Ellen Adarna on breakup with live-in partner: "Kapag ayoko na, ayoko na and walang iyak-iyak. Kailangan move on kaagad!"

Ellen Adarna says she is focused on her career and marriage can wait, but she has a timetable for having a baby. "Gusto ko lang magkaanak, even my parents know that... and they said they will support me."


Mariing pinabulaanan ni Ellen Adarna na pinopormahan siya ni Ejay Falcon kaya sila nag-break ng non-showbiz boyfriend niya na si Raul Olbes.

Saad ni Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi naman, kaibigan at katrabaho lang si Ejay.

"May mga nagpaparamdam, pero wala muna, iba yung priorities ko right now.

"Siguro, for now, I would like to concentrate on my career and 'tsaka na ulit yung love.

"And he [Raul] knows naman na walang ibang party na involve kaya kami naghiwalay,

"If may darating, siguro date-date muna, wala munang commitment."


UNRESOLVED ISSUES. Last year pa raw nangyari ang hiwalayan nila ng dating boyfriend, "Siguro mga September."

Almost three years daw tumagal ang relationship nila. Bakit sila nag-break?

Sagot ni Ellen, "Wala lang... alam niyo naman na we lived together, 'di ba?

"Obviously, yung first week, nakaka-miss, pero it's better for us.

"Kasi, if you think hindi na puwede, that's the time you have to decide.

"And siguro, dumating ako dun sa point na I have to decide and yun nga yung decision.

"Wala na, break na.

"And may mga issues din kami na hindi na talaga naayos and mahirap na ayusin din.

"Alam naman niya kung ano yung reason.

"'Tsaka sa personality ko kasi, if ayoko, ayoko talaga, at hindi mo ako mapipilit."

Patuloy niya, "Kasi na-experience ko na dun sa first boyfriend ko, for three years, after naming mag-break, super-cry talaga ako. Dinamdam ko talaga.

"Pero as time flies by, parang hindi na uso sa akin yun.

"Kapag ayoko na, ayoko na and walang iyak-iyak. Kailangan move on kaagad!

"And besides, hindi naman kasi magiging ganun if walang reasons.

"Kaya naman nag-e-end ang relationships because may dahilan.

"And alam naman namin pareho yung reasons kung bakit nag-end na yung relationship."

Nakausap ng PEP si Ellen sa presscon ng Healthy Cereal Drinks ng NutRite, na ginanap sa Club 88, sa Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHE WANTS A BABY. Naka-move on na nga raw si Ellen.

"Medyo matagal na rin naman.

"Right now, wala na kaming communication, no calls or text.

"Mas maganda kasi we can move on easily."

Wala pa rin naman daw sa isip niya ang pagpapakasal.

"Naku, wala sa bokabolaryo ko 'yan, maybe in my 30s, baka.

"Alam niyo naman na gusto ko lang magkaanak, even my parents know that.

"I told them na in three years time, I like to have my own baby na, and they said they will support me.

"Siguro, when I'm 35 na and I feel na ready na ako to get married, siguro yun na yun.

"Ako kasi, hindi ko talaga alam, hindi ko talaga pinaplano 'yan, at wala sa plano ko right now.

"Ako kasi, malalaman ko lang kung mahal ako ng guy kung matanda na ako and may mga wrinkles na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN