin pala ng plano niya ang bumalik sa showbiz.

“Sana. Siyempre I have to lose the extra weight.

“'Pag medyo malaki na ang anak ko, that’s the proper time to come back.

“Mayroong offer sa akin pero 'di nag-push through, baka 'di naman yun proper project para sa akin so I’m waiting for the next one,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN