Iñigo Pascual on possibility of courting Kathryn Bernardo: “Ayokong sagutin ‘yan, baka patayin ako ng KathNiel!”

Iñigo Pascual on his acting career: "Hindi ka palagi bida, at okey lang po yun sa akin. I wanna go through that. You can’t always have everything. I’m happy with whatever’s happening in my career."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo Pascual kung satisfied ba siya sa kinalabasan ng performance niya sa Crazy Beautiful You.

Sagot ng Kapamilya young actor, “Okey naman po.

“Siyempre po ‘andun yung feeling na I could have done better.

“Pero I’m happy with what I’ve done.

“My first movie under Star Cinema. Nandiyan yung parang first major na iyak scene ko.

“So, I’m really happy with it. Okey naman po.

“I’m really very happy with the outcome of the movie and I hope people will like it.”

Hindi ba siya nanibago sa treatment sa kanya bilang supporting cast ng Crazy Beautiful You, kumpara sa unang pelikula niyang Relaks, It’s Just Pag-ibig kung saan bida siya?

Ayon kay Iñigo, “Okey naman po.

“I mean, it doesn’t always… hindi ka palagi bida, at okey lang po yun sa akin.

“I wanna go through that. You can’t always have everything.

“I’m happy with whatever’s happening in my career.

“First movie ko Star Cinema and I’m working with KathNiel,” pagtukoy niya sa mga bida ng pelikula na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“So, that’s already a big… certain honor working with them.

“So, I’m really happy with whatever’s going on, and kahit hindi po ako bida, okey lang po sa akin.”


WHAT IF… Kung walang Daniel, posible bang ma-in love siya kay Kathryn?

Natatawang sabi ni Iñigo, “Ayokong sagutin ‘yan, baka patayin ako ng KathNiel [fans]!”

Pero dagdag niya, “Hindi, ano, super fan ako ng KathNiel.

“At ano… hindi ko po alam kung paano sagutin yun.”

Posible ring magtambal sila ni Kathryn sa isang pelikula. Sa tingin niya, magandang proyekto ba ito para sa kanilang dalawa?

“KathNiel fan din po ako. Yun ang sagot ko!” iwas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


GABBY & KC. Kasama rin sa Crazy Beautiful You si Gabby Concepcion, na gumanap bilang ama nina Iñigo at Daniel.

Si Gabby ay ama ni KC Concepcion, na ex-girlfriend naman ng kanyang ama na si Piolo Pascual.

Hindi ba siya nailang kay Gabby?

Sagot ni Iñigo, “Hindi naman po… I didn’t think about it, to be honest.

“Like when I get to the set, I said hi and introduced myself.

“Sabi ko, ‘It’s so cool to be working with you and Tita Lorna [Tolentino] as well.

“At ano siya... sobrang masayahin na tao, sobrang makulit.

“Actually, may isang scene doon na parang pictorial lang. Lagi siyang naka-peace sign.

“Pinagtatawanan namin siya dahil siyempre, siya yung dad sa movie, pero parang siya pa yung bata sa set.

“Nakakatawa po siya.”

Hindi ba nila napag-usapan ni Gabby o nabanggit man lang si KC habang nasa set sila?

Saad ni Iñigo, “A, hindi naman po.

“It’s not something that we talked about.

“It’s not a big deal to us anymore and it’s not something that we should discuss anymore.

“It’s never a problem on the set.”

Nakilala na ba niya si KC?

Sagot ni Iñigo, “Yeah, of course.

“I see her in ASAP. Nakita ko siya sa ASAP 20. Every time, sa ABS.”

Binabati ba niya si KC kapag nagkikita sila?

“A, hindi po kami masyadong magkakilala,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN