Gretchen Barretto eager to do quality projects to redeem self from ’ST Queen’ image

Aminado si Gretchen Barretto na nagiging relihiyosa na siya. May mga panata na raw siyang sinusunod at mga pamahiing ginagawa katulad na lamang ng Visita Iglesia.


Sa Huwebes, March 5, ay ipagdiriwang na ni Gretchen Barretto ang kanyang ika-45 kaarawan.

Pero iba raw ang hiling ni Gretchen na regalong matanggap para sa kanyang kaarawan ngayong taon.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, I’m wishing for the…

"You know, the Gawad Pasado and the Gawad Tanglaw, they tell you the winners already, which is less stressful for me ‘cause they tell you already.

“Star Awards for Television and Movies, and the rest of the award-giving bodies, they don’t announce it.

“So, now, seven days before my birthday, I find myself stressed!

"But then, I also remind myself the reason why we pray is that we should have faith in God.

“So, I said, instead of being stressed, it’s part of life.

"I guess, we’re human, we still get stressed. We still get challenged.

"So, sabi ko, to solve that problem... well, kanina nag-Baclaran ako, which is my weekly panata.

"And then, so I said, for the first time, I’m going to Manaoag [in Pangasinan] before my birthday on the 5th.

"And I’m praying for the Star Awards for Movies kasi hindi ko na ‘ata kaya the tension."

THE COMPETITORS. Nominado si Gretchen sa kategoryang Best Supporting Actress para sa pagganap niya sa pelikulang The Trial.

Makakalaban niya rito sina Shamaine Buencamino (Barber’s Tales), Iza Calzado (Starting Over Again), Jasmine Curtis-Smith (Dementia), Lotlot de Leon (Kubot: The Aswang Chronicles 2), Gladys Reyes (Barber’s Tales), at Sylvia Sanchez (The Trial).

Napanalunan na niya ang naturang kategorya sa Gawad Pasado at Gawad Tanglaw.

Inamin ni Gretchen na kinakabahan siya sa nalalapit na Star Awards for Movies dahil puro magagaling daw ang kanyang makakalaban.

"Sylvia Sanchez is nominated for The Trial also. Yung performance niya dun, talagang hindi matatawaran.

“And then, Shamaine Buencamino, I don’t know for what movie, but I’ve seen her movies sa indie films, very, very good. It’s very good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iza Calzado for Starting Over Again is also very good.

"So, lahat naman, kaya ka nga nominado, e, magaling.

"So, kung puwede sana lahat na lang panalo, e, ‘di ba?

“Sabi naman ni Tony [Cojuangco, her partner] noon sa akin... he calls me 'Baba.'

"'Alam mo, Baba, hindi lahat kailangan panalo, hindi parating kailangan panalo.'

"E, siyempre, mas masarap 'pag palaging panalo.

"Alam mo yung pinaghihirapan mo yung isang bagay, and then it’s rewarding.

"You have that self-fulfillment na you did something good for the industry."

Nakausap ng PEP si Gretchen noong Biyernes, February 27, sa launch ng kanyang bagong collection para sa Karat World, ang Everyday Gretchen.


TO REDEEM HERSELF. Sabi pa ng Kapamilya actress, ang mga ganitong nominasyon at awards na kanyang natatanggap ay isang pagpapatunay na hindi lang siya hanggang pagpapa-sexy.

Saad niya, “I started filming when I was 13, 14 years old ako noong ipinalabas yung 14 Going Steady [1984].

"My career went through the years, it wasn’t always smooth, it wasn’t always the best, it wasn’t the perfect kind of career.

"So, ang gusto ko lang talaga, before I did Magkaribal [2010], sabi ko gagawin ko ang Magkaribal, hopefully to just redeem myself from the ST Queen reputation.

“So, hiningi ko lang talaga sa Diyos nung nag-Baclaran ako every week, and sometimes not only once a week, even more than once a week.

"And then, through Patrick Rosas, I learned to do Visita Iglesia, which I never did before.

“So, I said, ang pangarap ko lang na I’ll redeem myself through one teleserye, and then I can quit forever.

"Of course, I lied to myself because I did other things."

Patuloy niya, "And then, nakaka-addict pala yung feeling na yun when you do one good thing, you wanna do more and more.

"It’s like working out, you wanna be better, your intensity gets higher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And so, nangyari, yung first award for MMK [Maalaala Mo Kaya], and then second MMK, we garnered two awards, and then for Magkaribal.

"And so it went on and on.

“So, when I did The Trial, I said, ‘O, Lord, kahit ito na lang, kahit one movie na lang, and then sige na, I can quit na, and then give it to me.'

"And then, I find myself wanting more and more.

"I don’t know if that’s a sin or that’s a crime, but siguro we want to get recognized for what we do, for the love of the business, show business.

"Kasi ang dami kong utang sa show business, ‘di ba?

“They gave me a better life, I can’t deny that.

"It made my life comfortable, in many ways, it has helped me survive.

"I’ve gone through so much, so I’m grateful, it’s giving back.”

LOYAL KAPAMILYA. May upcoming projects naman daw siya sa ABS-CBN at matatawag niya ang kanyang sarili na isang loyal na Kapamilya.

“Yes, may mga movies.

"I’m very loyal to ABS-CBN simply because when I wasn’t doing everything, sila yung, ‘Do a CD. Do another CD. Do a teleserye.’

“I really didn’t have that in mind.

"At that time, ang gusto ko lang, gumawa ng CD.

"I didn’t think I was gonna work again, so sunud-sunod."

Patuloy ni Gretchen, “Yes, I still have a contract for a movie.

"I’m just waiting for a good project because, you know, I wanna give something that’s in the same level as the past ones.

"I mean, I don’t want to do anything other than, you know?”

Kahit nakakapagod, gusto pa rin daw gumawa ni Gretchen ng isang teleserye.

“Oh, definitely, we’re just waiting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang madugo kung gusto mo, e.

"If you love what you’re doing, I guess you’re fine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN