Jericho Rosales on ’super wife’ Kim Jones: “She’s amazing. Jackpot ako.”

Jericho Rosales on wife Kim Jones: “She will never feel insecure and she trusts me very much. I mean, malaki yung tiwala niya sa akin na hindi ako gagawa ng mga bagay na wala namang katuturan.”


Hindi raw isyu para sa asawa ni Jericho Rosales na si Kim Jones ang mga ginagawang intimate scenes ng aktor sa mga proyekto niya.

Kaya nga kahit daw magkaroon sila ng kissing scene at love scene ni Maja Salvador sa bago nilang teleseryeng Bridges of Love, hindi raw magiging apektado ang misis ng aktor.

“Number one supporter ko iyan, si Miss Jones,” sambit ni Jericho.

“Walang isyu sa kanya iyon.

“Natatawa pa nga sa akin iyon, tumatawag ako sa kanya para sa Legal Wife, ‘I have to do this scene.’ Tinatawanan lang ako.”

Pero siyempre, iba na ngayon na mag-asawa na sila?

Pagkontra ni Jericho, “No, she’s not that person.

“She will never feel insecure and she trusts me very much.

“I mean, malaki yung tiwala niya sa akin na hindi ako gagawa ng mga bagay na wala namang katuturan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa presscon ng Bridges of Love kahapon, Marso 3, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

KIM, THE CRITIC. Paano hina-handle ito ni Kim, hindi na lang ba nito pinapanood ang mga intimate scenes ni Jericho sa kanyang leading lady?

“Pinapanood niya.”

Si Kim ba yung tipong critic niya?

“Yes, she’s my critic sa lahat, whether acting or music.”

Gaya ng ano?

“Marami siyang mapapansin sa akin, like, ‘In some sequences, I didn’t see a change in you,’ ganyan.

“But it’s very rare na babarilin niya nang ganun. Ang nire-remind niya lagi sa akin is my discipline.

“And she tells me, for example, ‘How much are you gonna give to this project?’ ‘How much are you gonna receive in terms of promotion, in terms of…?’ ‘How much of your time are you gonna dedicate to study [your role]?’

“’That’s how much you’re gonna receive,’ parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s very maintindihin, maunawain, supportive.”

SUPER WIFE. Kumusta na ang pagsasama nila ngayon?

“Great. She’s very busy now,” sabi ni Jericho.

Paano ang baby?

“If you’re gonna ask me about the baby, wala pa.

“Hindi pa ngayon kasi busing-busy siya, e.”

Ano ba ang pinagkakaabalahan ni Kim ngayon?

Saad ng aktor, “Editor-in-chief siya ngayon ng makeup magazine.

“She’s busy with her blog, her website. She works with different brands.

“She does a lot of photo shoots, mini-campaigns, ganyan.

“She also does mga modelling and endorsements, ganyan.

“So, iba yung world niya, e, nasa online siya, e.

“If you check missjones.com, you will see her works.”

Paano si Kim as a wife since busy ito as a career woman?

“Okay kami, busy rin naman ako, e,” sabi ni Jericho.

Pinaglulutuan ba siya ng asawa niya?

“Yes, she does. Nagpapabaon pa iyan ng food sa set minsan. Papadala iyan ng food.”

Paano niya ide-describe si Kim bilang asawa?

“She’s amazing. Jackpot ako.”

Since into fashion si Kim, tinutulungan din ba siya nito sa styling at pananamit?

Ayon kay Jericho, “Always, ang dami kong natututunan sa kanya.

“Just by watching her, ang dami kong natututunan.

“I think I married a super wife.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN