Cesar Montano settles property issue with estranged wife Sunshine Cruz

Cesar Montano’s message to his daughters with Sunshine Cruz: “Your father will still be the same. Stick with the truth. Do not allow anybody to teach you how to lie."


Pinirmahan na ni Cesar Montano ang compromise agreement sa pagitan nila ng estranged wife na si Sunshine Cruz kaugnay ng kanilang conjugal properties.

Kasama rito ang pagpayag ni Cesar na ibigay kay Sunshine ang kanilang property na malapit sa pinaglalaruan ng golf ng aktor.

Naganap ito sa dinaluhang pagdinig ng aktor para sa kustodiya ng kanilang mga anak sa Quezon City Regional Trial Court noong Lunes, March 2.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA Network, hindi sumipot si Sunshine at tanging ang legal counsel ng Kapamilya actress na si Atty. Bonifacio Alentajan ang dumating sa naturang pagdinig.

Dito ay inalmahan ni Cesar ang pagbabawal sa kanya ni Sunshine na makipagkita sa kanilang tatlong anak na babae.

Ito ay sa kabila umano ng utos ng korte na maaaring bisitahin ng aktor ang mga bata dalawang beses kada linggo.

December 1, 2014 pa nang huling makasama ni Cesar ang tatlong anak nila ni Sunshine.

Nauna nang inihayag ng kampo ni Cesar na may kinalaman sa isyu ng hatian ng kanilang ari-arian ang inihain ni Sunshine na panibagong reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Their Children Act laban sa aktor.

Ngunit iginiit ng aktor na walang katotohanan ang alegasyong may ginawa siyang kabastusan sa harap ng tatlong anak na babae nila ni Sunshine.

Bunsod nito, nanawagan Cesar sa mga anak na huwag basta-bastang magpadala sa diumano’y kasinungalingang itinuturo sa kanila.

“Your father will still be the same.

“Stick with the truth.

“Do not allow anybody to teach you how to lie.

“Please pray for daddy, please pray for mommy, please pray for our family.

“Stay with the truth,” giit ni Cesar.

Buwelta naman ng legal counsel ni Sunshine na si Atty. Alentajan, pinagbawalan muli ng korte na makalapit si Cesar sa tatlong anak na babae dahil sa maituturing na pang-aabusong ginawa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inaalis kay Cesar yun magbisita-bisita, e, tinanggal.

"Ang full custody na kay Sunshine.

“Ngayon, may nangyayari after that. Puwedeng magbisita o dumalaw si Cesar, [pero] may nangyari.

“Dahil sa pangyayari na yun, binabawalan na naman siya ng husgado,” paliwanag ni Atty. Alentajan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN