Claudine Barretto: “Lahat ng mga anak ng mga kapatid ko, walang MAS, lahat pantay-pantay.”

Hindi man direkta, pahapyaw na nagpaparamdaman si Claudine Barretto at pamangking si Julia Barretto sa isa’t isa bilang indikasyon ng pagiging bukas nila sa pagbabati.


Ayon kay Claudine Barretto, pantay-pantay ang kanyang pagmamahal sa lahat ng mga pamangkin niya.

Ngayong Martes, March 3, nag-post si Claudine sa kanyang Instagram account (@claubarretto) ng mga larawan ng anak na si Santino at pamangking si Leon, bunsong anak ni Marjorie sa dating asawa na si Dennis Padilla.

Hindi lingid sa mundo ng showbiz ang pagkakaroon ng iringan ng dalawang magkapatid.

Sa isa sa mga nasabing larawan, inihayag ni Claudine ang kanyang pagmamahal at pagka-miss kay Leon.

Naka-tag pa rito si Julia Barretto, na positibong indikasyon na tinatanggap ni Claudine ang inisyatibo ni Julia at inang si Marjorie na mag-reach out kay Claudine, sa pamamagitan ng Instagram kamakailan.

Read: Claudine Barretto posts photos of son Santino and Marjorie’s son Leon; tags Julia

Ngayong Martes ng hapon, muling nag-post ng komento si Claudine sa kanyang Instagram account upang ipahayag na pantay-pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga anak ng mga kapatid niya.

Bago ito, sinabi muna ni Claudine na pinasaya siya ng kanyang pamangkin na si Leon sa araw na ito.

May followers naman siyang nagtatanong tungkol sa isa pang nakababatang kapatid ni Julia.

Nag-post naman muli ng komento si Claudine na tila sagot na wala siyang kinikilingan pagdating sa kanyang mga pamangkin.

Ibig kayang sabihin nito ay ganun din ang pagtingin ni Claudine sa pamangkin na si Dominique Cojuangco, na unica hija ng kaalitan din niyang kapatid na si Gretchen Barretto?

Samantala, sa nasabing thread ng comments sa ilalim ng Instagram post ni Claudine, matatagpuan din ang komento ni Julia at tinawag na "gwapo boys" ang kanyang pinsang si Santino at kapatid na si Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN