Dingdong Dantes reveals his thoughts on being replaced by John Lloyd Cruz in Ponzi movie

Dingdong Dantes: "It’s very unfortunate that it happened. But I’m fortunate that I found out right now the people whom I should really be dealing with."


Hirap magsalita si Dingdong Dantes tungkol sa isyung hindi na siya ang magbibida sa pelikulang Ponzi.

Matatandaang noong 2014 ay naibalita nang isa sa mga nakalinyang proyekto ng Kapuso actor ang nasabing pelikula.

Ang Ponzi ay ipuprodyus ni Dondon Monteverde ng Reality Entertainment at co-producer din ang GMA Films, at posibleng maging ang sariling film outfit ni Dingdong na AgostoDos Pictures.

Ididirek naman ito ni Erik Matti, na nagdirek ng dalawang The Aswang Chronicles movies ni Dingdong.

Ilang beses na ring nabanggit ni Dingdong ang tungkol dito sa kanyang dating interviews, at hindi maikakaila ang excitement ng aktor sa proyekto.

Ngunit noong nakaraang linggo ay lumabas ang balitang hindi na si Dingdong ang lead star ng Ponzi, kundi ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.

Ang balitang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay walang kaalam-alam si Dingdong na bukod sa kanya ay kinausap din pala ni Dondon si John Lloyd.

At nalaman na nga lang ni Dingdong na si John Lloyd na ang gagawa ng pelikula.

Sa presscon ng bagong primetime series ni Dingdong sa GMA, ang Pari Koy, nitong Lunes ng gabi, March 2, hindi agad nakasagot ang Kapuso Primetime King nang tanungin tungkol sa pagkakatanggal niya sa Ponzi.

Ilang ulit ibinabalik ng press ang tanong tungkol sa isyu, pero nakiusap si Dingdong kung puwedeng huwag muna iyon ang itanong sa kanya.

Pinagbigyan naman ng press ang kanyang pakiusap at ibang bagay muna ang itinanong sa kanya, ‘tulad ng bago niyang primetime series na Pari Koy at ang buhay may-asawa nila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.


CLUELESS. Nang muling ibalik kay Dingdong ang tanong, tila hindi pa rin nito malaman kung paano sasagutin ang isyu.

Ano nga ba ang nararamdaman niya? Ano ba talaga ang nangyari?

“Alam niyo, hindi ko talaga alam…” matipid niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang pansinin na tila speechless siya sa pagkakataong ito, natawang sabi ni Dingdong, “Hindi naman… ano ba? Ano… hindi ko alam!”

Nagulat naman ang aktor nang malaman mula sa press na nagsisimula na pala ang shooting ng Ponzi.

Nang tumagal ay nagsalita na rin si Dingdong tungkol sa isyu.

“Okey, ganito na lang, let’s put it this way...

"Kung anuman yun, it will not hinder me from wanting to make, do, produce the film that I want to do and the project that I love to do.

“Siguro, it’s a… paano ba yun, paano ko ba masasabi yun…

“Siguro, ganito na lang, it’s very unfortunate that it happened.

“But I’m fortunate that I found out right now the people whom I should really be dealing with.

“Para sa akin, I’m more motivated.

“I feel very blessed with this project.

“Sometimes, you just have to let, you know, God dictate what is right and proper for you.

“It’s good to plan sometimes, create the frameworks, make it, but it’s also sometimes better if you make Him lead you.

“Because, definitely, He will lead you to the proper direction.

“And I feel that this unfortunate incident led me to this.

“And I’m happy where I am right now and there are better things to do.

“So, let us all move on and God bless you all.”

PARTNERS. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na sina Dondon at Erik ang mga kasosyo ni Dingdong sa Aswang Chronicles movies na Tiktik at Kubot.

Kailan lang din ay may kontrata silang pinirmahan, kasama ang GMA Films, para sa pagpapatuloy ng franchise nito.

Willing pa rin ba siyang makatrabaho ang mga ito?

“Hindi ko muna sasagutin ‘yan,” nakangiting iwas ni Dingdong.

Naramdaman ba niyang na-betray siya sa nangyari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You feel it, kayo na ang bahala. Basta I said my piece,” maingat pa rin niyang pahayag.

May pagkakaibigan na silang nabuo habang ginagawa nila ang kanilang mga proyekto. Nanghinayang ba siya sa nabuong friendship nila?

Tugon ni Dingdong, “Gaya ng sinabi ko, babalik ako sa una kong sinabi na I’m fortunate that I found out this early whom I should be dealing with.”

FORMAL COMPLAINT? May balita ring lumabas na diumano’y idudulog ang nangyari sa kanya sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI), kung saan miyembro ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan.

Ano ang masasabi niya rito?

Saad ni Dingdong, “Para sa akin, that’s beyond… well, ako ay isang artista lamang, minsan producer.

“Pero hindi naman po ako nakikialam sa management affairs.

“So, that’s a different thing. Iba naman ang sawsawan ko o hindi.”

Kilala si Dingdong sa showbiz bilang isang mabait, palabati, at hindi palaaway na tao. Pero paano ba magalit ang isang Dingdong Dantes?

Natatawang sagot niya, “Ewan ko, because when I’m mad, I don’t remember! Bihira, bihira…”

Paano naman sumama ang loob niya?

“’Wag na… ‘wag na,” iwas niya.

Masama ba ang loob niya?

“Tapos na, huwag na, nasabi ko na. Read between the lines!” natatawang sabi na lang niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN