Aljur Abrenica returns to Sunday All Stars; GMA Network clarifies there’s no settlement yet

Nilinaw ng GMA Network Inc. na wala pang settlement na nangyayari sa pagitan ng management at ni Aljur Abrenica, sa kabila ng pagbabalik ng aktor sa musical program na Sunday All Stars.


Napanood na muli si Aljur Abrenica sa musical-variety show na Sunday All Stars noong Linggo, March 1, pero hindi ito nangangahulugang tapos na ang reklamong inihain ng GMA Network Inc. laban sa kanya.

Nilinaw ng management ng Kapuso network ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng official statement na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

"Aljur Abrenica requested if he could return to Sunday All Stars after a long absence.

"Considering that he still has a live contract with GMA, he was allowed to do so.

"However, Aljur's appearance on the show does not mean the settlement of the claims GMA Network filed against him."

Matatandaang si Aljur ang unang naghain ng reklamo laban sa GMA Network Inc. noong July 2014, dahil sa kagustuhan niyang mapawalang-bisa ang kanyang exclusive network sa Kapuso Network.

Sinabi ni Aljur na hindi nito nararamdaman ang importansiya at respeto na kailangan niya para sa kanyang career.

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN