Paulo Avelino happy for ex-girlfriend LJ Reyes and JC de Vera

Natatawa si Paulo Avelino sa isyung kaya raw nawala kay Xian Lim ang seryeng Bridges of Love ay dahil naka-take 29 ito sa ilang mga eksena. Blessed daw siya dahil sa kanya napunta ang isang dekalibreng proyektong magsisimula nang ipalabas sa March 16.


Idinaan muna sa biro ng Paulo Avelino ang sagot niya nang tanungin kung ano ang kanyang reaksiyon sa balitang pagkakamabutihan nina LJ Reyes at JC de Vera.

Si LJ ang dating kasintahan at ina ng anak ni Paulo na si Ethan Akio.

Pabirong sagot ni Paulo tungkol dito, “Talaga? Hindi ko yun alam, a!”

Pero okay ba sa kanyang nakikipag-date na sa iba ang dati niyang ka-partner?

Tugon ng aktor, “Alam mo, parang ang akin, it’s all about happiness.

“Kung saan masaya si LJ or kahit si JC, kahit sino pa ang piliin nila, na basta maging masaya sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Paulo sa grand presscon ng Bridges of Love, na ginanap sa Dolphy Theater, ngayong Martes ng tanghali, March 3.

POST ABOUT BASHERS AND HATERS. Samantala, noong February 23 ay nag-post si Paulo sa kanyang Instagram account ng tungkol sa bashers and haters.

May pinatatamaan ba siya rito?

Nakangiting sagot niya, “Wala, wala.

“You know, everything I post on social media or parang mga ganun, are... kumbaga, sabihin mo quotes na nakikita ko sa timeline ko.

“So, parang nakikita mo at gusto mong i-share sa mga followers mo. So, no one in general.

“Hindi naman ibig sabihin na pinu-post ko siya kasi pinagdadaanan ko siya. I just wanna share it.”

BLESSED. Sa kabilang banda, masasabi raw ng 26-year-old actor na blessed ang kanyang 2015.

Saad ni Paulo, “I’ve been very blessed with work.

"And hindi ko rin ini-expect na for this year, makakuha ako ng ganito kagandang proyekto po.

"And I’m happy and blessed."

Sa Bridges of Love, second choice lang si Paulo dahil nauna na itong naibigay kay Xian Lim na kalaunan ay balitang tinanggal.

Pero ayon sa Star Creatives, ang nangangasiwa ng serye, tinanggal si Xian dahil may iba itong gagawing proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman si Paulo tungkol sa isyung kaya raw nawala kay Xian ang role na gagampanan niya sa show ay dahil naka-take 29 ito sa ilang mga eksena.

Ano ang masasabi niya na second choice lang siya?

Sagot ni Paulo, “Lagi naman po nangyayari 'yan sa iba, kahit sa Hollywood, na laging may napapalitan.

“Laging may nangyayari whether problema or pinu-pullout. Lagi naman may ganung nangyayari, e.

“But like what I’ve said kanina, I am blessed I was considered for the role.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN