Erich Gonzales pleads to bashers: “Sana matuto silang mag-separate ng teleserye sa totoong buhay.”

Erich Gonzales admits to being severely affected by negative criticism from bashers: “Akala nila, yung napapanood nila, yun na ang katotohanan kaya sobra silang affected. Paalala lang na trabaho lang po ito, trabaho lang na gampanan nang maayos ang role ko.”


Inamin ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales na kinailangan niyang gawing pribado ang kanyang Instagram account dahil sa mga kung anu-anong pangba-bash at threat na nakukuha niya dahil sa pagganap niya sa karakter na si Janine sa kanilang primetime series na Two Wives.

Ayon kay Erich, “Private na siya kasi hindi po natin maiiwasan na sobra ang pagkadala ng mga manonood.

“Akala nila, yung napapanood nila, yun na ang katotohanan kaya sobra silang affected sa ganap ni Janine sa kanila.

“Sana, paalala lang na trabaho lang po ito, trabaho lang na gampanan nang maayos ang role ko.

“At kagaya ng sinabi ko, kahit hindi naman ako sang-ayon sa story or sa mga lines o sa ginagawa ng role ko, ni Janine, trabaho ko lang pong sumunod sa director ko, sa script.”

Nagiging personal ang atake sa kanya ng netizens na “Erich” na ang tawag sa kanya kapag bina-bash siya at hindi Janine?

“Yes, sana matuto silang mag-separate ng teleserye sa totoong buhay,” pakiusap niya.

Gabi-gabi nga ay nagti-trending siya sa Twitter.

“Grabe, every night, trending si Janine. Hindi na ako lumalabas ng bahay!” natatawa niyang sabi.

May pagkakataon bang natatakot na siyang gawin ang isang eksena dahil sa dami ng nagagalit sa kanya?

Sagot ni Erich, “Ay, no naman.

"Siyempre, kapag nasa set, ‘di ba, kung ano ang sinabi ng director na, 'Gusto ko ganito, gusto ko ganyan.'

"Siyempre, trabaho nating gawin kung ano ang hinihingi ng director."

Katulad ng karakter niya sa Two Wives, ipaglalaban din ba niya nang todo ang lalaking minahal niya?

Ayon kay Erich, “Siguro hindi ko pa po masabi. Wala pa po ako sa sitwasyon na ganun.

“Pero siguro talaga, pagdating sa pag-ibig, may mga bagay tayong nagagawa na hindi na natin naiisip kasi nandiyan na, e.

“Pero hindi naman puwedeng puro puso na lang ang gagamitin natin, kailangan din ang utak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, as much as possible, kailangan kapag may mga bagay tayong pinapasok, alamin na natin ang consequences kasi hindi lang naman ang buhay mo ang masisira kung hindi pati ang mga tao sa paligid mo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa nakaraang farewell/thanksgiving presscon ng Two Wives noong February 24, sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.


SOLID RELATIONSHIP. Natawa naman si Erich sa sinabi ng co-star niyang si Kaye Abad, na posibleng maunang magpakasal si Erich dahil apat na taon na silang may relasyon ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sagot naman ni Erich, “Wala sa taon ‘yan.

“Basta ako, sobrang masaya lang ako.

"Blessing sa akin ang boyfriend ko dahil sobra ang patience niya, understanding at pagmamahal sa akin, sobra-sobra.

“Although hindi yun nakikita ng mga viewers kasi hindi naman po ako ma-post sa social media.

“Hindi nila nakikita yung effort ng boyfriend ko sa relationship namin, pero yun, napi-feel ko na siya talaga ang ibinigay ng Diyos sa akin.

“Kung yung iba, hinahanap pa nila ang ‘the one’ na dumating, ako, nandiyan na. Ibinigay na.”

Ilang taon pa niya nakikita bago siya dumating sa puntong handa na rin pakasal?

“Hindi ko pa po masabi talaga.

"Pero alam naman niya na marami pa akong dapat gawin and he’s willing naman to wait for me... kahit mga 70 year old na siya!” natatawang sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN