Jam Sebastian dies after being taken off life support

Michelle Liggayu’s message to her fiancé Jam Sebastian: “We love you Jam Fernando Sebastian. I’m sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven.”


Pumanaw na si Jam Sebastian, ang kalahati ng YouTube sensation na Jamich.

Kinumpirma ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian ang malungkot na balitang ito:

"The fight is over, we lost the battle. My son Jam Fernando Sebastian just passed away 10:30 am March 4, 2015."

Si Jam ay 28 years old.

Matagal-tagal ding nakipaglaban sa sakit na Stage 4 lung cancer si Jam.

Bago ang kumpirmasyon ng ina ni Jam sa pagpanaw ng anak, ibinalita ng kasintahan ni Jam na si Michelle "Mich" Liggayu sa Facebook at Instagram na nakapagdesisyon na ang pamilya ng binata na tanggalin na ang life support nito.

“Nakapag-decide na ang family. Hinihintay na lang maubos yung gamot ni Jam.

“Hindi ko kayang tingnan ngayon yung ginagawa sa kanya. Na inaayos na siya.

“Ang sakit marinig na napag-uusapan na kung anong susuotin niya.

“Sabay-sabay tayong mag-pray for Jam na makaramdam na siya ng love and comfort sa arms ni God.

"Pag-pray din natin na maging strong tayong lahat. Everything will be okay...

"We love you Jam Fernando Sebastian.

"I'm sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven.

“Sana ma-dream kita na ipaalam mo lang sa 'min na masaya ka na and healthy ulit with God.

"Thank you for everything... No words can explain. Until we meet again...”

A photo posted by Jamich  (@jamich) onMar 3, 2015 at 6:41pm PST

Nauna rito ay nag-post ding ng ganitong mensahe si Mich:

"Pinakamasakit na paghihintay.

"Pray tayo ulit. But this time mag-thank you tayo kasi magiging happy na si Jam with God. Di na siya mahihirapan.

"Let's pray na mapuno siya ng love and peace. Angels of God, embrace Jam. Protect him. Lead him. God."

Noong nakaraang linggo, inihayag ng ama ni Michelle na si Christopher Joseph Liggayu, via Facebook, na kailangan nang tanggapin na hindi na malalabanan ni Jam ang kanyang stage 4 lung cancer.

Read: Michelle Liggayu’s dad on Jam Sebastian’s condition: “Let us just accept the fact that Jam will no longer win this fight.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN