JC Tiuseco admits to having non-showbiz girlfriend

Bagamat matipid sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang bagong girlfriend, inamin ng Kapuso hunk na si JC Tiuseco na hindi ito taga-showbiz.


Umamin si JC Tiuseco na may girlfriend siya ngayon.

Ginawa ni JC ang pag-amin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng GMA primetime series na Pari Koy, nitong Lunes ng gabi, March 2.

Gaano na sila katagal ng girlfriend niya?

“Medyo matagal-tagal na rin.”

May isang taon na?

“Meron na… siguro mga ganun.”

Ano ang trabaho ng girlfriend niya?

“Basta non-showbiz!” ang tumatawang pag-iwas ni JC sa pang-uusisa namin.

Pero dagdag din niya, “Nagwo-work na.”

Saan niya nakilala?

“Sa mga kaibigan din, sa mga common friends.”

Maganda?

“Oo naman!” at muling tumawa ang Kapuso hunk.

Ano ang pangalan?

“Huwag na nating sabihin ang pangalan.”

Pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal.

Mas gusto ba niya ang hindi taga-showbiz na karelasyon?

Ayon kay JC, “Well, dati ko pa namang sinasabi na, as much as possible, non-showbiz.

“Pero kasi ngayon, parang… kung sino siguro yung matapat sa iyo, e.

“Hindi mo masasabi kung taga-showbiz or non-showbiz.

“Siguro kung kanino ka... parang nakakagaanan mo ng loob yung tao na yun.”

Pero given a choice ay mas gusto niya ang non-showbiz.

“Oo, sana,” sambit niya.

Bakit ngayon lang siya umamin? Dati kapag tinatanong siya tungkol sa lovelife niya ay hindi siya umaamin na may karelasyon siya.

Paliwanag ni JC, “Mas gusto ko kasi na private iyon, e.”

Bakit umamin siya finally?

“Wala lang!” tawa niya.

Hindi raw selosa ang girlfriend niya. Naiintindihan naman daw nito ang trabaho niya bilang artista.

Ang huling nabalitang nakarelasyon ni JC ay ang aktres na si Maxene Magalona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN